Chapter 24

55 5 0
                                    

Pinapanuod ni Blyther si Zandreaj habang nakaharap sa salamin at iniscrunch with her praying hands ang kanyang copper brown curls. Gandang ganda sya sa kulot nito. Silky ang shiny curls nito na isang dangkal mula sa baywang ang haba. It fits her small face. Kaliligo lang nito at inaayos ang sarili para sa parade.

Napansin nya na nagkalaman ang babae at mas kuminis ang napakaputi nitong balat. Pinkish ang pisngi nito hindi gaya ng dati na maputla. Parang hindi ito galing sa pagkakaospital. Mahusay ang naging recovery program nito. Natural ang makapal nitong kilay na perfect ang hugis at hindi na kailangang ahitin. Malalantik ang pilik sa deep seated nitong mga mata na ngayon ay kumikinang hindi gaya nang dati na parang laging iiyak. Matangos ang maliit nitong ilong at natural na mapula ang mga labi. Walang ano mang make up na ginamit ang babae sa pagaayos kundi pressed powder. Ngayon nya lang napansin na she is wearing their festival shirt with a skinny jeans and nike shoes.

"Where did you get the festival shirt?" nagtatakang tanong ni Blyther.

"Kay Xienlee."

"How?"

"She left this sa guard kahapon before going home after nila magpractice for parade."

"She knows you're coming?"

"uhuh.." Umiwas ng tingin si Zandreaj.

Hindi na nagcomment si Blyther.

"Let's go?" excited na lapit sa kanya ng babae.

Matagal na napatitig si Blyther dito. Malayong malayo na ang aura ni Zandreaj sa dati. Ang dating miserableng dalaga ay punong puno ng buhay ngayon.

He pulled her to him for another hug and she pulled his shirt to kiss him.
"How I wish we could just stay like this for the rest of the day. Kung puedi lang na dito nalang tayo hangga't gusto natin." Pabuntung hiningang sabi ni Blyther.

"Ayoko nga. Xienlee said the STF is the most awaited event every year. Pinilit kong makabalik para maexperience ito."

"Not because of me?"

"Because of you and the STF." Pinitik ni Zandreaj sa tip ng matangos nyang ilong si Blyther. "Let's go have breakfast first, baka magcollapse ako sa parade pag wala akong almusal."

Pinagkaguluhan si Zandreaj ng mga kaklase pagpunta nila ni Blyther sa pila para sa parade. Lahat ay masaya na makitang maayos na at nakabalik na ito.

Ayaw man ay napilitan Si Blyther na iwan sa mga ito si Zandreaj dahil magkakasama silang mga SSGC officers sa parade at may sarili silang uniform. Ayaw na sana niyang pasamahin ang babae dahil baka hindi pa kaya ng katawan nito pero ayaw daw nitong may mamissed sa mga events. Pumayag sya only when she agreed na magpapahinga ito at aalis sa parade kapag pagod na ito.

Mahigpit nyang ibinilin kina demi si Zandreaj at sa iba pa nilang kaklase. Si Xeinlee, Shylah at Keyrin ay nasa unahang pila bilang member ng marching band. Nagkita na sila ng mga ito kanina at ang higpit higpit ng yakap kay Zandreaj ng mga ito. Gandang ganda si Zandreaj sa tatlo sa kanilang marching band uniform.

Successful ang opening program ng STFW. Alas otso ay nakabalik ang parade sa school at natapos ang opening ceremony sa Gymnasium ng alas 10. After ng opening ceremony ay pinayagan na muna ang mga studyante na magpahinga at magprepare para sa iba't ibang events competition na sisimulan mamayang ala una ng hapon.

Pagdating nila ng school after ng parade ay agad chineck ni Blyther si Zandreaj. Okay naman ang dalaga, napagod sa paglalakad pero energetic pa rin ito. Relax na relax kasama ang mga kaklase. For the rest of the opening ceremony ay hindi na sya nabalikan ni Blyther dahil busyng busy na ito sa pagpapadaloy ng programa.

Lunch time na nang muli syang napuntahan nito matapos ihanda ang mga bagay-bagay na gagamitin para sa events ngayong hapon. Pagod ang lalaki pero masigla at kumikislap ang mga mata.

Nakangiting sinalubong ito ng yakap ni Zandreaj pagpasok ng kanilang classroom. Hinalikan naman ito sa ulo ni Blyther. Dun muna sila tumambay nina Xienlee at nagkwentuhan habang hinihintay ang iba pa nilang kasabay kumain sa canteen. Nang makumpleto silang walo ay lumakad na sila para magtanghalian.

Nagkalat ang mga marites sa paligid habang naglalakad sila papuntang canteen at maging sa loob ng canteen. Pero hindi apektado si Zandreaj. Hawak sya sa kamay ni Blyther at wala din itong pakialam sa paligid. Wala itong nakikita at naririnig.

Nasabi na ni Xienlee sa kanya ang mga naging usap-usapan nung maospital sya at habang wala sya. Na sya daw ay nagsuicide. Na inayawan sya ni Blyther. Sinadya nyang uminom ng beer dahil alam nyang allergic sya dito. Na nacoma sya kaya matagal syang nakarecover at nakabalik.

Pagdating sa canteen ay tumuloy muna si Zandreaj sa comfort room. Pagpasok nya ay rinig nyang naguusap ang mga babaeng occupants ng tatlong cubicle. Sumandal si Zandreaj sa lababo para pakinggan ang pinaguusapan ng mga ito.

"Nakabalik na pala ung Zandreaj no."

"Oo mars, buhay pa ang lola mo."

"Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw kung nag suicide nga ba yun o naallergy lang talaga."

"Oo nga, mahigit one month ding nawala. Hindi kaya nag-agas yun mars? Baka buntis kaya nagsuicide?"

"Oy, mukhang hindi naman. Ang ganda nya nga ngayon eh. Nagkalaman mars, mamula mula ang kutis. Baka naman kunwari lang naospital pero nag grand vacation lang talaga ang lola mo."

"Oo nga, mas gumanda sya ngayon. Hindi na rin parang wirdo gaya dati. Bagay na sya kay Pres. hindi gaya noon."

"Kasama sya ni Pres nagbreakfast kanina, nakita ko. Sya nga kaya talaga yung profile picture ni Pres hanggang ngayon?"

Lumabas sa unang cubicle ang isa sa mga marites at bigla itong natahimik pagkakita kay Zandreaj. Sumunod ang isa pang marites at ang patatlong marites. Mga natulala ang mga ito na hindi malaman ang gagawin pagkakita kay Zandreaj. Dali-daling nagsilabas ang mga ito nang hindi naghuhugas ng kamay.

Si Zandreaj ay tumingin sa salamin at napangiti ng maalala ang sinabi ng isa sa mga marites na bagay na sya ngayon kay Blyther.

Pagbalik ni Zandreaj ay naghihintay na si Blyther para makakain sila. Naipagbalat na sya nito ng hipon. Pero umiling si Zandreaj. Pinaiiwas sya ng doctor sa mga food allergens. Miss na miss na nya ang sinigang na hipon.

"Sorry, hindi ko nabanggit sa'yo. Not included na sa diet ko ang crustaceans. For safety."

Naintindihan naman ni Blyther. Bumalik ito sa counter para iorder sya ng ibang pagkain.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now