Chapter 12

42 5 0
                                    

6:30 na nang magkasundong maghiwa-hiwalay ang lahat para umuwi na.

Hawak sya sa kamay ni Blyther habang palabas ng food court papunta sa kanyang motor.

"How can I be so sure you'll be home safe?" Kita nya sa mata ng lalaki ang pag-aalala.

"I will be safe." Sagot ni Zandreaj na sya mismo ay hindi tiyak sa kanyang sarili. Ayaw nya pa sanang umuwi. Kung puedi lang na wag na syang kumawala sa mga yakap ni Blyther. yakap nalang sya nito hanggang tuluyan ng mabura sa isip at puso nya ang sakit.

"You're not going anywhere but home right?" Hinawakan sya ni Blyther sa baba at pinatingin sa mga mata nito.

"Yeah."
"Promise?"
"Promise. And thank you." Sinserong pasasalamat ng dalaga sa lalaki.

"I'm sorry I can't drive you home. Dad is waiting for me back at school." I have to leave you here, kay Demi na ako aangkas. Please be safe. I'll see you tomorrow, right?" Hinalikan sya ng mabilis sa labi ni Blyther sabay talikod. Sinundan na lamang ito ng tingin ni Zandreaj hanggang makasakay sa motor ni Demi at makaalis ang dalawa. Lumingon pa si Blyther at kumaway sa kanya.

Pagkaalis ng lalaki ay biglang lungkot na lungkot si Zandreaj. Biglang ang sakit na naman ng puso nya. Para syang nalulunod.  Parang biglang dumilim ang paligid . Gusto nyang magtatakbo ng walang pahinga kung saan man sya dalhin ng kanyang mga paa.

  Ikinompose niya ang kanyang sarili sandali bago sumakay ng motor. Nang mapaandar ang kanyang sasakyan ay hindi niya alam kung saan sya pupunta. Ayaw nyang umuwi. Gusto nya ng kape. Gusto nyang magbilliards. Gusto nya ng ibang lugar at ng ibang hangin. Gusto nyang maging okay. Ayaw nya ng ganitong pakiramdam.

Matagal bago napaarangkada ni Zandreaj ang kanyang motor. Medyo madilim na nang makarating siya sa tulay. Gaya ng dati ay ipinarada nya ang kanyang motor sa gilid ng kalsada at bumaba para umupo at lumanghap ng hangin sa dike. Yakap yakap nya ang kanyang tuhod habang nagsasounds at impit na umiiyak.

Kailangan nyang iiyak ito. Hindi sya magiging okay kung hindi. Ilang minuto na sya sa ganong posisyon nang maramdaman nyang may tumabi sa kanya. Inakbayan sya at hinapit ni Blyther padikit dito. Hawak palang ng binata sa balikat nya ay kilala na nya ito. Humilig ang dalaga sa dibdib ni Blyther. Ganun sila ng ilang minuto.

"You okay now?" Sorry I can't stay long. Dad and my sister are waiting at the car. We have to go, and you have to go home now too." It's getting dark and it's not safe." Tinulungan syang tumayo ni Blyther pagkatayo nito. Nakita nya ang gray na innovang nakapark sa likod ng kanyang Nmax at naghihintay. Naginit ang pisngi ni Zandreaj ng magregister sa isip nya ang sinabi ni Blyther na kasama nito ang ama at kapatid. Ibig sabihin pinapanuod sila ng mga ito habang kinucomfort sya ni Blyther kanina. Umiwas ng tingin si Zandreaj sa innova at tumuloy sa kanyang motor.

"Wait for me."  Pumunta sa innova si Blyther kinausap ang ama saglit tapos bumalik kay Zandreaj.

"Give me the keys, I'll drive."

Napakunot noo si Zandreaj.

"I'll drive for you, dad will follow us."

Napatingin si Zandreaj sa innova at nakita nya ang ama ni Blyther sa driver's seat. Tumango at ngumiti ito sa kanya. Kumaway naman ang babae na nasa backseat at ngiting ngiti sa kanya. Binigay nya ang susi kay Blyther at umangkas sa likuran nito.

"Where is home?" Tanong ni Blyther paglampas nila ng tulay.

"General Luna." Sagot ni Zandreaj. Nakaupong pangbabae sya at nakahawak sa balikat ni Blyther. Gustong gusto nyang ihilig ang pisngi sa likod ng binata at iyakap ang kanyang kamay sa bewang nito pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Nakakahiya sa daddy at kapatid nito na nakasunod sa kanila.

8 minutes and they are home. Nakaabang ang kanyang lola sa gate. Nagaalala dahil mag aalas siete na ng gabi. Pagkababa ng motor ay lumapit agad sya sa kanyang lola at nagmano. sa likod nya si Blyther na nagmano rin. Sinipat ito ng kanyang lola. Ipinakilala niya si Blyther at sinabing nagpahatid siya dahil masakit ang ulo nya at hindi nya kayang magdrive. Lumapit sya sa innova at personal na nagpasalamat sa daddy ni Blyther. No worries ang sagot nito. Ngiting ngiti naman ang nakababatang kapatid ni Blyther. Hiningi ni Blyther ang kanyang phone number bago ito sumakay ng innova. Hinintay nya lang na makaalis ang sasakyan bago sya tuluyang pumasok ng bahay.

Pilyang smile ang sinalubong sa kanya ng kanyang lola pagpasok nya ng sala.

"Proceed to your room and rest. You look so tired. Ang haggard mo. Pahahatidan nalang kita kay Rose ng dinner."

"Busog po ako lola, binigyan ako ni kuya Dreigh ng pangtreat sa mga classmates ko kanina kaya kumain kami sa labas at medyo late nakauwi."

"Oh sige, I will just send you milk then."

Tumuloy na sa kwarto nya si Zandreaj .

Pagpasok nya ay biglang parang pasan na naman nya ang mundo. ibinagsak niya ang sarili sa kama. Dinukot ang cellphone niya sa kanyang bag at swinitch on ito. Saglit syang natigilan, handa na ba sya ulit makita ang mga pictures nina Januz at Jianna?

May chat si Januz. Dali dali nya itong inopen. Picture ni Januz na hawak ang isang malaking trophy. sa baba ay may message na I am the MVP. Pinorward niya sa lalaki ang picture na sinend nina Jolah. The one where they were kissing. Nakita naman agad ito ng lalaki. Nagvivideo chat ito sa kanya. Pero kinancel ni Zandreaj. Natatakot sya sa maririnig sa lalaki. Nagpopped ang chat ng lalaki.

"I did not kiss her, she kissed me. Please answer my call let's talk."

Nagvivideo call ulit si Januz but she cancelled it again. Then she checked the girly girls chat box. Binalikan niya ulit ang mga pictures. Bawat larawan ay humihiwa sa kanyang puso. Nasasaktan siyang masaya si Januz na hindi siya ang katabi. Na iba ang kasama nitong nagsicelebrate sa victory nito na dati ay siya. Ang sakit makita na kaya nang maging masaya ni Januz kahit wala sya sa tabi nito. Dahil ba nandun si Jianna? Napakagat labi si Zandreaj nang makita ang pinakahuling picture. Hawak ni Jianna at Januz ang MVP trophy ng lalaki. Jianna has taken her place. At wala na namang humpay ang daloy ng kanyang luha.  Pinorward lahat ni Zandreaj ang pictures kay Januz. Gusto nyang malaman nito na alam nya ang lahat ng nangyayari dito. Hinintay nyang makita ng lalaki pero inactive na ito. Nakaonline pero not tending his phone. Saan busy ang kanyang boyfriend? O kanino busy? Bumangon si Zandreaj para maghalfbath at magpalit ng pangtulog. Pagbalik niya ay nakapatong na sa side table ang kanyang gatas. Nagbrowse ulit sya ng messenger nya checking kung nagrespond na si Januz pero hindi pa rin nito nasiseen ang mga pictures. She decided to ask the girly girls.

"Please clarify the photos you sent me."

Walang nagsiseen.














PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now