Chapter 4

65 8 0
                                    

Pagkaalis ni Dreigh ay nagsipunta na sa kani-kaniyang upuan ang mga kaklase ni Zandreaj sa pangunguna ng parang wala sa sariling si Blyther kaya bumalik na rin sya sa kanyang upuan sa pinakadulo sa likuran.

Natapos ang first subject nilang Math na ramdam sa ere ang tensyon na hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng kanilang adviser na Math teacher din nila. Si Blyther na laging active sa klase ay parang wala sa mood at palipat-lipat ang tingin ng mga kaklase nito dito at sa transferee na si Zandreaj.

Si Zandreaj naman ay gaya ng dating parang zombie na walang nakikita sa paligid pero this time ay pinakikiramdaman ang mga kaklase. Ang mga kaklase naman nila ay panay ang bulungan na parang kinikilig sa dalawa.

20 lang ang enrolled students sa grade 12 STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand) section na kinabibilangan nina Blyther at Zandrea. 10 ang lalaki at 10 ang babae. Si Mrs. Hernandez na Math Wizard ang kanilang adviser.

Sa dalawang linggong pagattend ni Zandreaj ng klase na parang walang pakialam ay napahanga sya sa unity ng buong section. Sobrang close ang lahat sa isa't-isa at wala kang mapapansing competition. Kahit pa ang lahat ay pare-parehong magagaling, hindi mo mararamdaman ang pagalingan.

Grabe ang suporta ng bawat isa sa isa't-isa sa lahat ng bagay. Para silang magkakapatid kung magturingan. Mainit din ang naging pagtanggap sa kanya ng lahat lalo na ang mga girls pero siya ang kusang dumistansya sa mga ito na nirespeto naman nila.

Sa mga group works ay hinihingan sya ng suggestion pero hindi sya pinipilit kapag mas pinipili nyang umupo lang at wag makialam. Ang haba din ng pasensya sa kanya ng lahat dahil never nyang napansin na nainis ang sino man sa kanila kapag ayaw nyang magparticipate.

Natapos ang Math lesson na nakikiramdam din si Mrs. Hernandez.

Paglabas ng adviser ay lumapit si Xienlee kay Zandreaj. Medyo alanganin pa ito at tinatantya ang kaklase kung okay ba ang mood nito.
Ngumiti ng bahagya dito si Zandreaj kaya tuluyan na itong nagapproach.

"Hi! nagtext si Dreigh eh, tinatanong nya if naplano na daw natin if  san mo kami ititreat mamaya."

Medyo nag-alangan si Zandreaj sa kanyang isasagot. Ang totoo ay kanina pa sya nag-iisip kung anung alibi ang gagawin nya para lang wag matuloy ang pagtreat nya sa mga kaklase mamaya.

Una ay ngayon sya tinablan ng hiya sa ginawa nyang paghalik kay Blyther, parang hindi nya kayang humarap sa mga kaklase lalo na sa lalaki.

Pangalawa ay hindi niya alam kung papaanong makikiharap sa mga kaklase sa tindi ng awkward feeling na nangingibabaw ngayon sa klase. Lalo at halos magkastiff neck na si Blyther sa kaiiwas na makalingon sa kanya. Anyway, nagugulat sya sa bilis ng friendship between Xienlee and Dreigh. Texting each other na agad?

"Ahhhhmmmm..." hindi alam ni Zandreaj ang kanyang isasagot.

"Girl, kami lang 'to. wag kang mahihiya sa amin. We are the STEM, we are family here. Whether you like it or not, you belong to the family. so please, just be relaxed when you're with us. Ok?" Hinawakan pa ni Xienlee ang mga kamay ni Zandreaj.

Naramdaman naman ng dalaga ang sincerety sa tinuran ni Xienlee kaya bahagya syang ngumiti dito. Bahagya din syang nakaramdam ng guilt sa mga lumipas na araw na naging indifferent sya sa lahat ng mga kaklase nya.

"Anyway, I saw what happened just this morning, girrrllll...inunahan mo 'ko sa mga lips ni Blyth ha.."  Pabulong na biro ni Xienlee sa kanya.

Bahagyang namula na naman si Zandreaj ng maalala ang kahihiyang nagawa kanina na lalo namang nagpangiti kay Xienlee.

"Hey, don't be embarassed. We all have our guts as defense mechanism, hehehe." You and Blyther have the same thing in common. In this family, kayong dalawa lang ang nagbablush."
Turan pa ng palagay na ang loob na si Xienlee.

"Please don't mention it again, nahihiya ako sa sarili ko." pabulong ding sambit ni Zandreaj habang pasimpleng tinitingnan ang reaksyon ng mga kaklaseng lahat ay nakatingin sa kanila ni Xienlee maliban kay Blyther na tuwid na tuwid sa pagkakaupo sa unahang hanay ng upuan sa harapan at kunwari ay may ginagawa sa kanyang notebook pero nakikiramdam sa kanyang mga kaklase.

"Ok,.let's not talk about it na. So, when and where do you plan to treat us?"

"lunch time?" Patanong na sagot ni Zandreaj.

"Ahmmm... I don't think so. We only have an hour for lunch break. How about after class this afternoon before we go home?" Let's bring the rest to The Eaters. Dun ang paboritong tambayan ng STEM pag nabuburn out na kami sa dami ng dues sa lahat ng subjects."

"Where is that?"

"Just two blocks from here." It's a food court. Different food stalls from street food to the classy ones." You'll gonna like it there for sure."

Bahagyang nakaramdam ng excitement si Zandreaj. Simula ng dumating sya dito sa probinsya ay never pa syang nakapasyal. School bahay lang ang routine nya. Ni hindi nya napapansin ang meron sa paligid ng campus.

"Ok, The Eaters then." Penal na pagsang-ayon ni Zandreaj.

"Is that final? sasabihin ko na sa lahat." Pagkumpirma ni Xienlee. Tumango lang si Zandreaj.

"Guys! We will be at the The Eaters after class this afternoon." Ang hindi sasama syang taya next gala." Malakas na announcement ni Xienlee sa klase.
Nagpalakpakan naman ang lahat maliban kay Blyther na parang walang narinig.

"Hey Zandreaj! I'm Jeric, as the class VP I formally welcome you to the STEM FAMILY. sorry this happened so late. Medyo nahirapan kaming tantyahin ang mood mo the first and next days you arrived kaya..."
Mahabang speech ng mukhang Kpop star na lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng hanay ng kinauupuan ni Zandreaj.

Ngumiti lang ang dalaga na hindi pa alam ang sasabihin.

Tumayo naman si Demi na nasa kabilang upuan ni Blyther. Tall, dark and handsome na wala sa hitsura ang pagiging tactless.
I'm Demi, welcome to the STEM FAMILY and I'm sorry for what i've said kanina."

"I'll forgive you if you'll tell me all about the pretty-little-devil thing."
Seryoso ang tono ng boses ni Zandreaj pero nakangiti sya kay Demi. Sinadya nyang iparinig kay Blyther ang tono nya dahil gusto nyang makita ang reaksyon nito. May pakiramdam sya na he has something to do about it. At hindi nakaligtas sa kanya ang pagstiff ng mga balikat nito at ang pagbaling ng tingin dito ng lahat ng kanyang mga kaklase. Natahimik din ang lahat at halatang walang gustong sumagot kahit si Demi.

"Good morning class!"

Masayang bati ng kanilang English teacher  habang pumapasok ng classroom.

Sabay-sabay na napahugot ng malalim na buntunghininga ang mga kaklase ni Zandreaj at nakahinga ng maluwag sa pagdating ni Mrs. Cantos.

"Saved by the bell! thank you G.!" Pabulong na tumingala pa sa kisame si Demi. Napatingin naman dito si Mrs. Cantos at tinanong sya sa usual nitong high pitch na boses.

"Yes, Demitry? Why is it that as if you've seen an angel when I arrived?"
Tonong maldita at nakataas ang kilay pero nakangiti ang masayahin at napakabait na Mrs. Cantos.

Nagtawanan ang buong klase pero hindi si blyther.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now