Chapter 16

41 6 0
                                    

Nakaalis na si Blyther. Pagpasok ni Zandreaj ng sala ay nakaupo sa sofa ang kanyang lola at nagbobrowse sa cellphone nito. Tumabi sya dito at yumakap.

"You are lucky you find that man." Walang anu-ano ay wika ng matanda.

Napatingin dito si Zandreaj.

"Tulog ka ng tulog. He'd waited for you for 5hours."

Napamulagat si Zandreaj.

"He was here kanina pang 12PM. Inaalok ko ngang kumain pero kumain na daw sya bago pumunta dito. He would like to check on you lang daw kasi absent ka. At nagpaalam kung puedi ka daw ba nyang hintayin na magising."

"Bakit hindi nyo sinabi nung pumasok kayo sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong dito ni Zandreaj.

"He'd already waited for 4 hours. Another one hour won't do him any harm I think." Nakangiting sabi ng matanda.

Naintindihan ni Zandreaj ang ibig iparating ng kanyang lola.

"Thank you lola." Humalik pa si Zandreaj sa matanda.

  "I know you know what you are doing Zz, I trust you." Seryosong wika ng matanda.

"Yes, lola. I'll take care of myself. Good night lola."  At pumunta na sa kwarto nya si Zandreaj.

Nakatingin lang ulit sa kisame ang babae. Iniisip ang mga naging usapan nila ni Blyther. Alam nyang mali dahil wala silang closure ni Januz. Sila pa rin hanggang ngayon. At mahal nya pa rin ang lalaki gaya ng dati. Pero kailangan nya si Blyther to keep her sanity. He's her only way out of pains. Yes, he is his safest comfort zone.

Napapitlag si Zandreaj nang tumunog ang notification alert ng kanyang messenger. Alam nyang hindi ito girly girls o si Januz dahil bago sya tuluyang nakatulog kaninang madaling araw ay inilagay nya sa ignore mode ang chatbox ng mga ito. Chineck nya ang kanyang messenger. Si Blyther ang nagchat. Bago ito umuwi ay he made sure na may means of communication na sila kapag nasa bahay si Zandreaj. Pero hindi sila FB friends dahil nakadeactivate ang FB ni Zandreaj.

"Mine?"

Kumabog ang dibdib ni Zandreaj pagkabasa ng chat ni Blyther. Hindi nya napigilan ang mapangiti.

"Yes Vyb?" Reply ng dalaga.

"I'm home.☺️"

"tnx, you're safe.☺️"

"Tutulog ka na?"

"I wish makatulog nga ako ng maaga, maghapon akong natulog kanina😁."

"Don't do it again."

"Do it what?"

"Wag kana aabsent ulit please."

"Why?"

"You'll know kapag ikaw ang pumasok then absent ako🥺."

"🥺🥺🥺 Ok, I won't."

"I miss you na."

"Agad?"

"Why? You don't miss me?"

"🤗🤗🤗"

"You don't?"

"Of course I do."

"Rest ka na. 😘😘😘"

"Ikaw din.😘😘😘"

Nakangiting nakatulog ng maaga si Zandreaj.

Pagtapos makipagchat kay Zandreaj ay nagpalit ng panggym si Blyther. Hindi sya nakapagwork out kaninang umaga dahil napuyat sya sa kakasubok na makausap si Zandreaj. Lumabas sya ng kwarto papuntang minigym sa second floor ng kanilang bahay. Nadatnan nya dun ang kanyang ama na kasalukuyang nagpupull up.

"Hi dad!"

"Hi! What's up?"

"Just okay dad."

"Where have you been this afternoon?"

"I took a shuttle going here kaninang lunch time. Then I drove my CBR to Zandreaj's place. She was sleeping when I came there so I waited."

"For how long did you wait?"

"5 hours." Tumatawang sagot ni Blyther.

"Wow, you really are very patient. hahahhaa!!!"

Nagstretching muna ang binata.

"Meaning, you missed your afternoon classes?"

Apologetic na tumingin si Blyther sa ama.

"I'm sorry dad...It's just that..."

"It's okay. That's what love can do to us."

Napatigil si Blyther sa ginagawa at tumingin sa ama.

"What? You don't know that you love her?" Nakangiting tanong nito.

"Now that you said it, then I'm sure that I love her." Sagot naman ni Blyther at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Well, that's good. Atleast you know your self too well that you can easily determine what it is that you are feeling."

"Anak nyo ako eh."  At kumindat si Blyther sa ama.

"Yeah, kaya you have to be careful in handling yourself with things like that. We are one woman man, so please do not lead to hurting you self at the end."

"I won't dad. Tnx."  Sinserong sagot ni Blyther.

After 30 minutes ay bumalik na si Blyther sa kanyang kwarto. Naligo sya saglit saka nagpalit ng boxer shorts at puting sando. Dinampot muna ang kanyang cellphone bago humiga sa kanyang kama.

Nakangiting tinitigan nya ang bagong lock profile ng kanyang cellphone. Picture nila yun ni Zandreaj sa loob ng KTV nung yakap yakap nya ang babae. Nakapatong ang baba nya sa balikat ng babae at nakasandal nman ito sa dibdib nya at nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang braso. Pareho silang sa monitor ng videoke nakatingin. Payapang payapa at kuntento ang facial expression ni Zandreaj. Walang mababakas na broken hearted ang babae. Napakahusay talaga ni Randev kumuha ng stolen shots.

Inunlock nya ang kanyang phone at binuksan ang album. Punong puno yun ng forwarded pictures ni Zandreaj at Blyther galing kay Randev. Pinili nya ang picture na malayo at nakatalikod si Zandreaj. Naglalakad ito sa hallway magisa. maliit na maliit lang si Zandreaj dahil nakawide ang picture at taken from a far. Halos hindi makilala kung sino sya tlga. Inedit ito ni Blyther at nilagyan ng text sa ibaba na MINE. Then he changed his then blazing soccerball Facebook profile with it.

Right after it was uploaded, his wall was flooded with notifications and reactions. Si Blyther na pinapangarap ng marami ay may lovelife na yata. Marami ang naintriga.  How he wish Zandreaj could see this. Sadly her FB is deactivated. He did not ask why. His only concern is she is hers now. Walang nireply sa more than 500 comments si Blyther sa kanyang profile photo bago sya natulog. Let them think about it.





















PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now