Chapter 9

53 5 0
                                    

She's feeling okay but she wants to stay in this place more. It makes her feel good. Pero nahihiya naman sya kay Blyther. Parang very private ang lugar na ito para sa lalaki. The room is all about him. Is it a priviledge  for all SSGC (Student Service and Governance Council) Presidents? Napakaganda naman ng room na ito.

"This room was my project last year when I was just a Vice- President. I initiated fundraising drive for the building of SSGC president's office. I was lucky so many took initiative in materializing my project which even helped me came up with this fully furnished room. I was able to raise almost two hundred and fifty thousand with that fundraising. This is almost 1/2of the entire SSGC hall." Nabasa ni Blyther ang iniisip nya.

"Look here!" Lumapit si Blyther sa dingding na covered ng gray curtains na pinasadyang from ceiling to floor ang haba, hinawi nito papunta sa magkabilang gilid ang dalawang kurtina at bumulaga sa kanya ang tinatakpan nito. Behind is a 72 inched samsung smart tv complete with sound bar. Halos naoccupy ng tv screen ang kabuuan ng gitnang dingding kung saan nakalatag paharap dito ang furry carpet at lounging chair mga apat na hakbang lamang ang layo.

Napawow si Zandreaj. Hindi naman nakakagulat ang nakita nya pero impressed sya sa achievement ni Blyther as student leader. Mukhang magaling talaga ang binata.

"This home theater set is a gift from my dad. He was so happy with this achievement of mine so he completed this room with this luxury."

"How generous is your dad. Did you do the interior design?"

"Well, he said, if it is his room he would definitely dream to have this so, this is it. Yes, I did."

Tumango tango si Zandreaj habang nililibot ulit ng tingin ang kabuuan ng ng maliit na kwartong iyon. Impressive bawat detalye ng bawat sulok. Dirty white ang wall paint bordered with black complemented with gray curtains. Man na man ang kabuuang look.

" So are you going back to our classroom or are you gonna stay? It's already time. Pero for sure wala pa dun ang teacher natin for the next subject. Abot pa tayo."

Hindi agad makapagdesisyon si Zandreaj. Hindi nya alam what happened bakit biglang magaan ang pakiramdam nya. Bago sa kanya ito. It usually takes her a day or two bago unti-unting nagiging okay sa mga bagay na nangyayari sa kanya kagaya ng kanina. Pinipilit nya lang ang kanyang sarili na maging okay nun. Pero this time it's different. In just a while she's okay. It hurts but she's okay. Tinapos niyang inumin ang kanyang kape at hinugasan ang tasa sa sink bago ibinalik sa lalagyan.

Dinampot niya ang kanyang backpack na ipinatong niya sa gilid ng lounging chair kanina at humakbang papunta sa pinto. Ngunit naramdan niyang hinila sya sa kamay ni Blyther pabalik dito. Pagpaling nya ay halos dumikit na sa dibdib ng binata ang kanyang mukha. Ang liit nya pag ang lalaking ito ang kanyang katabi. Sa height nyang 5'1 ay mukha syang grade 6 sa height ni Blyther na 5'11 idagdag pa ang well-built nitong physique. Hindi ito mukhang SHS student. Mukha itong PE instructor na nagcocoach ng soccer team.

Napigilan ni Zandreaj ang kanyang hininga ng malanghap ang manly scent ni Blyther. Nagtaasan ang maliit na balahibo sa likod ng kanyang batok. Dahan- dahan syang tumingala para tingnan ang lalaki. Lalo na syang hindi nakahinga ng magtama ang mata nilang dalawa. What is in Blyther's eyes? they're talking to her but she just can't understand what they are saying. Basta hinihigop sya ng mga tingin ng lalaki at hindi nya kayang kumalas sa mga tingin nito. Wala sa sariling tumihin siya at inabot ang collar ng lalaki. Nang mapayuko ito ay wala sa loob na hinalikan niya ito. Hindi niya alam kung bakit, basta nararamdaman niyang iyon ang dapat niyang gawin. Paglapat ng kanilang mga labi ay biglang nagputukan sa kanyang paligid ang maraming fireworks gaya ng naramdaman nya kaninang hinalikan nya ito sa classroom. Unti-unting umaangat sa sahig ang kanyang mga paa at dinadala sya ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. para syang lumulutang sa alapaap at nilipad ng hangin ang lahat ng kanyang isipin at problema. Ang sarap, sobrang sarap. Ang gaan ng kanyang pakiramdam.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now