Chapter 7

54 7 0
                                    

May apat na minuto din silang naglakad mula sa parking area. Natatandaan niyang dumaan sila sa gilid ng administration building.

Mabilis ang mga hakbang ni Blyther na kailangan nyang magdouble time para wag madapa dahil hindi nito binibitiwan ang kanyang kamay kahit ilang beses nyang sinubukang kumalas mula sa pagkakahawak nito.

May ilang estudyante silang nasalubong na natigilan at napatitig sa kanilang mga kamay. Pinili nalang niyang yumuko at wag tumingin sa paligid nya.

Nilagpasan nila ang medicinal garden na may green house na katamtaman ang laki. Sa likod ng green house ay nagulat siya nang may bumulaga sa kanyang isang dettached building na may nakalagay na SSGC HALL. Kasing laki ito ng isang classroom.

Dumukot sa bulsa ng pantalon nya si Blyther at inilabas ang susi. Napasunod na lamang siya dito ng pumasok ito. Mukhang session hall ang kabuuan ng room may mahabang mesa at mga monoblocs na kasya ang 30 tao. dumiretso si Blyther sa kabilang bahagi at may binuksang isa pang pinto. Binuksan nito ng maluwang ang pintuan at sumenyas kay Zandreaj na pumasok.

Bahagyang nagulat ang dalaga ng masilip ang loob. Sa bungad mismo ng puntuan sa kaliwa ay may maliit na study table na may nakapatong na marmol na may nakasulat na SSGC PRESIDENT. Sa likod nito ay isang itim na swivel chair.

Pag pasok nya sa loob ay may lounging chair, tiles ang sahig at malinis ang buong kwarto na mukhang opisina. May malapad na furry carpet sa pagitan ng study table at lounging chair. Sa gitna ng carpet ay may maliit at mababang center table na may nakapaikot na tatlong pirasong throw pillows. May built in cabinets na may mga nakapatas na books. May nakasabit na gitara sa wall. Sa isang sulok ay may maliit na sink katabi ang isang minimalist coffee table na may nakapatong na electric water heater, may coffee set na may lamang granulated black coffee, creamer at wash sugar, meron ding iba't ibang sachet ng 3n1 coffee at 6pcs coffee cups. May mga biscuits and chips din. Sa tabi ng coffee table ay may mini refrigerator na may nakapatong na dish organizer. May isang maliit na pinto na may artistic signage na comfort room. Higit na umagaw ng pansin nya ang dingding sa likuran ng swivel chair, halos mapuno ito ng nakasabit na iba't ibang keychains.

Itinuro ni Blyther ang lounging chair. "Have a seat." You can stay here hanggang maguwian." I can stay if you want either." Tumuloy ang lalaki sa aircon para iswitch on.

"This place is nice." Bahagyang ngumiti si Zandreaj kay Blyther bago umupo sa swivel chair paharap sa mga key chains. Naexcite sya talaga pagkakita sa mga ito. Most of them are familiar, mga souvenir from different provinces within the country but there are some na dito nya lang nakita. Tantya niya ay nasa 300 pieces ang lahat. Karamihan ay related sa soccer. May ilan na may nakaingrave na pangalan ni Blyther.
Saka lang nagsink in sa kanya na ito ay private office ni Blyther at ang mga collection ay sa lalaki. So SSGC President pala ito.

"Are these yours?!" Manghang tanong ng dalaga.

"Yeah! ba't parang gulat na gulat ka?"
Nakatawang sagot ni Blyther at ibinagsak ang katawan sa lounging chair sabay patong ng dalawang paa nya sa foot rest.

"For real?!" Bahagya pang napalakas ang boses ni Zandreaj. Mababakas ang excitement doon. Amuse naman na nakatitig sa kanya si Blyther.

"Yeah, for real. Why? You find it funny? Yeah, I know, keychain collection is an obsolete hobby and not for youngs like us but I just love seeing them hanging on that wall." Hindi nawawala ang ngiti ni Blyther. Relax na relax ito sa pagkakahiga sa lounging chair habang nakaunan ang ulo sa kanyang dalawang braso.

"Well,.....I guess hindi natatapos sa sinigang na hipon ang mga mga gusto natin na magkapareho.... Bahagyang natigilan ang dalaga sa sasabihin sana. She's starting to open up her self. Hindi puedi.

Tumayo siya mula sa swivel chair at naghanap ng ibang mapapag-usapan. Ngunit pagpaling nya sa kabilang side ay ang gitara naman ang nahagip nang kanyang tingin. Lalapit sana sya dito ngunit pinigilan din ang sarili. Hindi naman nagsalita si Blyther na nahalatang ayaw na nyang magsalita. Tumayo ang lalaki at lumapit sa coffee table. Nagpakulo ng tubig sa heater at nagprepare ng dalawang tasa.

"I'm a coffee dependent, it's my stress reliever." I prefer it strong and super creamy. how about you? Tanong ng lalaki habang naglalagay ng granulated coffee sa kanyang tasa. Nagulat pa sya na paglingon nya kay Zandreaj ay makita itong medyo nakaawang ang mga labi dahil parang nagulat sa sinabi nya.

"S... strong and super creamy....too."  Sagot ni Zandreaj na parang nagugulumihanan at wala sa loob na umupo sa lounging chair. Bakit parang lahat ng gusto nya ay gusto din ni Blyther? What a coincidence.

"Strong and super creamy too for real?" Si Blyther naman ngayon ang tonong hindi makapaniwala sa sinagot ni Zandreaj.

"Yeah, and yes, that's my stress reliever too." Sa mga pagkakataong gusto nyang lumayo sa lugar kung nasaan sya para lumanghap ng ibang hangin, isa sa kinuconsider nya sa pagpili ng lugar na tatambayan ay ung may kape.

Umayos ng pagkakasandal sa lounging chair si Zandreaj at ipinatong ang kanyang dalawang paa sa foot rest. Pinagcross ang kanyang mga braso sa dibdib at pumikit. Nakaramdam siya ng antok, puyat pa nga pala siya. Ilang sandali pa nang masamyo na niya amoy ng kape na kasalukuyang nilalagyan na ni Blyther ng mainit na tubig. Narinig nya ang tunog ng kutsarang pinanghahalo at lalong bumango ang kape sa kanyang pang-amoy. Perfect. Naramdaman niyang hinila ni Blyther ang center table sa tabi ng lounging chair at ipinatong doon ang tasa ng kape.

"Here, have a coffee and be okay." Pabulong na sabi nito.

Gusto sanang imulat ni Zandreaj ang kanyang mga mata, gustong gusto niyang tikman ang kape. Ang sarap-sarap ng amoy nito. Pero hindi niya mapigilan ang side effect ng kape sa kanya, kapag puyat siya ang aroma ng kape ang the best nyang pangpatulog. And Zandreaj dozed off just like that.

Naupo si Blyther sa kanyang swivel chair at sinimulang humigop ng mainit nyang kape habang nakatitig sa magandang mukha na nasa kanyang harapan.





PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now