Chapter 5

61 8 0
                                    

Lunch break.
Nagmamadaling nagsitayuan ang mga kaklase ni Zandreaj para lumabas ng Classroom at maglunch. Patayo palang sya at isasakbat ang backpack nya ay nakalapit na sa kanya si Xienlee at umangkla sa kanyang braso. Sa likod nito ay ang dalawa nitong closest girl-friends na araw-araw ay kasabay nitong maglunch kung saan man nila trip kumain, pero most of the time ay sa school canteen lang naman. Bukod sa nakacentralized aircondition ay may free wifi kasi dun at malakas ang signal dahil may signal booster.

"Hey! join ka na samin maglunch nina Key."

Saglit na natigilan si Zandreaj, aayaw sana siya nang maalalang kailangan niyang magaliw para hindi maisip ang mga bumabagabag sa kanya tungkol kay Januz at sa mga napagusapan nila sa GC ng kanyang mga kaibigan.

"Sure!"

Puno ang canteen pagpasok nila. Palinga-linga si Xienlee para humanap ng mauupuan nang tumayo at kumaway mula sa isang sulok malapit sa hallway papuntang comfort room si Demi. Dali-daling hinila sila doon ni Xienlee.

Napatigil si Zandreaj ng makalapit sila sa mesa at makitang papalapit din sa kanila si Blyther galing sa counter at may dalang utensils. Humakbang paatras ang dalaga ngunit agad napigilan ni Xienlee sa kamay at iniaro sa kanya ang isa sa mga bakanteng upuan.

Napilitang umupo si Zandreaj at ngumiti sa mga kaklaseng lalaki na kasama ni Demi at nakaupo sa harap nya. Umupo naman sa kaliwa nya si Xeinlee at ang dalawa pa nilang kasamang babae. Nanigas sa pagkakaupo si Zandrea ng maramdamang umupo sa kanan nya si Blyther, na sinadyang iniwang bakante ng mga kaklase nyang hindi niya alam kung anong pinaplano.

Alam nyang may pinaplano ang mga ito dahil sa 6 seater dining table na inukupa nila ay pinagkasya silang walo at talagang siniguro ng mga ito na magkakatabi sila ni Blyther. Nanindig ang mga balahibo sa braso ni Zandreaj ng maramdamang dumikit ang braso ni Blyther sa kanya. Dikit dikit ang kanilang upuan dahil sikip silang walo sa panganimang mesa. Naramdaman din niyang parang nakuryente si Blyther dahil biglang iniwas nito ng bahagya ang braso sa kanya kasabay ng pagigtad.

"Anong sa inyo Lee?" Tanong ng nerd looking na si Randev. Ang IT wizard ng klase. Nerd looking lang sa kanyang makapal na eye glasses si Randev, maliban dun ay isa syang typical na 18 year old SHS student gaya ng kanyang mga kaklase. Pero ang kaibahan nya sa mga ito ay hindi mo sya makikitang walang dalang backpack na laging laman ay laptop, ipad, powerbank, external at flash drives. Lagi ding nasa mga kamay nito ang kanyang high end camera phone dahil photography is his hobby. He loves taking photos, specially of people doing their usual day to day work, capturing their unconsciuos facial expressions.

"Syempre, the usual."  Half rice paired with battered vegies and tigh part fried chicken ang the usual ni Xienlee at ng kanyang two closest friends. Si Shylah at si Keyrin na mga minorettes ni Xienlee. Mapuputi, matatangkad magaganda at matatalino.

"How about you Z?" Tanong ni Randev kay Zandreaj.
"Would you mind if I call you Z? Ang haba kasi ng Zandreaj."

Numiti lang si Zandreaj kay Randev. Some of her former classmates call her Z too. Walang idea si Zandreaj sa mga pagkaing siniserve ng canteen dahil simula nang dumating sya dito ay kaninang umaga lamang sya nakapasok ng lugar na ito. Every breaktime ay hindi sya nag-i- snack, sa halip ay nananatili sya sa kanyang upuan sa classroom at nakikinig ng music sa kanyang earphones and pretending to be asleep. Lumalabas naman sya kapag lunch time at dun kumakain sa kanyang paboritong eatery sa riverside.

Tiningnan nya ang plato ng mga boys sa kanyang harapan para icheck kung anong meron na puedi nyang magustuhan. Rice and pork halos ang ulam ng tatlong nasa kanyang harapan. Hindi siya mahilig sa pork. Nahagip ng tingin nya ang bowl sa harap ni Blyther at nangasim ang kanyang bibig nang makita ang sinigang na hipon. Sabi na nga ba niya at ang paborito nyang sinigang na hipon ang naamoy nya kanina hindi nya lang mabigyang pansin sa kakaiwas nyang mapatingin kay Blyther.

"Ok, sinigang na hipon din sa'yo Z, half rice or a cup?  Tanong ni Dolf. Dolf the psychologist ang tawag ng mga kaklase nya sa kanya dahil magaling syang bumasa ng kilos ng mga kaklase nya. Maraming pagkakatong tama ang assumption nito sa kung anong iniisip o pinaplano ng bawat isa sa kanila.

Napakunot-noo si Zandreaj, nagtataka siya kung paanong naisip ni Dolf at mukhang sigurado ito na gusto niya ng sinigang na hipon.
Bahagya namang napatingin si Blyther sa kanya na parang kinukumpirma kung tama ba si Dolf na gusto nga nya ng sinigang na hipon.

"Naku, masanay kana simula ngayon Z, Dolf the psychologist just knows everything." Nakangising bigkas ni Demi habang tumatayo para pumunta sa counter.

"Actually, it's her favorite." Dagdag ni Dolf.

Napatingin ang lahat kay Zandreaj naghihintay ng kumpirmasyon.

"Ahm, actually, yes, it's my favorite. How did you know that?" Manghang tanong ni Zandreaj kay Dolf. Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa lalaki, sahalip isang mahabang "Oyyyyyyyyyy!!! ang narinig nya sa lahat.

Oyyyyyyyyy!!! Pareho sila ng favorite!! Sabay-sabay na bigkas ng anim. Napabaling ng tingin si Zandreaj kay Blyther, ganun din naman si Blyther sa kanya na halos magdikit ang kanilang mga mukha. Sabay din silang natigilan. Mas mahabang oy ang muli nilang narinig. Lalo nang naawkward sa isa't -isa ang dalawa. Si Blyther ay walang nasabi at tumingin nalang sa sinigang na hipon, si Zandreaj naman ay napatuwid ng upo at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Hep, tama na muna yan bago tayo magkalimutan, akina na ang inyong mga "budget meal" wala akong pang-abono." Napatawa ang mga babae, habang dumudukot sa kanilang bulsa at nagbigay ng kani-kanilang pangbayad sa kanilang lunch na oorderin.

"No, dito na. Ibawas na natin dito sa allowance na binigay ni Kuya Dreigh para sa gimik natin mamaya, isama nyo na yung orders nyo boys." Dinukot ni Zandreaj sa bulsa ng skirt nya ang 200 dollars na binigay ni Dreigh at iniabot ang 100 dollars kay Demi.

Nagtawanan ang lahat. Si Blyther ay ngumiti ang mga mata na hindi napansin ni Zandreaj. Saka lang niya narealize  na dollars nga pala ang hawak nya, hindi pueding ibayad sa cashier dahil peso currency lang ang transaction sa canteen.

Napatawa na din si Zandreaj sa sarili at nagtawanan silang lahat. Kinuha niya ang wallet sa kanyang bag para kumuha ng peso bills pero inunahan sya ni Blyther. Naglabas ito ng 500 pesos mula sa kanyang bulsa at iniabot kay Demi. Dali-dali naman itong hinablot ni Demi sabay takbo sa counter kasunod si Dolf para sa kanilang order. Baka daw magbago pa ang isip ni Blyther, samantalahin na daw nila habang nahihibang pa.

Naiwang nagtatawanan sa mesa ang anim. Si Randev ay busy sa kanyang cellphone taking pictures of his classmates ng pasimple na akala mo ay nagbobrowse lang ng kanyang fb.

Bumalik agad si Dolf pagdating sa counter, wala na daw sinigang na hipon kaya tinatanong si Zandreaj kung ano nalang ang oorderin nya.

"You can have this, ako nalang ang oorder ng ibang ulam." Iniusog ni Blyther ang mangkok ng sinigang na hipon palapit kay Zandreaj.

Napatingin si Zandreaj sa nakangiting si Blyther na parang relax na.

"No, it's ok. Sa'yo na yan, paborito mo yan eh. Ako nalang pipili sa counter ng iuulam ko." Wika ni Zandreaj habng tumatayo mula sa kanyang upuan para pumunta sa counter.

Dali- dali ding tumayo si Blyther.
"No, ako na. lagi akong naguulam nyan dito, almost everyday. I want you to taste it." masarap yan, promise." At mabilis itong pumunta ng counter para hindi na makatanggi pa si Zandreaj.









PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now