Chapter 8

50 8 0
                                    

Relax na sumandal si Blyther sa pagkakaupo sa swivel chair paharap sa natutulog na si Zandreaj.

Naalala nya nang una nya itong makita kahapon ng umaga pagdating nya sa classroom. Nakapikit at nagsasounds si Zandreaj habang nakaupo at nakasandal sa kanyang armchair. Malayo ang itsura nito sa pictures sa gc nila na laging nakasimangot at mukhang suplada. Sa personal ay mukhang fragile at weak ang babae. Kahit nakapikit ito ay mukha itong malungkot.

Wala sa loob na nahipo niya ang kanyang mga labi ng muling maalala ang hindi maalis-alis sa isip niya na halik ng babae kanina. Napakalambot ng mga labi nito, napakasarap gaya ng ngayon ay hinihigop niyang kape na strong and super creamy. Akala nya ay ang paborito na nyang kape ang pinakamasarap sa lahat ng masarap na gusto nya, may mas sasarap pa pala dun, ang halik ni Zandreaj.

Nahigitan ng halik ni Zandreaj ang stress reliever na epekto ng kape sa kanya. Ang halik nito ay hindi lang masarap, automatic sya nitong iniangat sa lupa at idinuyan paakyat sa alapaap. Hindi gaya ng kape na nawawala lang ang kanyang stress, ang halik ni Zandreaj ay dinala sya sa kawalan na sobrang gaan sa pakiramdam at napakaliwanag ng makulay na paligid. Gising na gising sya ngunit pakiramdam nya sya ay nananaginip na ayaw na nyang magising.

Nagulat sya sa ginawa ni Zandreaj kanina, hindi nya inaasahan na hahalikan sya nito. Mas inihanda nya ang pisngi nya sa sampal dahil sa itsura nito nang sugudin sya kanina na mukha itong tigreng handang manakit. Na-off guard sya na sahalip ay kwinelyuhan sya nito para halikan.  He was really surprised by what she did, but what surprised him more is how he felt and reacted to her kiss. It was heaven. He loved it.

She is not her first kiss. Though he'd never been into a relationship, marami syang naencounter na mga liberated girls of his age sa mga national seminar na naattendan nya as student leader since grade 10. They do what they like and pleases them including french kissing him. The act was not new to him, but the feeling he felt during the kiss was first time.

Only Zandreaj made him feel like an empty balloon flying up to the sky with no exact place to go but is feeling safe. Everything just feels so right. Pinalis ng halik ni Zandreaj ang lahat ng indifferent feelings nya para dito. Ang dating inis sa babae sa pagiging aloof at kawalan ng pakialam nito sa klase at mga kaklase ay biglang naglahong lahat.

Naalala pa niya noong nasa seminar siya at nagsusumbong ang mga frustrated na kaklase dahil kay Zandreaj. Ang mga kagrupo nito ay apektado ang performance dahil hindi nila kayang iapproach si Zandreaj para bigyan ito ng task. Kahit alam ng babae na may grupo syang kinabibilangan at dapat syang makipagtulungan ay never itong nagapproach sa mga kaklase para magcooperate.

Halos ang buong klase ay apektado nya dahil sa iba't- ibang subject ay iba-iba din ang groupings na napapabilang sya. Naiinis na ang mga kaklase pero lagi nyang nireremind ang mga ito ng kanilang house rule no.1 BE NICE.

Minsang pinaguusapan nila sa GC si Zandreaj sabi ni Demi ay kahit naman daw ganun ang babae ay napakaganda nito. Nagcomment naman ng DEVIL ang isa nilang kaklaseng babae na nangigigil kay Zandreaj that moment dahil halos bagsak ang group performance rate nila sa Science dahil hindi nakipagcooperate ang babae.

Eksaktong nagsend ng stolen photo nito si Randev na nakasandal sa kanyang upuan at bahagyang nakatingala, nakapikit at nakahalukipkip at may earphones. Kaya nagreply si Blyther ng PRETTY-LITTLE-DEVIL? Na umagree ang lahat lalo na ang mga babae. Simula noon ay pretty little devil na ang tawag nila kapag pinaguusapan nila si Zandreaj sa GC.

Pero si Dolf the psychologist laging sinasabi sa kanila, let's just wait, she'll be one of us soon. Na hindi nya pinaniwalaan, sa klase ng atittude ni Zandreaj, mukhang wala itong balak ilapit ang sarili sa kahit kanino sa kanila.

Pero mukhang sa kanilang lahat sya ang unang nahulog sa dalaga. O kailangan nyang tanggapin ang totoo na hindi pa man nya nakakaharap ang babae ay nahulog na sya dito. Simula nang makita niya ang picture nito sa GC ay wala na syang ginawa kundi titigan ito. Isinave nya sa kanyang phone and even made it his lock profile. He likes her the first time he saw her angelic face sa picture na un. And was excited to see her in person. Na araw araw ay hinintay nyang matapos ang Christmas vacation para makita nya ang dalaga.

Yesterday's issue nung sinupladuhan nya ito was a defense mechanism. Iba ang hitsura ni Zandreaj sa personal kesa sa picture. Sa personal ay fragile and weak ang tingin nya dito. Parang laging malungkot at kailangan ng masasandalan. Naguguluhan sya sa nararamdaman and he didn't think she deserves his good treatment.

He even hated himself nung nagwalkout si Zandreaj na inis na inis sa kanya. He even realized then he wants Zandreaj to treat him nice. Kaya inis na inis sya noon sa sarili, regreting his actions towards Zandreaj.

This morning he felt extra jealous and hopeless when he saw her na nakaangkas at nakayakap sa driver ng kanyang Nmax, thinking she is committed but then thankful when he found out it was Dreigh, her cousin.

But now he is thankful that things are going well. First thing first, Zandreaj is being friends to the class. 

He wonders why she was crying kanina. She seems so broken to the point of frustration. Gusto nyang yakapin at icomfort ang dalaga right there ng bumungad ito sa kanya sa parking area na tigmak ng luha at parang wala sa sarili ang pagdadrive. Kaya talagang ginawan nya ng paraan na huwag itong makalabas dahil malamang maaksidente ito kung magdadrive sa highway. At hindi nya ito binitiwan habang naglalakad sila papunta dito sa kanyang office sa takot na baka tumakbo ulit ito palayo sa kanya.

Nagagalit sya kung ano man o sino man ang dahilan ng mga luha nito. Broken relationship? Cheating boyfriend? May naiwan kayang relasyon sa dating school nya ang babae? Ano man yun, he doesn't care. He isn't interested to know. What he wants is to protect her. From being hurt. From pain. He will make himself her shield. As long as she is here he'll make sure to be around. He'll make himself her comfort zone. Her place to go whenever she wants to breath. He'll make sure she won't cry again. She'll take care of her. She'll always make her feel she is being loved and cared.

Humugot ng malalim na buntunghininga si Blyther at ngumiti sa sarili. Ubos na ang kape nya. Mainit pa ang tasa pero ubos na ang kape nya. Ayaw nya ng malamig na kape. Gustong gusto nya ito kapag napapaso ang dila nya.

Bahagyang kumislot si Zandreaj. Maya-maya pa ay nagmulat ito ng mata, bahagya pa itong napaigtad na parang nagulat na wala sya sa kwarto nya. Luminga ito sa paligid and came to her senses ng makita si Blyther.

Nahihiyang ngumiti ang dalaga sa lalaki habang kinukusot ang kanyang mata.
"I'm sorry nakaidlip ako."

"Not too long, only 10minutes." Tugon ni Blyther habang tumitingin sa kanyang relo.

Dinampot ni Zandreaj ang tasa ng kape para inumin pero pinigalan sya ni Blyther.

"Igagawa kita ng bago, it cooled down already."

"No, this is just perfect. This is how hot I want my coffee. That's why I automatically woke up after 10minutes." Nakangiting tugon ng dalaga. Pero hindi sya nagbibiro. Pinalalamig tlga nya ng 10 minutes ang kape nya bago nya inumin. Kapag steady na ang liquid sa tasa nya mas ramdam nya sa dila ang lapot ng creamer at nalanghap nya nang lahat ang aroma ng kape.

"So what do you plan? Are you staying here or do you wanna go back sa classroom? 5 minutes nalang second period na."  Tanong ni Blyther habang hinuhugasan ang tasang pinaginuman nya ng kape sa sink.

Hindi agad nakasagot si Zandreaj. Pinapakiramdaman nya ang sarili. Bakit parang ok na sya? ok na kahit hindi na sya makalabas ng campus.

"You can stay here if you want, and I can stay with you if you need me to stay." Nakatingin ng diretso sa kanya si Blyther.















PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now