Chapter 29

53 5 0
                                    

Pagkalunch ay nagbihis si Zandreaj ng kanyang bagong set ng billiards outfit. Super Skinny black leather jeans and turtle neck sleeveless black super fit hanging blouse. Kapit na kapit sa katawan ng dalaga ang kanyang suot that flaunted her curves. Lumitaw ang bilugang balakang at at pangupo ng babae. Sobrang liit ng baywang nito na mas naemphasize ng hindi labis pero hindi rin kulang na sukat ng dibdib. She braided her curls again and wore her high heeled black leather boots. Matapos sipatin ang sarili sa salamin at masiyahan ay lumabas na sya ng opisina ni Blyther bitbit sa balikat ang kanyang dalawang cue stick. Nagdala sya ng reserba in case kailangan sa mga hard shots na kailangan nyang gawin. Magkaiba ang bigat ng dalawang tako nya. Dahil may mga tira na kailangang minsan gusto nyang gumamit ng mas mabigat na cue stick.

Nakaalis na si Blyther dahil sasaglit daw ito sa Production room para icheck kung everything is okay. Susunod nalang daw ito sa gym para manuod ng laban nya. Nagulat si Zandreaj ng pagpasok nya ng Gym ay nagsigawan ang buong crowd. Punong puno ang venue at pool table nalang ang nasa gitna. Wala nang sepaktakraw at table tennis. Naoverwhelmed ang dalaga at bahagyang kinabahan. Hinatid sya ng palakpakan at sigawan ng audience hanggang makarating sya sa gitna. Narinig nyang sumigaw si Xienlee.

"Z!!!"

Natanaw nya ito katabi si Blyther at lahat ng kanilang kaklase sa tapat mismo ng pool table. Ngumiti sa kanya ang binata. Inikot ni Zandreaj ang tingin sa buong gymnasium at kumaway sa mga tao. Lalong umugong ang sigawan. Pero lalong lumakas ang dagundong ng dibdib ni Zandreaj. Ang daming tao, paano kung hindi sila masiyahan sa performance nya? Napatingin si Zandreaj kay Blyther. Nabasa naman agad ng binata sa gestures at mata ng dalaga na kinakabahan ito. Bumaba si Blyther mula sa kanyang kinauupuan para lumapit dito. Sumalubong si zandreaj at nagpakulong sa mga yakap ni Blyther. Kailangan nyang maging okay. Nagwild ang crowd ng makita ang dalawa na nagyakap. Pumapaimbabaw ang mga tili ng mga marites.

"You're so sexy I wanna carry you back to my office and make love to you." Bulong ni Blyther. Sabay halik sa kanyang ulo na ikinapamula ng mukha ng dalaga.

"I'd love that. let's go?" May panunuksong tugon ni Zandreaj.

"With all this crowd following us?"
"You have to go now before I lost my control and kiss you here."
Tumatawang sagot ni Blyther at bahagya syang pinisil sa ilong. Nakangiting bumalik si Zandreaj sa pool table. Sinalubong sya ng kanyang opponent na ngiting ngiti sa kanya at nakipagshake hands sabay sabing ang ganda mo.

Nang sa wakas ay tumahimik ang audience, nagsimula na ang laro. Race to five ang laban. They started by lagging. Zandreaj made it to be the first to play. Hindi maganda ang pagkakalat ng bola when she broke the set pero nahulog ang 4 sa dulo sa kaliwa. She needs to do a magic agad-agad dahil nasa bungad ng side pocket sa kaliwa ang 1 pero natatakpan ito ng tatlong bola kung sisipatin ng diretso mula sa pwesto ng cue ball.
umikot si Zandreaj at pumwesto sa harap ng 1 sinipat mula doon ang cueball at ang buong pool table. She did a rail shot. Malakas. Tumama ang pamato sa side, bumangga ng tatlong beses sa mga sulok ng mesa while swirling at sinagi ang 1 na nahulog sa side pocket. The cue ball even hit the 5 and was pushed to the right end pocket. It was just a second. Sigawan ang audience. Walang reaksyon si Zandreaj. Whenever she plays, she doesn't look to the audience. Poker face ang dalaga at focused sa laro. Pagtapos na ang laban saka lang si Zandreaj bumabalik sa mundo ng marami. Cleared the table in 3 minutes again. She is best in doing combinations. She always strikes shooting two balls at once na hindi naiisip ng audience na gagawin nya kaya laging naghihiyawan sa gulat ang mga ito.

Si Blyther ay relax na pinanunuod ang dalaga. Confident sya na mananalo ito. Inikot ni Blyther ang paningin sa paligid. Napakunot noo ang lalaki ng makita ang admiration sa mata ng mga kalalakihan habang pinapanuod si Zandreaj. May ilan na feeling nya ay ginagahasa na sa kanilang imagination ang dalaga sa pagkakatingin ng mga ito. Dinukot ni Blyther ang cellphone nya nagchat kay Randev na nasa likuran nya lang. Maya-maya pa ay pumasok sa kanyang email ang picture ni Zandreaj taken just a while ago nung tawagin ito ni Xienlee. Nakatayo si Zandreaj na medyo nakaslide ang kanang paa at hawak ang tali ng cue stick na nasa kanyang balikat. Ngiting ngiti ito. Napakaganda at napakasexy. Inedit ito ni Blyther at nilagyan ng MINE saka pinalitan ang kanyang FB profile picture. Halos sabay sabay napatingin sa dako nya ang mga kasalukuyang nagbabrowse ng kanilang facebook na fb friends nya. Binulsa ni Blyther ang kanyang cellphone at muling tumutok sa panunuod.

Magaling din ang dating champion na kalaban ni Zandreaj. Malinis at sigurado ang bawat tira nito. After 8 sets ay last set na ni Zandreaj. Pareho silang 4 ang score. Mas focused pa ang dalaga na parang nagiisa ito at walang tao sa paligid nito. Nahulog ang 3 pagkabreak ni Zandreaj pero bahagyang nakatago ang 1 kapag sinipat mula sa cueball magood shot man ni Zandreaj ay hindi ito mahuhulog. Napailing ang viewers nang makitang she will pushed in a position na hindi mahuhulog ang bola. Tumira si Zandreaj. Malakas. Gumulong ang bola papunta sa 6 na nakaharang sa one, umiwas ito pakaliwa, bumanda sa rail bago tumama sa 1 na gumulong papuntang dulong butas. Hiyawan na naman ang audience. Walang magandang preparation ang huling tira ni Zandreaj. Nakatago na naman ang 2. Nagpalit ng cue stick si Zandreaj. Ginamit ang reserba nya. She will be doing a jumpshot. may kalayuan ang cue ball sa 2 na nahaharangan ng 8. Straight line ang position ng tatlo sa gilid. Tanging jumpshot lang ang makakapagpapahulog sa 2 sa dulong butas. Walang ibang trick na pueding mahulog ito. Napatayo si Blyther ng makitang pumwesto si Zandreaj to do a jumpshot. Tumaas ang blouse ng dalaga at kita ang maputing tagiliran nito. Ganun din ang kilikili nito. Napalunok ang binata at napailing nang maisip na malamang ay pareho nya ang epekto ni Zandreaj sa iba pang mga kalalakihang nandun ngayon. Tumira si Zandreaj. Lumundag ang cueball sa taas ng 8 bumagsak eksakto sa 2. Hiyawan na naman ang manunuod.  Mas maalwan nang naihulog ni Zandreaj ang 4, 5 and 6 doing combinations. 8 and 9 nalang ang natira. Nasa dulong kanan ang 8 at nasa kaliwang side pocket ang 9. Pumwesto si Zandreaj patalikod sa pool table, hawak ang tako sa likuran nya. She will do a backstroke. Pagpwesto palang ng babae ay naghiyawan na ang audience. Tumira si Zandreaj. Tumama sa 8 ang bola at nahulog, bumalik ang cue ball papunta sa 9, nasagi ito at nahulog sa side pocket.
Hindi matapos tapos ang hiyawan ng tao. Binigyan sila ni Zandreaj ng magandang laro. Nang ideclare ng spotter na si Zandreaj ang winner ay saka palang humarap sa audience ang dalaga. Ang kalaban nya na tuwang tuwa kahit natalo ang nagtaas ng kamay nya.









PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now