Chapter 23

48 6 0
                                    

Bagot na bagot si Blyther ng mga sumunod na araw. Paano nya makocontact si Zandreaj nasa opisina nya ang phone nito. Miss na miss na nya ang dalaga. Nakikibalita nalang sya kay Xienlee pero ang lagi lang nitong sinasabi ay she's getting better and working on her full recovery. Maya't maya nyang tsinitsek ang kanyang phone bakasakaling may message ito sa kanya o kaya ay may pumasok sa message requests nya.

Pero walang paramdam ang dalaga. Isang buwan na ang lumipas. Kamusta na kaya ito? Mabuti nalang at tambak din ang trabaho nya araw-araw kaya nadadivert nya ang kanyang isip. Katatapos lang ng kanilang third quarter assessment. At ngayon ay nagjajoggle sya ng kanyang oras sa klase, rigid training sa soccer at duties nya as SSGC president in preparation for the Sports and Talents Festival Week.

Two weeks nalang ay magsisimula na ito. STFW ang pinakagusto nyang event sa DonHigh. Napakasaya ng buong isang linggong ito. Lahat ng estudyante ay on their high spirits for the rest of the week. How he wish Zandreaj would come back before the event. She would surely enjoy it. She could even join the Nine ball Pool Tournament and win the trophy. Or compete on the singing contest. She really has a good voice. Adele na Adele ang quality ng boses nito. How she loved her singing nung nagKTV sila kaso ay nasira ng mood nito. Since then he'd been wanting to hear her sing again. They both love Adele. How could he be not sure that she is his if she loves everything he loves? From sinigang na hipon, to strong super creamy coffee, to adele, and he is sure she is into keychains too. And most of all they both love hugging and kissing each other.

Sa paglipas ng bawat araw ay inip na inip na si Blyther. Bukas ay first day na ng STF pero malungkot nya pa rin yata talagang isicelebrate ang dati ay pinakamasayang linggo nya sa school taon-taon.

"What's taking you so long Mine?"
Laging tanong ng lalaki sa kanyang sarili. Gaya ng dati ay ganito sya kapag nandito sya sa kanyang opisina.
Nakaflash sa kanyang 72inched TV screen ang slideshow ng compilation ni Randev ng pictures ni Zandreaj with Adele's playlist as background music. Pinagtyagaan ng lalaki na ipunin ang lahat ng pictures nito mula sa libo libong stolen shots nito para ibigay kay Blyther. He knows it would help his friend cope up with Zandreaj's absence.

Pinatay ni Blyther ang TV para matulog na. Alas nuebe na, hindi sya pueding magpuyat maaga syang gigising bukas para ilead ang opening parade nila ng 6AM. Dito na sya natulog sa kanyang opisina to make sure mapolish nya ang mga bagay bagay bago pa ang event kung sakaling may lumitaw na mga maliliit na aberya.

Alas kwatro ng madaling araw ay gising na sya. Pumasok sya ng banyo para maligo. Eksaktong labas nya ng cr ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina at bumungad si Zandreaj. Nasa kamay nito ang duplicate na binigay nya dito. Pareho silang nagkagulatan. Mukhang hindi inaasahan ng babae na madadatnan sya dito.

Inihagis ni Blyther ang tuwalyang ipinupunas sa buhok nya at inisang hakbang ang ang paglapit kay Zandreaj. Si Zandreaj naman ay sumugod din sa binata. They hugged so tight. Nakahubad si Blyther at nakaboxers lang kaya wala syang collar na mahila para halikan ang binata. Pero hindi na nya kailangang gawin yun dahil pinangko na sya nito para mahalikan ng ayos.

And they kissed so intimately. Trying to quench their thirst for each other. Nang kapusin sila ng hininga ay ibinaba sya ng binata at hinawakan sa magkabilang pisngi. Pinagaralan ang kanyang mukha na kitang kita sa mga mata nito ang pagkasabik sa kanya. Pagkatapos ay muli syang kinabig at niyakap ng buong pagmamahal.

"Mine...my Pretty Little Devil, thank you for coming back to me." Ramdam na ramdam ni Zandreaj ang emotion sa boses ni Blyther.

"I'm sorry, I'm so sorry for what I did.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ka nakaligtas sa nangyari sa'yo."

Tumingala si Zandreaj at tumitig sa mga mata ni Blyther.

"I love you Vyb." Nangungusap ang mata na sabi nito.

Napaawang ang mga labi ni Blyther sa narinig. Hindi nito napigilan ang mga luha sa sobrang saya. Tama ang kanyang ama, the pains of waiting are all worth it at the end. Sapat na sa kanya ang makita ulit ang babaeng mahal nya, pero ang marinig mula dito na mahal sya nito ay sobrang overwhelming.

"And I love you more Mine."

kanina pa silang nakaupo. si Blyther sa lounging chair at si Zandreaj sa kandungan nito. Nakayakap sila sa isa't isa. Hindi sila naguusap, just savouring the presence of each other.

"I missed you so much it's driving me crazy everyday." Sabi ni Blyther habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

"Me too."

"Then how come hindi ka man lang nagparamdam ng isang buwan? Naiwan mo dito ang phone mo kaya wala akong ibang paraan para kontakin ka. Ilang beses kong gusto kang puntahan pero sabi ni Xienlee ay wag na raw dahil okay ka naman. Hintayin ko nalang daw na gumaling ka na ng tuluyan para makabalik ka dito."

"I had to. Miss na miss kita, pero I have to fix myself first and make sure of my feelings for you before I come back to you. You don't deserve the version of me that you first met. I worked on my heart first while recovering to make sure you could have the whole me that you deserve before coming back here."

Walang maisip isagot si Blyther kundi halik kay Zandreaj.

Pagtapos ng ilang minutong halik na hindi maputol putol ay tumayo si Zandreaj at kinuha ang dala nyang travelling bag sa labas ng pinto.

"How did you get here?"

"Hinatid ako ni Dad hanggang Batangas Pier. Dreigh picked me up sa Calapan Pier. Hinatid nya ako hanggang dyan sa labas ng pinto."

"Meaning galing ka pa ng Cavite at dito ka tumuloy? Buti pumayag si Dreigh na iwanan ka dito?"

"Hindi kalang daw nya kukwelyuhan next time na masasaktan ako gawa mo."

Tumawa si Blyther.

"How about your dad?"

"He said he trust you. Anyway why are you here? I was planning to surprise you but you surprised me instead."

"I decided to sleep here para maaga akong makakilos sa mga gagawin. It's okay you still surprised me, and I was able to surprise you too." Hindi maitago ang saya sa boses ng lalaki.

May inilabas na malaking box si Zandreaj mula sa bag at iniabot kay Blyther. Nagtatanong ang mga mata na tinanggap ito ni Blyther.

"Buksan mo pasalubong ko sa'yo yan. You'll like it."

"Parang alam ko kung ano ito." Nakangiting sabi ni Blyther habang binubuksan ang box.

Tumambad kay Blyther ang maraming keychains sa loob ng box.

"Sabi ko na nga ba, you are into it too."

"They are my collections. I've been collecting them since I was 6 years old. Kaya karamihan dyan ay luma na but priceless. Mostly ay pasalubong ni dad when he travelled local and abroad  whenever my cousin Fergee, ung binabodyguard ni Dad, ay nagtitrip. Dad toured almost around the world because of his work." Hindi nakaligtas sa pandinig ni Blyther ang pride sa boses ni Zandreaj while talking about her dad.

Niyakap ulit ito ni Blyther.
"I am happy for you."  Bulong nya dito.

"Dad told me not to forget to tell you that he is thanking you."  What ever it is that you told him, thank you also." Sinserong sabi ni Zandreaj.

Tumango lang si Blyther.

"Anyway, Januz and I have formally broke up."

"I know." Putol ni Blyther.

Napatingin sa kanya si Zandreaj.

"I never doubted that you'd come back to me. Not only because you don't love him but because you are mine."

"How did you know that I don't love him?"

"The fact that he wasn't enough to make you stay during your miserable days. If you loved him, you would have stayed with him and be your comfort when you were in pain. But because he was not, you ran away to find refuge and you found me.That is because I was right since then that you are mine."

Walang masabi si Zandreaj. Lagi syang namamangha tuwing binibitiwan ni Blyther ang mga katagang YOU ARE MINE na parang siguradong sigurado ito.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now