Chapter 33

51 6 0
                                    

Friday. Last day ng STFW. Honda CBR 150 ang ipinang sundo ni Blyther kay Zandreaj. Binilinan sya ng binata kahapon na wag syang magdidress dahil magmomotor sila. Dumating na ang daddy nito at papasok na bukas.

Lumundag ang puso ni Zandreaj ng makita ang boyfriend paglabas ng sala. Ang lola nya ang nagbukas ng gate para dito at pinatuloy sa loob ang binata. Hindi napigilang magswoon ni  Zandreaj sa bagong appearance ng boyfriend. Nakasoccer uniform ito na bagay na bagay sa kanya he looks so young and fresh. Nacarried away ang dalaga na hindi nito napigilang yakapin ang boyfriend sa harap ng lola.

"Oh why ,you're so handsome and charming with that uniform."

"Yeah! para kang si Dreigh! Sang-ayon ng lola ni Zandreaj.

"You have a game today?! Excited na tanong ni Zandreaj ng marealize kung bakit nakauniform ito.

" Yeah, exhibition lang naman. We invited a team from other school."

"And I will be playing with them." Sabad ni Dreigh na lumabas galing kusina. Nakasoccer outfit din ito na walang logo sa halip ay may malaking print na DREIGH sa harap at sa likod ganun din sa laylayan ng shorts nito.

Napamulagat si Zandreaj. Tuwang-tuwa ng malamang mapapanuod nya ng live maglaro ang pinsan with Blyther.

"That would be great!"

"Kami naman ang magpapasikat, lagi nalang ikaw eh." Nakatawang sabi ni Dreigh.

Nagmano ang dalawa sa lola ni Zandreaj bago sila lumabas ng bahay papuntang school.

pagdating nila sa classroom ay agad silang sinalubong ni Xienlee na excited na ipinakita sa kanila ang trending videos ni Zandreaj sa YouTube. Nasa 4M na ang video ng final game nya sa pool at nasa 1.4 naman ang video nya nung kumanta sya kahapon. Pero saglit lang ang good news ni Xienlee. Inopen nito ang sariling facebook account at ipinakita ang mga comments sa shared video ni Zandreaj. May mga harsh comments mula sa estudyante ng school na pinanggalingan ni Zandreaj na pinararatangang cheater ang babae dahil naexpelled sa kanilang paaralan ang dalaga because of cheating. Libo na ang nagreact sa comment na yon. Nagkibit balikat lang si Zandreaj. Tiningnan ito ni Blyther to check kung affected ito pero walang bakas sa mukha ng dalaga.

"I can explain that."  Sabi ni Blyther.

Napatingin dito si Zandreaj at napakunot noo.

"You don't have too." Sabi ni Xienlee na nakangiti.

Si Blyther naman ang napakunot noo.

"What are you going to explain?" Tanong ni Zandreaj dito. Paanong nalaman ni Blyther ang cheating issue?

"About that comment."

"How do you know about it?" Nagtatakang tanong ni Zandreaj.

"I heard your parents talking about it sa hospital. That's why I know It's not true that you are a cheater." Mahabang paliwanag ni Blyther sa dalaga.

Tumango nalang si Zandreaj na parang nagiisip. Biglang tumunog ang buzzer hudyat na magsisimula na ang exhibition game nina Blyther. Kitang kita ni Zandreaj na biglang naexcite ang boyfriend kaya hinila na nya ito papuntang oval.

Nasa bench si Dreigh pagdating nila. Tumayo ito at ibinuka ang mga kamay pagkakita sa kanila. Nagulat si Zandreaj ng tumakbo si Xienlee papunta dito at nagpakulong sa mga braso ni Dreigh. May ibinulong dito ang lalaki. Nagkatinginan sila ni Blyther at parehong napangiti.

Halos lahat ng mag-aaral ay nasa oval para manuod. One big opportunity para sa mga ito ang mapanuod si Blyther plus si Dreigh na pride ng DonHigh.

Kinurot ni Zandreaj si Xienlee sa tagiliran pagupo nya sa tabi nito. Nasa field na ang dalawang lalaki kasama ng iba pang players para maglaro. Ngiting-ngiti si Xienlee pag tingin sa kanya na hindi maitago ang kilig.

"Ang gagwapo ng mga boyfriend natin." Sabi nito kay Zandreaj habang nakatingin sa field. Sabay na tumingin sa kanila ang dalawa, kumaway at nagflying kiss. Malakas na nagtilian ang mga marites sa paligid. Nagsimula na ang laro. Saka lang naintindihan ni Zandreaj na si Dreigh ay naglalaro kakampi ng kabilang team kaya mas naging exciting ang laban. Mas naipakita ni Blyther at Dreigh ang husay nila bilang opponents  dahil pareho silang magaling. Nahirapan silang talunin ang isa't isa. Hindi mapigilan ni Zandreaj ang pride na nararamdaman thinking na ang lalaking tinitilian ng marami ay boyfriend nya.

Lumapit ang dalawang lalaki sa kanila ng magbreak saglit. Pawisang pawisan si Blyther pero mukhang ang bango pa rin. Sa halip na magmukha itong haggard ay mas mukha itong bagong ligo na kalalabas lang ng banyo. Lumapit ito kay Zandreaj at nagpapunas ng pawis sa mukha at likod. Ganun din si Dreigh kay Xienlee. Nakatingin ang lahat sa kanila lalo na ang mga kababaihan na makikita sa mata ang pagkahili. After 2 minutes ay bumalik na sa field ang dalawa para ipagpatuloy ang laro. Panay naman ang cheer ni Xienlee at Zandreaj sa mga ito.

Parehong mahusay si Blyther at si Dreigh. Bilib si Zandreaj sa boyfriend dahil kaya nitong makipagsabayan sa husay ni Dreigh na MVP ng American Championship. Natapos ang laro after 3 hours. Parehong 2 ang score ng dalawang team. Tinapos na nila sa tie ang game dahil mukhang aabutin sila ng maghapon na wala sa kanilang nananalo.

Humihingal na bumalik sina Blyther sa upuan nila. Umupo ang lalaki sa tapat nya sa babang bench sa pagitan ng kanyang mga hita paharap sa field. Tumingala ito sa kanya, hinawakan ang kanyang batok at kinabig sya payuko sabay ang mabilis na halik sa kanyang labi. Ramdam ni Zandreaj ang paginit ng kanyang leeg paakyat sa kanyang buong mukha. Though flattered sya sa ginawa ng binata sa harap ng marami ay hindi nya maiwasang makaramdam ng hiya sa public display of affection ni Blyther.

Matapos makapagpahinga ng ilang saglit ay iniwan na nila ang field. Niyaya ni Blyther si Dreigh at Xienlee sa kanyang office para doon magpalit si Dreigh ng damit. Nasa banyo si Dreigh ng may maalalang itanong si Blyther kay Zandreaj na kasalukuyang nagtitimpla ng strong and super creamy na kape.

"Hey Mine, were you informed that you will be performing tonight in the Awards Night?"

"Yes, Xienlee here told me that winners will be performing for an intermission number."

"Done Pres." Lumingon si Xienlee na nakatayo sa pinto ng cr hawak ang malinis na damit na pagpapalitan ni Dreigh, naliligo pa ang binata. Biglang bumukas ang pinto ng cr at biglang hinila ni Dreigh si Xienlee sa loob. Napatili pa ang dalaga sa gulat. Patay malisya naman si Blyther at si Zandreaj.

"So, what are you going to sing tonight?"

"Secret." Nakangiting sagot ni Zandreaj.

"Can I request?"

"What is it?"

"Make You Feel My Love. Until now I am still wondering how are you going to sing the rest of the song since you did not finish singing it in the KTV."

"Awww,..sorry but I have not practiced that song, kasi baka hindi ko pa kayang kantahin. Baka hindi ko na naman matapos." Nalungkot si
Zandreaj.

"Oh! it's okay. What ever it is that you'll gonna sing I'm sure you'll just gonna do it amazingly just yesterday.

Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Xienlee na nakahawak sa dibdib na parang nanginginig. Nakapikit itong napasandal sa pintuan na bigla namang binuksan ni Dreigh. Mabuti nalang at nasalo nito si Xienlee ng muntik na itong bumagsak.

Nagkatinginan nalang sina Blyther at Zandreaj nang muling ipasok ni Dreigh sa cr sa Xienlee.




PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now