Zandreaj

369 15 0
                                    

Kunot ang noo at halos magsalubong ang mga perfectly shaped thick eyebrows ni Zandreaj habang nagbabasa ng messages sa kanyang messenger.

"Fu**!"

pabuntung hiningang napamura sa inis ang dalaga. katatapos lang ng kanyang last subject ngayong hapon at ngayon nya lang nahawakan ulit ang kanyang cellphone. Andami nyang namimissed sa group chat nila ng mga friends nya from her old school na halos araw araw she has to read back hundreds of convos before she could cope up with the latest topic. And this afternoon a photo in their GC sent by Jolla, one of her friends, made her frown, irritated and JEALOUS.
Nakasimangot na pinower off ni Zandrea ang iphone nya at padabog na inilagay sa bulsa ng kanyang school bag. Matapos icheck ang sarili sa wall mirror na nakasabit sa gilid ng pinto ay bad mood siyang lumabas ng classroom para umuwi.

"Zandreaj you can't go yet."

Kunot ang noong napalingon si Zandreaj sa nagsalita. Sa harap ng chalkboard ay nakatayo ang kaklase nyang lalake hawak ang chalk eraser, na inaabot sa kanya.

" Erase the writings on the board and I will arrange the chairs."

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Zandreaj.

" Why don't you ask our classmates to do it? I have just finished cleaning the comfort room." Tonong inis na sagot niya.

"Can't you see? We are the only two left here."
Inis din ang tonong sagot ng lalaki.

Napatitig si Zandreaj dito.Magiisang buwan na mula ng lumipat sya sa public high school na ito pero hindi pa rin sya familiar sa kanyang mga kaklase. Matapos syang makick out sa private school na pinapasukan nya kung saan Principal ang kanyang mommy ay dito sya sa probinsya ng kanyang Lola "ipinatapon."

Last week ng November s'ya nagenrol at nagsimulang pumasok. Isang linggo palang s'yang regular na pumapasok na parang zombie (walang nakikita at kinakausap) ay suspended na ang klase ng isang buong linggo dahil sa bagyo. December 14 ay Christmas vacation na. Wala pa man syang kilala at kaibigan sa klase nya ay bakasyon na naman. At kanina nga, January 6 ay nagresume ang klase, at sa malas ay ang grupo nila ang nakaassign na cleaner ngayong isang buong linggo.

Padabog na hinablot ni Zandreaj ang chalk eraser at pabastang kinuskos ang mga sulat sa board.

"Ayusin mo nga yang ginagawa mo, magierase na lang ng board hindi ka pa marunong." Tonong inis na sabi nito.

Muling nangunot ang noo ni Zandreaj at ibinagsak sa teacher's table ang chalk eraser.
"eh di ikaw na ang mag-erase! Ikaw pala ang marunong eh!" sabay talikod niya.

"Oy hindi ka pa pueding umalis, balikan mo yung CR at linisin mo ng ayos. kakatsek ko lang nun, at marumi pa." Pautos na sabi ng lalaki.

"Ok, ka lang? tapos ko nang linisin yun! Kung hindi ka nasiyahan sa linis ko, P'wes ikaw ang maglinis!"
pasigaw na sagot ni Zandreaj. Nakadagdag sa inis niya ang isiping matatagalan pa syang makakauwi at gabi na bago pa siya makakapag-on-line. Gustong gusto na niyang makachat si Jolla at linawin ang tungkol sa picture na sinend nito.

Lumapit sa kanya ang lalaki at bahagya syang hinila sa kamay papunta sa CR.

"Look! I don't think that's clean enough." mahinahon pero may may diin nitong sabi habang mahigpit nitong hawak ang kanyang kaliwang kamay.

"Malinis na saken yan, may problema ka?! Sino ka ba eh pareho lang naman tayong cleaner pero kung umasta ka para kang group leader at class president! She responded madly sabay wasiwas ng kamay nito. Dali- dali syang tumakbo palabas ng classroom ng mabitiwan nito ang kanyang kamay at walang lingon-lingon na tumuloy sa parking lot para kunin ang kanyang sasakyan.

Nag-iisa na ang kanyang Nmax model 2020 yamaha scooter sa students' parking lot. Kahit ayaw ng kanyang mommy na ibili siya ng scooter wala itong choice dahil hindi madali ang transportation means mula sa bahay ng kanyang lola na 6km ang layo mula sa high way then another 6km to school. walang regular na biahe mula sa kanilang barangay palabas ng high way para makasakay ng mga shuttle papuntang market o sa kabayanan kaya halos lahat ng pamilya ay may sariling motorsiklo o kaya naman ay four wheels sa mga nakaluluwag ang buhay. May pailan-ilang tricycle pero walang oras ang biahe ng mga ito. May mas malapit na school sa katabing barangay lang na puedi nyang pasukan pero mas pinili ng mommy nya na sa DonHigh sya ienrol dahil dito sya dating nagtuturo.

inilagay niya sa u-box ang kanyang bag, isinuot ang kanyang paboritong black leather jacket at naghelmet. At umarangkada palabas ng school campus na madilim ang mukha.




PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now