Chapter 34

89 5 0
                                    

Hindi na umuwi sina Zandreaj para magprepare sa Awards Night ngayong gabi. Sa office na din ni Blyther nagbihis ang dalaga. Si Xienlee ay kasamang lumabas kanina ni Dreigh at hindi na bumalik. Pero si Xienlee ulit ang host kaya siguradong babalik ito kasama si Dreigh dahil magpipresent ito ng award bilang isa ito sa mga naging judges ng singing contest. Kinuha lang ni Blyther ang kanyang toxido sa car ng kanyang ama para sa office nya na din magbihis matapos iprepare ang gymansium. Pagdating nito ay bihis na ang dalaga at kasalukuyang inaayos ang kanyang mukha. Napasipol si Blyther ng masipat ang girlfriend. Naka nude lace gown si Zandreaj embroidered with crystals and sequence na gaya ng mga gown ng mga finalists ng MUPH. Naka messy bun ang curls nito na nagadd sa alluring look nito. She matched it with 3inches stellito. Namula si Zandreaj ng makita ang admiration sa mga mata ni Blyther.

"You're gorgeuos! Punong-puno ng paghangang bigkas ng lalaki na hindi maalis ang mata sa kanya.

Naconcious naman ang dalaga. Lumapit sa kanya si Blyther at hinapit sya sa baywang.

"Parang gusto rin kitang ipasok sa cr." Nagbibirong sabi nito sa dalaga. Inirapan naman sya ni Zandreaj.

"You better get ready Vyb, iligo mo na yan, ngayon na."

Humalakhak si Blyther sa tinuran ni Zandreaj.

Awards Night. Parang Star Magic Ball ang concept ng event. Nakaformal ang lahat ng awardees and participants. Bongga ang Awards Night na ito. Pagpasok palang nila ng Gym ay may usherettes na sumalubong sa kanila at giniya sila sa gilid para sa photo opt bago sila inihatid sa kanilang upuan. Si Zandreaj ay sadyang sa tabi ni Blyther ang upuan. Hindi sya kasama sa table ng mga awardees. Siguro ay ininstruct na ni Blyther ang mga kasama nya sa set-up. Kasama ng ibang mga kapwa nya judges sa kabilang mesa si Dreigh na gwapong-gwapo sa black toxido nito.

Pag-upong-pag-upo nila ay umalingawngawsa ang voice over at inintroduce ang host for the night na si Xienlee. Lumabas ang dalaga mula sa backstage at nagpalakpakan ang audience ng matutok dito ang spotlight. Xienlee is wearing see-through white gown. Sexyng-sexy ang babae at napakaganda. Partner nito si Jeric na parang KPop star ang ayos at bihis. Kitang-kita ni Zandreaj na napahugot ng kanyang hininga si Dreigh. Napangiti ang dalaga.

Nagsimula agad agad ang awarding matapos magsalita ang school principal at si Blyther. Hindi mapigilan ni Zandreaj ang mapahanga sa boyfriend sa husay nitong magsalita maliban pa sa napakagwapo nito sa kanyang black toxido. Mas mukha itong successful executive kesa grade 12 senior high school sa tindig at bihis nito.

Inunang iaward ang winners ng sports competition. Si Zandreaj ang huling awardee na tinawag. Masigabong palakpakan ang naghatid kay Zandreaj sa taas ng stage para tanggapin ang kanyang certificate, cash prize at trophy. Nakaplay sa giant LED sa stage ang video ng kanyang mga best shots habang tinatanggap nya ang kanyang award.

Pagkatapos ng sports ay nagintermission number ang winner ng modern dance competition saka nagpatuloy sa awarding para sa talent competition. Inuna ang mga contest na ginawa nung huebes ng umaga at pinahuli ang singing contest. Pagkatanggap ni Zandreaj ng kanyang award as winner sa singing contest ay hindi na sya pinababa ni Xienlee. Inanounce na kaagad nito ang kanyang intermission number. Muling naghiyawan ang audience. Parang hindi napapaos ang mga ito. Nang mahawakan ni Zandreaj ang microphone ay nagbago ang image na nakaflash sa LED. One by one ay nagappear ang mga letters at nabuo ang title na JOURNEY TO HER COMFORTZONE.

"Good evening DonHigh! Malakas na bati ni Zandreaj sa crowd. Naghiyawan ang mga ito bilang response. Si Blyther ay anticipating. Ano na naman ang surpresa ni Zandreaj? Sumeryoso si Zandreaj ng muling magsalita.

"I would like to dedicate this song to my very supportive STEM FAMILY. Thank you so much my newly found brothers and sisters for everything.
And most specially this song is for the man behind this successful event."

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon