Chapter 19

54 6 0
                                    

Pagalis ni Blyther ay binuksan ni Zandreaj ang kanyang phone. Chineck kung may wifi signal. Malapit lang ang canteen kaya abot ang signal sa office ni Blyther. Inopen nya ang spam messages dahil inignore nya ang girly girls at si Januz. Una nyang binuksan ang girly girls chatbox. walang messages maliban sa isang picture na sinend ni Jollah nung isang gabi na nagVC ito sa kanya at napanuod nya ng live sa dance floor sina Januz at Jianna. Ang picture ay kuha din nung nagsasayaw sila sa video, pero they are intimately kissing. Pinorward nya ito kay januz bago blinock ang girly girls. May reply si Januz sa mga naunang pictures na pinorward nya sa lalaki nung isang gabi.

"What ever you think about it, then it is. She's all I got when you left me. I was miserable without you, she picked me up."

Tumulo na naman ang luha ni Zandreaj. Pero naalala nya ang sabi ni Blyther A man who breaks a woman's heart is no gentleman. No excuses.

Yes it was her fault why she was sent here, but if he truly loves her he won't cheat on her. Blinock ni Zandreaj si Januz.

Wala nang Januz, sinukuan na rin sya ni Blyther. Wala na syang matakbuhan. Namissed nya bigla ang kanyang daddy. Ang mga yakap nito kapag kailangan nya ng comfort. Lalong sumigid ang sakit na nararamdaman ni Zandreaj ng maisip ang ama. Nagiisa na naman sya. Bakit lagi syang walang masulingan? Bakit lagi syang sinusukuan ng mga tao sa paligid nya? May mali ba sa mga ginagawa nya? Miserableng miserable ang pakiramdam ng dalaga, idagdag pa ang lyrics ng Someone Like You ni Adele na kasalukuyang nakaplay sa playlist ni Blyther.

Tumayo si Zandreaj. Lumapit sa mini ref at napangiti ng makita ang mga bote ng beer. Nagbukas sya ng tatlong bote at ininom ng straight na magkakasunod. Hindi nya ininda ang pait ng lasa, may mas papait pa ba sa nararamdaman nya? Pero bakit masakit pa rin? kumuha ulit sya ng isa pa, binuksan at nilagok ulit ng dirediretso. Sa dami ng nainom ay nakaramdam ng ihiin si Zandreaj. Pumasok sya sa cr at umihi. Naiflash nya pa ang bowl bago umikot ang kanyang paningin, napaupo sya sa sahig at napasandal sa pinto bago tuluyang nakatulog.

Last period na ay hindi pa rin bumabalik sa classroom si Zandreaj. Panay ang tingin ni Blyther sa bintana pero hindi nya natatanaw ang babae sa ground mula pa kanina. Hindi sya mapakali pero alam nyang hindi makakalabas ng campus ang babae dahil wala itong motor. Baka nagpapahinga lang sa office nya si Zandreaj. Pero kinakabahan si Blyther, hindi nya alam kung bakit. Nagexcuse sya sa subject teacher nya na lalabas saglit. Halos takbuhin nya ang papunta ng kanyang office. Pagpasok nya ng pinto ay wala si Zandreaj pero nakita nya ang apat na bote ng beer na nakakalat sa sahig. Tumakbo sya sa cr, pero bahagya na nyang naitulak ang pinto dahil nakasandal si zandreaj. Dahan dahan ang ginawa nyang pagbukas hanggang maisingit nya ang kanyang malaking katawan at makapasok sa loob. Tinapik nya sa pisngi ang dalaga para gisingin pero hindi ito nagreresponse. Napansin ni Blyther na hirap itong huminga at mapulang mapula ang mukha na parang namamaga. Pagcheck nya sa katawan ng babae ay puno ng rashes at hives ang mga braso at binti nito. Dali-daling binuhat ni Blyther si Zandreaj palabas ng cr. Hindi nya maintindihan kung anong gagawin sa dalaga, takot na takot ang binata. Dinukot nya ang kanyang cellphone sa bulsa at tumawag sa ama. Paghello palang ni Brandon ay nagsalita na agad ang binata.

"Dad I need your help! dito sa office ko! bring the car! si Zandreaj I think... she's into allergy attack..no it's more like anaphylaxis! dad bilisan mo please!!!..."

In two minutes ay dumating si Mr. del Sol, palabas na ng SSGC Hall si Blyther buhat si Zandreaj. Dali-dali nilang isinakay sa kotse ang babae at agad-agad naman nagmaniobra si Brandon at pinaharurot ang sasakyan papuntang ospital.

Habang daan ay panay ang pisil ni Blyther sa kamay ni Zandreaj. Pahirap ng pahirap ang paghinga ng dalaga na para itong hinihika. Nanginginig sa takot si Blyther. Tumatawag naman sa ospital si Brandon to inform the case para ready na ang first aide pagdating nila.

"Mine please be okay. I'm sorry, i'm sorry...please I didn't mean them. Please hold on please..."

Nadudurog ang puso ni Mr. del Sol habang naririnig ang anak. Ganito din ba kahopeless ang naranasan ni Blyther while his mom was dying on his lap?

Habang palapit ng palapit ang ospital ay pabilis ng pabilis ang paghabol ni Zandreaj ng kanyang hininga, umuungol din ang dalaga.

Umiiyak na si Blyther sa takot para sa dalaga.

"Mine please...don't leave me, pleasee....don't die on me please... mommyyyyyy......Impit na iyak ng lalaki.

Tumulo ang luha ni Brandon ng marinig na tinawag ni Blyther ang kanyang ina. Ngayon lang ulit nabigkas ni Blyther ang salitang yun mula nang mamatay ang mommy nya sa kanyang kandungan. Nakabalik na ang kanyang anak mula sa kahapon.

Sa wakas nasa ospital na sila. Sinalubong sila ng stretcher at attendants. Agad agad nilapatan ng lunas si Zandreaj. Ipinasok ng ICU. Naiwan si Blyther na nakatulala at nanginginig habang nakaupo sa waiting area. Tinabihan ito ni Brandon at tinapik tapik sa balikat.

"I should have never left her there."

" Tell me what happened?"

"We just had a little misunderstanding, I left her in my office and attended my class. I thought she's gonna come right after me. But she didn't and I felt something was wrong so I ran to my office to check on her. I never thought she was that miserable to even think of killing herself with those beers. She drunk four bottles."

"Stop worrying and fix your self. She'll be okay. The Lord is not unfair to take Zandreaj from you too."

May lumapit na nurse at tinatanong kung sino ang immediate family ni Zandreaj. Sinabi nilang wala pa silang nakokontak pero gawin ang dapat gawin sa dalaga at sila ang bahala sa financial obligations. Hindi pueding kontakin ng binata ang lola nito baka mabigla.

Tinawagan niya si Xienlee para mahingi ang contact number ni Driegh. Mabuti naman at agad nyang nakontak ang lalaki. Kasalukuyan itong nasa kalsada pauwi ng General Luna galing sa kabilang bayan. After 25 minutes ay bumungad sa entrance ng ospital ang binata. Nagmamadali ito at kitang kita sa mukha ang pag-aalala para sa pinsan. Agad itong lumapit kay Blyther pagkakita dito.

"What happened? Where is Zz?"

"Anaphylaxis, beer."

"What?! Saan sya uminom? Bakit?"

"In my office...She..

Hindi naituloy ni Blyther ang sasabihin dahil kwinelyuhan sya ni Dreigh. Nahawakan naman agad ni Brandon ang lalaki at nailayo sa anak.

"I told you to take care of her! Nagkamali ba ako nang judgment na mahal mo ang pinsan ko?  I didn't mean na turuan mo syang uminom when I told you to make her happy!"

Nagulat si Blyther. Ganun ba kaobvious ang feelings nya sa dalaga na pati ang pinsan nito ay nakahalata? kaya pala sa kanya ito nakatingin nung sinabi sa kanila na sila na ang bahala sa pinsan nito.

"It wasn't his fault. Zandreaj drunk all by herself. She took 4 bottles of beer. Paliwanag ni Brandon.

"Why? She hasn't even tasted a drop of alcohol in her entire life! How could she take 4 bottles the first time she tasted beer?!" Naguguluhang tanong ni Dreigh.

Nagulat si Blyther sa narinig. All this time he was thinking Zandreaj intentionally drunk herself to death. Akala nya ay sadyang alam ng dalaga na may allergy ito sa beer at sinadya nitong uminom ng marami para magsuicide. So hindi alam ng dalaga na may allergy sya sa alcohol. It was a mistake! Muntik na itong mamatay just because of a mistake! Jesus!

Lumayo sandali si Dreigh para tawagan ang parents ni Zandreaj. Saglit lang itong nakipagusap sa mga ito. Mag-aalas sais na kailangan na nyang umuwi sa General Luna para masabihan ang kanyang lola. Magaalala ito kapag gabi na ay wala pa si Zandreaj. Lumapit sya kay Blyther para ibilin ang pinsan.

"I know you care for her, I saw it in you the way you look at her. Please take care of her. Call me up kapag may may lumabas ng doctor. Balitaan mo ako agad-agad. I have to go home, mag-aalala si lola kapag hindi pa nakauwi si Zz, pagabi na. Her parents are coming. By 1 am baka nandito na sila."

Tumango lang si Blyther. Sising -sisi sya na iniwan nya si Zandreaj sa kanyang opisina. But he worry less now. Naniniwala sya sa sinabi ng daddy nya na hindi unfair si Lord. Kinuha na nito ang mommy nya, hindi na si Zandreaj. Zandreaj is his.


























PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now