Chapter 14

49 7 0
                                    

Nagising si Zandreaj dahil nasisilaw ang kanyang mga mata sa liwanag. Pagmulat nya ay direktang nakatutok pala sa mukha nya ang sinag ng araw mula sa bintana.

Napabalikwas ang dalaga ng maisip na tanghali na at may pasok sya today. Late na sya! Dali daling kinapa ni Zandreaj ang kanyang cellphone sa higaan para icheck ang oras at napamulagat ang dalaga ng makitang alas kwatro na! Muli nyang tsinek baka nagkakamali lang sya pero alas kwatro na nga. Alas kwatro ng hapon!

Napahilamos sa mukha si Zandreaj ng marealize na absent sya today. Pero okay lang dahil feeling naman nya kahit nagising sya ng maaga ay hindi rin sya makakapasok. Wala syang ganang bumangon at lalong wala syang ganang lumabas ng kwarto. Basta wala syang gana.

Mahihiga palang sana sya ulit ng may kumatok, hindi sya tuminag. Narinig nyang gumalaw ang doorknob at bumukas ang pinto. Bumungad ang kanyang lola na dala ang bungkos ng susi.

"Dalawang beses na kitang pinasok dito pero hindi mo namamalayan." tsinek ko kung humihinga ka pa ba, ay okay naman kaya pinabayaan na kitang matulog hangga't gusto mo."

Tumingin lang si Zandreaj sa kanyang lola at ngumiti.

"Eh di absent ka ngayon. Ano bang pinagpupuyatan mo at parang hindi ka na natutulog sa gabi. Ayan tuloy at maghapon kang natulog ngayon."

Mataman syang tinitigan ng kayang lola.

"Magdamag ka bang umiyak? ano't magang maga yang mga mata mo?"

"Puyat lang po ako lola, tapos nasobrahan naman po ng tulog kaya ganyan." Pinilit ni Zandreaj na tumawa.

"Bumangon ka na dyan, ayusin mo na yang sarili mo at kumain ka na."

Pagkalabas ng kanyang lola ay tinatamad na bumangon si Zandreaj para maligo. Tinatamad sya pero hindi nya pueding pagalalahanin ang kanyang lola, kailangan nyang ayusin ang kanyang sarili para hindi ito mag-alala sa kanya.

Halos isang oras bago lumabas ng banyo ang dalaga, nagwash at deep conditioning sya ng kanyang buhok kaya natagalan sya. Nagbihis sya ng dolphin shorts at manipis na crop top sando. Hindi sya nagbabra pag nasa bahay, tanging nipple tapes ang ginagamit nya. Mas relax ang kanyang pakiramdam pag ganun.

Nakatitig sya sa sarili sa vanity mirror habang tinatanggal nya sa pagkakabun ang kanyang buhok. Eksaktong nailugay nya ito ay may kumatok.

"Tuloy, bukas po yan. "  Iniisip nyang si Aling rose na kasambahay ang kumakatok, baka pinapatawag na sya ng kanyang lola dahil mahigit isang oras na ay hindi pa sya bumababa.

Bumukas ang pinto at sumuot sa ilong ni Zandreaj ang pamilyar na amoy. Napalingon ng mabilis sa pintuan si Zandreaj. Nagliwanag ang kanyang paligid nang makitang si Blyther ang pumasok. Patakbo syang lumapit sa binata at yumakap ng mahigpit dito. Then she pulled his collar and crashed her lips to his. Pasimpleng tumalikod at umalis ang lola ni Zandreaj na natakpan ng malapad na katawan ni Blyther. Nakangiting umiiling-iling. 

Nagulat naman si Blyther na hindi inaasahang ganun ang isasalubong sa kanya ng dalaga. Akala nya ay sya lang ang sabik na sabik dito pero tingin nya ay pareho sila nito. Ginanti nya ng mas maalab ang mga halik ni Zandreaj. Binuhat niya ito habang tuloy sila sa kanilang maalab na halikan. They stopped only when they both feel they're running out of air. Pareho silang humihingal and are both trying to catch their breath while staring at each other. Tuluyan nang nakalimutan ni Blyther na nasa likuran nya kanina ang lola ni Zandreaj.

"I missed you. I missed you so much."
Padaing ang pagkakasabi ni Blyther.

"I missed you too."  Sagot ni Zandreaj .

Ibinaba sya ng lalaki. At hinawakan sa magkabilang pisngi. Tinitigan sya sa mga mata na wari'y may hinahanap dun. Para lang muling angkinin ang naghihintay nyang mga labi.

"I wanna kiss you more pero nakakahiya na sa lola mo baka kung ano nang isipin sa akin pag tumagal pa tayo dito." Bumitaw si Blyther at hinila sya palabas ng kwarto.

Paglabas nila ng kwarto ay binitiwan nito ang kanyang kamay. Sa kusina nya ito dinala. Kumukulo na ang kanyang tyan wala syang almusal at tanghalian. Sa amoy palang ng kusina ay alam na nya kung ano ang ulam. Nagtinginan sila ni Blyther at sabay na napangiti.

Naghayin sya para sa kanila ni Blyther.

"This is my lola's specialty, we both love sinigang na hipon. Tatlo na tayo ngayon."  sabi ni Zandreaj habang sumasandok sa kaserola ng pangulam nila. Naramdaman niyang yumakap sa baywang nya si Blyther at sumilip sa kaserola at may ibinulong sa kanya.

"You're so sexy."

Saka lang naalala ni Zandreaj na nakadolphin shorts sya na labas ang kuyukot at nakacrop top sya't walang bra.

"Oh no! I'm sorry. I should have had change. Sorry, sanay kasi ako na pag nandito lang sa bahay ay ganito ang suot ko."  Natatarantang sabi ng dalaga, dali dali nitong ibinaba ang bowl para bumalik sa kwarto pero pinigilan sya ni Blyther.

"It's ok, I love it.

"You sure okay lang?" May pagaalinlangang tanong ni Zandreaj.

"As long as you feel comfortable with it, it's ok with me. Besides my eyes just love them."  At ngumiti ng pilyo si Blyther sa kanya.

Umirap si Zandreaj pero dahil flattered sya sa mga sinabi ng lalaki ay she decided to satisfy his eyes by not changing her clothes anymore.

Hustong umupo sila para kumain ng pumasok sa kusina ang lola ni Zandreaj.

"Mabuti naman at dumating ka Iho. Kung hindi eh baka hanggang ngayon nakahiga pa din yan dun sa kwarto nya si Zameera. Sya sabayan mong kumain yang babaeng yan at siguraduhin mong makakakain yan ng ayos ha."

Nanotice ni Zandreaj na tinawag syang Zameera ng kanyang lola. At narealized nyang nag-aalala na nga ito sa kanya.

"Opo lola. Don't worry po kakain po kami ng marami. At talaga pong kakain ako kahit hindi nyo ako pakainin." Tumatawa si Blyther habang sinasandukan ng kanin ang plato ni Zandreaj.

Tumawa rin ang lola ni Zandreaj at nagtuloy sa lababo para maghugas ng kamay.

"Kain na din po kayo lola."  Sabay pang yaya nilang dalawa sa matanda.

"Ako ay tapos na. Mag-aalas singko y media na kaya ako'y kumain na." Sagot ng matanda na pasimpleng pinanunuod sa gilid ng kanyang mga mata ang ginagawa ni Blyther.

Pagtapos lagyan ng kanin ang plato ni Zandreaj ay sumandok ito ng gulay sa bowl at ipinatas sa gilid ng plato ng babae. Pagkatapos ay isa-isang binalatan ang limang pirasong hipon at ipinatas din sa gilid ng plato ni Zandreaj.

"Alam nyo po ba lola kung bakit kakain si Vyb kahit hindi nyo pakainin? Nakangising tanong ni Zandreaj. Napatingin sa kanya si Blyther.

"Kasi paborito nya rin ang sinigang na hipon."  Mabilis na sagot ng matanda.

Gulat na sabay na napatingin dito ang dalawa.

"Magaling syang magbalat ng hipon eh, kaya malamang lagi syang naguulam nyan."

At nagtawanan silang tatlo.

Nang masiyahan sa nakita ang matanda ay lumabas na ito ng kusina.




PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now