Chapter 13

41 6 0
                                    

Matagal na nakatitig si Zandreaj sa phone nya waiting for a response from girly girls or Januz, pero 30minutes na ang lumipas ay walang nagsiseen sino man sa kanila.

Nanggigil na sa frustration ang dalaga. Matagal na nakatitig lang si Zandreaj sa kisame. Naalala n'yang hiningi nga pala ni Blyther ang kanyang phone number. Pero malabo syang makocontact ng binata pag nasa loob sya ng kwarto nya, walang signal. Sa duyan lang sa garden sa likod ng bahay sa swimming pool may signal. At wala syang balak magpunta dun ng ganitong oras ng gabi.

Alas nuebe na. Bumaba sya sa kusina para magtimpla ng kape. Kailangan nya ng stress reliever. Wala nang tao sa kusina pagbaba nya. Siguradong tulog na ang kanyang lola. Maaga itong matulog at napakaaga ding magising. Bago mag alas kwatro ay gising na ito.

Pagbalik nya ng kwarto ay nadatnan nya on video call si Jollah. Not on the girly girl's chat box but on her private account. Inaccept ni Zandreaj ang video call. Pero hindi mukha ni Jollah ang bumungad sa kanya, sa halip ay maingay at mataong lugar ang nasa video. Malakas na music at patay sinding ilaw. Dance floor. May mga partners na sumasayaw sa gitna. izinoom in ni Jollah ang camera sa mga sumasayaw and there! si Jianna at Januz dancing so intimate. Nakabitin sa leeg ni Januz si Jianna at nakayakap naman sa baywang ng babae si Januz. Nagbubulungan ang mga ito habang sumasayaw. Maya-maya ay humilig si Jianna sa dibdib ni Januz. Matagal sila sa ganung posisyon. Bahagya pang sinamyo ni Januz ang buhok ng babae.

Nanginginig si Zandreaj habang pinapanuod ang dalawa. Naninikip ang kanyang dibdib sa sakit. Wala na bang sila ni Januz? Ano't ang bilis syang nakalimutan nito?

Nagtatagumpay na ba si Jianna na maagaw sa kanya ang kanyang boyfriend o nagtagumpay na talaga ito?

Si Zandreaj na ang kusang tumapos sa videocall. Hindi na nya kayang tingnan pa ang dalawa habang pinapasakitan nya ang kanyang sarili.

Wala sa sariling nakatitig lang sa kisame si Zandreaj. Ayaw na nya ng ganitong pakiramdam. Si Blyther. Nasaan si Blyther? Bakit wala sya ngayon dito? Ipinilig ni Zandreaj ang kanyang ulo. Bakit nya hinahanap si Blyther? Kailangan nya ang yakap ni Blyther, kailangan nyang maging okay. Pero paano? Wala si Blyther, hindi nya alam kung saan ito pupuntahan. Bakit nagiisa na naman sya? Bakit wala na naman syang masulingan? Naubos na nya ang gatas at kapeng tinimpla nya pero bakit hindi pa rin sya ok? Bakit parang wala nang epekto ang kape sa kanya?

Inis na inis sa sarili si Zandreaj. Hindi nya alam kung papaanong paampatin ang kanyang mga luha. Hatinggabi na pero gising pa rin sya. Gustong-gusto na nyang matulog pero bakit kahit pikit na pikit sya ay hindi sya makatulog? Ang hapdi na ng mata nya kakakusot sa mga ito. Nagsusugat na din ang ilong nya kakasinga at kakapunas ng sipon. Mag- uumaga na ng sa wakas ay tuluyang makatulog si Zandreaj.

Si Blyther naman ay biling-baliktad din sa kanyang higaan. Pagdating ng bahay ay tinawagan nya agad si Zandreaj sa number na binigay nito pero out of reach ang dalaga. Mali yata ang numerong idinikta sa kanya o talaga lang walang signal sa bahay nila? Nag-alala siyang totoo sa babae. She looks so hopeless and lost because of heartache. She is so broken. Nasaktan sya nang makita ang picture na iniiyakan ni Zandreaj kanina. May karelasyon nga pala ito, nasaktan sya sa isiping taken na ang puso ng babaeng gusto nya.

Oo gusto nya si Zandreaj, unang kita nya palang sa picture nito.

Nasaktan syang makita na yung tinatangi nya ay nasasaktan dahil sa tinatangi nitong iba. May boyfriend si Zandreaj na mukhang niloloko ang dalaga. Nagagalit sya sa boyfriend ni Zandreaj. Paanong nagagawa nitong saktan ang napakafragile na si Zandreaj?

Samantalang sya the first time he saw her in person ang unang gusto nyang gawin ay protektahan ito. She looks so fragile. So petite and fragile. Her skin napakinipis na parang masabitan lang ng matalas na damo ay susugat ng malalim. Ang buhok nyang perfect at napakabango. Ang mga mata nyang tila laging iiyak at ang mga labi nyang natural na mapula, napakalambot at napakasarap. Napahawak si Blyther sa kanyang mga labi. Napangiti ang lalaki. Excited na syang pumasok bukas, makikita nya na ulit si Zandreaj at sana ay mayakap at mahalikan.

Pagsakay nya ng kotse kanina pagkahatid nila kay Zandreaj ay sunod-sunod na tanong ang sinalubong sa kanya ni Xinni at ng kanyang daddy. Pero hindi sya sumasagot at pangiti-ngiti lang sya. Si Xinni ay ayaw syang tantanan na sinundan pa sya sa kanyang kwarto at pilit syang pinaaamin kung paanong nangyari na umaakto silang parang magboyfriend ni Zandreaj duon sa tulay. Pero iisa lang ang isinagot ni Blyther, "we're good friends".

Buti nalang at napansin nya ang motor ni Zandreaj bago pa man sila makaakyat ng tulay. Parang inexpect nya na kasi na madadaanan nila dun ang dalaga gaya nung nakaraang araw. Dali dali nyang pinatigil sa gilid ang kanyang ama at pinuntahan si Zandreaj. Buti nalang at kahit hindi naiintindihan ay full support lang ang kanyang daddy palagi.

Bago pa tuluyang sinubukan ni Blyther na matulog na pagkat hatinggabi na ay sinubukan nya pa uling tawagan si Zandreaj pero gaya kanina ay bigo sya. Gusto nya sanang kamustahin at siguruhing okay ang babae. Aaliwin nya kahit sa pakikipagusap lang sa phone. Pero nakatulog na sya't lahat ay hindi na nya narinig pa ang boses nito.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now