Chapter 18

47 5 0
                                    

Naiwan si Zandreaj na nakatayo sa pathwalk hawak ang susi na inilagay ni Blyther sa kanyang kamay. Pero sahalip sumunod sa lalaki ay tumuloy sya sa classroom. Lalo lang syang paguusapan ng mga Marites pag nakita ng mga ito na susundan nya si Blyther sa office nito.

Pagupo nya sa kanyang armchair ay agad lumapit si Xienlee sa kanya.

"Where is Mr. P?" Kaswal na tanong nito sa kanya.

Umiling lang si Zandreaj.

"Ano ba kayo, lover's quarrel agad?"

Nagtatanong ang mga mata ni Zandreaj na tumingin kay Xienlee.

"Girl, Blyther is our classmate since Grade 7. I know him very well. Every woman here dreams to be his girlfriend. You are very lucky you got him." Seryosong sabi ni Xienlee sa kanya.

"If you think he is having a hard time dealing with your relationship, understand, it's his first time. You lucky girl."

"Don't you think it's too early for the relationship you've been saying? We met only Monday, nagaway pa kami. It's only Thursday Xien. Pinaguusapan kami ng lahat." Padaing na sagot ni Zandreaj.

"Hey! Dreigh and I just met last Tuesday, remember?

"And....? Tanong ni Zandreaj.

"Well,...baka maging magpinsan pala tayo." Tumatawang sabi nito.

Napanganga si Zandreaj. Ganun kabilis?

"I know, it's a bit wierd. But I know myself and I know what I want. Girl, wag mo pahirapan ang mga sarili nyo ni Mr. P just because of  the Mariteses around. Go, get your man." Kinindatan sya ni Xienlee bago sya iniwan para umupo sa sarili nitong armchair sa gitna nina Shylah at Keyrin.

Naiwang nakatulala si Zandreaj. Pupuntahan nya ba si Blyther? Tama ba na nagwalk out sya sa binata kanina? Tumayo si Zandreaj at kinuha ang kanyang backpack. Paglabas nya ng pinto ay narinig nyang sumigaw si Xienlee.

"Go girl!"

Napangiti si Zandreaj sa sinabi ni Xienlee. Mabilis ang mga hakbang nya papunta sa SSGC Hall. Pagdating nya dun ay bahagyang nakabukas ang main door. Pumasok sya at nagtuloy sa office ni Blyther. Nakalapat ang pinto nito. Sinubukan nyang buksan at umikot ang seradura. Hindi nakalock. Ibinulsa nya ang susi.

Dahan dahan nyang binuksan ang pintuan at agad nyang narinig ang music sa home theater, Go Easy On Me ni Adele. Pumasok sya. Nakita nya si Blyther na nakahiga sa lounging chair at nakatingin sa kanya. Hindi nya mabasa kung anong sinasabi ng mga mata nito. Hindi kumilos ang binata, wala ding reaksyon. Nakatingin lang sa kanya.

Hindi alam ni Zandreaj kung anong sasabihin o anong gagawin. Nagtanggal sya ng sapatos ng makitang nakamedyas lang si Blyther. Baka nahiya lang si Blyther na pagtanggalin sya ng sapatos nung nakaraang araw na dinala sya dito nito. Lumapit sya sa lounging chair. Malapit na malapit sa tagiliran ni Blyther. Ano bang dapat nyang gawin?

"I'm sorry, I...Hindi natapos ni Zandreaj ang sasabihin. Bigla syang hinila ng binata at napaupo sya sa kandungan nito. Pumihit ang binata at napunta sya sa ilalim. Kasunod noon ay nalasahan nya ang mga labi ng lalaki. Wala nang nagawa si Zandreaj kundi pumikit at namanamin ang tamis ng mga halik nito. Nauubusan lang na naman sila ng hangin kaya napilitan silang maghiwalay.

Tumayo si Blyther at binuksan ang pintuan, iniwan nitong nakabukas ng malaki na makikita sila sa loob ng sino mang pupunta sa Hall. Umupo ito sa swivel chair paharap sa kanya.

"I know everyone is talking about us. It's my fault. But that won't make me change my profile picture. I will only do it if I can change it with our picture together."

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now