Chapter 17

47 6 0
                                    

6:AM ay nakauniform na si Zandreaj. Maaga syang nagising dahil nabawi na nya ang puyat nya, sobra pa nga ang kanyang tulog. Pagbaba nya sa kusina ay ready na ang kanyang pagkain. By 6:15 ay nasa garahe na si Zandreaj, hustong pagkabukas nya ng gate ay tumigil sa tapat nya ang isang honda CBR 150 sakay si Blyther. Itinaas ng lalaki ang visor ng kanyang helmet at ngumiti sa kanya.

"Wag ka nang magdrive, angkas ka na sa akin." Bumaba ito nang motor, nagtanggal ng helmet at pumasok ng gate.

"Where is lola?"

Eksakto namang bumungad sa garahe ang matanda. Lumapit dito si Blyther, nagmano at ipinagpaalam na iaangkas nito si Zandreaj at ihahatid na din paguwi mamayang hapon.

"Mas mabuti, at akoy laging nagaalala kapag nagdadrive ang batang yan."

Kinuha ni Blyther ang helmet ni Zandreaj na nakasabit sa wall ng garahe at isinuot sa dalaga at izinipper ang noo'y suot nya nang black leather jacket na nakabukas pa. Pagkatapos ay lumapit ulit sa lola ni Zandreaj at muling nagmano para sa kanilang pagalis. Nagmano rin si Zandreaj bago umangkas sa motor ni Blyther na natagalan bago nya nasolve kung papaano ba syang makakaangkas sa mataas na motor nito.

Maingat magdrive si Blyther. May kabilisan pero maingat. In 17 minutes ay nasa parking area na sila. Kung nahirapan si Zandreaj na sumakay ay mas nahirapan syang bumaba. Tawa sya ng tawa ng makababa ng tuluyan.

"Masasanay ka rin sabi ni Blyther."

"Vyb can I ask you a favor?" Nag-aalangang tanong ni Zandreaj.

"Hindi kita pueding ikiss dito, maiiskandalo tayo, hindi mo ba nakikita andaming tao." Tumatawang bulong ni Blyther sa kanya.

Napamulagat si Zandreaj.
"That's not it!" Pumadyak ang dalaga.

"Just kidding, what is it?"

"Can we act just the same sa classroom? Ahmmm...kasi.."

"I understand. Ayoko din naman na paguusapan ka ng marami. But promise me not to run away from me."

"Ok."

Magkasabay na naglakad ang dalawa papunta sa kanilang classroom. Pansin ni Zandreaj ay nakatingin sa kanila ang lahat ng nakakasalubong nila at mga nagsisinyasan at nagbubulungan. Napatingala sya kay Blyther para tingnan kung aware ba ang binata sa paligid nila pero parang wala lang sa lalaki. Binagalan nya ang paglalakad para maiwan sya ni Blyther pero huminto ang lalaki. Pagtapat nya dito ay may ibinulong ito sa kanya.

"If you don't want me to hold your hands here then walk beside me."

Inignore nalang ni Zandreaj ang mga bulungan sa paligid nya.

"What's happening? Tanong ni Zandreaj sa sarili.

Pagdating nila sa Classroom ay tumuloy sila sa kanya kanyang upuan. Wala pang tao dahil 6:30 palang. Pagbaba ni Blyther ng bag nito ay agad itong pumunta sa kanya at niyakap sya.

"Just don't mind them. Curious lang ang mga yun, hindi sila sanay na nakikitang may kasabay akong maganda. Sorry I have to hug you baka kasi affected ka. "

Tumango lang si Zandreaj at saglit na gumanti ng yakap sa lalaki. Tumingala sya at ngumiti dito.

Ilang sandali pa ay sunod sunod nang nagdatingan ang kanilang mga kaklase.

Ang boys ay kinumusta si Blyther at tinanong kung bakit absent nung hapon.

Sina Xienlee naman ay si Zandreaj ang kinumusta.

Napapangiti si Blyther habang pinagmamasdan si Zandreaj na active na nagpaparticipate sa klase. Hindi lang pala talented ang babae, matalino din ito. Sabagay hindi naman ito makakapasa sa STEM kung hindi qualified ang grades nito. Pero tingin nya ay mas mataas pa ang IQ ng babae sa karamihan at kaya sya nitong kalabanin sa Top 1 kung magpofocus ito sa pag-aaral. Relax na itong nakikipagusap sa kahit kanino sa mga classmates nila at nakikipagcooperate sa mga group activities. Kanina ay sya ang nagpresent ng kanilang group output sa Science and their teacher was impressed. She even recognized Zandreaj's positive change and told her to keep it up.

Lunch break na nang magkaroon sila ng chance na magkalapit ng desimulado ni Zandreaj. Gaya nung isang araw ay magkakasama ulit silang magkakaklase sa canteen at siempre sila ang magkatabi ni Zandreaj.

Gaya sa bahay nina Zandreaj ay iniintindi ni Blyther ang pagkain ng dalaga. This time he ordered pork sisig for their side dish. Dumilim ang mukha nito ng magabot si Zandreaj ng share nya sa lunch nila pero tinanggap din. He asked her if she wants soda for her drink pero umiling ang dalaga, she's not a soda fan just like him. But he observed that she likes pork sisig and less rice eater.

Tumataas ang balahibo sa batok ni Zandreaj habang kumakain. Pakiramdam nya lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakatingin sa kanila ni Blyther at pinaguusapan sila.

Pagkakain ay nagpaalam saglit si Zandreaj para gumamit ng comfort room. Kasalukuyan syang nasa loob ng isa sa mga cubicle ng sabay na lumabas ang mga occupants ng tatlo pang cubicle. Naguusap ang mga ito habang nagrirefresh sa harap ng salamin. Malinaw na naririnig ni Zandreaj ang topic ng mga marites.

"Mars totoo bang yung transferee yung nasa bagong profile picture ni Pres sa FB?"

"Oo yata, nung isang araw nakita kong hila-hila yun sa kamay ni Pres papuntang SSGC Hall eh."

"Pero diba usap-usapan suplada yun. Wala nga raw kinakausap yun sa klase nile eh. Snob daw."

"Saka paano yun magiging girlfriend ni Pres? Ang bilis naman. Nong Monday lang sila yata nun nagmeet kasi diba nasa Seminar si Pres nung unang dumating dito yung si...Ano ngang name nun?"

"Andrea daw yata."

"Hindi, Zandreaj yun."

"In just three days girlfriend agad? Ganun ba talaga ang mga City Girls?"

Nagtawanan ang mga marites.

"Oy! wag nga kayo, hindi naman natin sure kung sya nga yung nasa profile picture ni Pres. Nakatalikod tapos ang layo pa."

"Oo nga, saka parang hindi naman yun matitipuhan ni Pres. Maganda nga pero ang liit. Saka parang wierdo yun umasta. Hindi smart katulad ni Xienlee at nang mga friends nya."

"Tama ka d'yan mars, malabong magustuhan ni Pres ang Zandreaj na yun."

Biglang natahimik ang lahat ng bumukas ang pinto ng cubicle at lumabas si Zandreaj. Ngumiti sya sa mga babae na nagtitinginan at nagpapakiramdaman. Nakatingin sya sa mga ito habang naghuhugas ng kanyang kamay. Matapos tuyuin ang kamay nya ay hinarap nya ang mga Marites.

"Puedi ko bang makita yung profile picture na sinasabi nyo? Check ko lang kung ako nga." Friendly ang approach ng dalaga.

Dali-daling nagbrowse ang isa sa mga may hawak ng cellphone at ipinakita kay Zandreaj ang profile picture ni Blyther. Sya nga ang nasa profile ni Blyther. Kahit gaano pa kalayo at kaliit ang pagkacapture sa kanya ng nakatalikod, alam nyang sya yun. Lumundag ang puso ni Zandreaj nang makita ang MINE na naka text edit sa picture mismo. Pero naiinis sya kay Blyther. Kaya pala mula pa kaninang umaga pinagtitinginan sila ay dahil sa profile picture nito. Nakiusap pa syang magact sila ng casual yun pala ay ibinandera na nito sa FB. Buti nalang at halos hindi rin nga sya makilala sa picture. Nakangiti nyang ibinalik ang cellphone sa may-ari.

"Thank you."  Ngumiti si Zandreaj sa mga ito bago tuluyang umalis.

Naiwang nakasunod ng tingin sa kanya ang mga babae.

Palapit palang siya sa mesa ay nakatingin na si Blyther sa kanya. Pinagaaralan ang kanyang facial expression. Napansin siguro nitong tensed ang dalaga.

Nagsitayuan na ang lahat pagdating ng babae, sya nalang pala ang hinihintay ng mga ito.
Dinampot nya ang kanyang bag at mabilis na naglakad ng hindi tumitingin sa lalaki. Mabilis syang nakalabas ng canteen. At walang lingon likod na nagmamadaling lumiko sya sa kanan pabalik ng kanilang classroom.

Napatigil sya ng biglang maramdaman ang mahigpit na paghawak ni Blyther sa kanyang kaliwang kamay. Tumigil sya pero hindi sya kumilos para tumingin dito. 

"What's wrong?" Bulong ng lalaki. Alam nyang hindi ito tungkol sa boyfriend ni Zandreaj dahil nasa bag nito ang kanyang cellphone.

Hindi sumagot ang babae. Pero hindi rin ito kumikilos.

Inilabas ni Blyther ang mga susi sa bulsa ng backpack nya. Kumuha ng duplicate at ibinigay kay Zandreaj.

"Here's a key to my office. See me there." At iniwanan sya ni Blyther.






PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon