Chapter 6

54 9 0
                                    

Gaya ng dati nakaupo si Zandreaj sa kanyang armchair habang nakapikit at nagsasounds. 15 minutes na ang lumipas mula ng magbell para sa kanilang first period sa hapon pero hindi dumating ang kanilang subject teacher. Bad mood na ulit ang dalaga.

Kanina habang kumakain sila ay sunod-sunod na pumasok ang chat ng girly girls sa kanilang GC after nyang magconnect sa wifi ng canteen. May mga pictures na namang sinend si Jollah. Si Januz na pawisan sa courtside habang pinupunasan ng pawis ni Jianna sa leeg at iba't iba pang captured sweet moments nila sa court na para silang magboyfriend.

Ang dating papel nya ay ginagampanan na ni Jianna. Parang piniga ang kanyang puso. Hindi sya nagreply dahil nagkataong masayang naguusap ang lahat ng kaharap nya sa mesa. Pero nawalan na sya ng ganang kumain kahit pa totoong masarap nga ang sinigang na hipon. Tinanong tuloy sya ni Blyther kung hindi daw ba approve sa kanya ang timpla dahil parang hindi daw nya nagustuhan. Ngumiti lang sya dahil wala syang maisip isagot. Busy ang utak nya sa kanyang pusong nasasaktan.

Ngayon ay hindi niya maintindihan kung papaano niyang ihahandle ang narararamdaman, nagagalit sya kay Jianna, at nasasaktan sya sa isiping baka nakalimutan na sya ni Januz. Baka si Jianna na ang mahal ng lalaki. Baka nagtagumpay na si Jianna na maagaw sa kanya si Januz habang wala sya. Baka kinalimutan na rin sya ng kanyang mga kaibigan at pinabayaan na si Januz sa mga kamay ni Jianna. Baka pati friends nya ay ipinalit na rin sa kanya si Jianna. Andami nyang baka. Hindi namamalayan ni Zandreaj na dumadaloy na ang luha sa kanyang mga pisngi.

Napaigtad sa pagkakaupo si Zandreaj ng maramdamang may dumampi sa kanyang mukha. Napasinghap siya ng makita sa harap nya si Blyther tangan ang panyong ipinahid sa kanyang luha. Naihilamos ng dalaga ang kanyang mga kamay ng marealize na umiiyak pala sya. Pero ng maisip na may nakakita sa kanya ay nataranta siya. Hindi maari. Hindi siya ang tipo na nakikitang umiiyak ng kung sino-sino sa kung saan-saan lalo na at si Blyther pa. Tumigas ang mukha ni Zandreaj at pilit inayos ang sarili, kinuha ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng room.

"Z!" Narinig niyang tawag ni Xienlee. Pero walang lingon-likod na tuloy tuloy siyang lumabas. Naiwang nakatayo si Blyther na hinahabol siya ng tingin habang ibinubulsa ang panyong ipinahid sa kanyang pisngi.

Tuloy-tuloy ang dalaga sa kanyang motor. Malawak ang Don High, maraming relaxing area na pueding tambayan pero ni isa sa mga ito ay wala pang nakikita si Zandreaj at hindi siya aware dahil never pa syang nagikot sa campus mula ng siya ay dumating. Tanging classroom at gate lang lagi ang destination nya dati tuwing papasok.

Sumakay si Zandreaj sa kanyang motor. Mabuti nalang at iniwan ito ni Dreigh kanina. Inihatid sa kanya ng guard ang susi during her last period in the morning. Dreigh went off with his friend in a car daw.

Eto na naman sya sa pakiramdam na gustong lumayo. Tuwing naguguluhan at nasasaktan ang unang bagay na gusto nyang gawin ay lumayo. Umalis sa lugar kung saan nya naramdaman ang complicated feelings sa sarili nya. Dahil feeling nya hindi sya magiging okay kung hindi mababago ang kanyang paligid at hanging kanyang nalalanghap.

Nagulat si Zandreaj nang paglabas nya ng parking area papuntang gate ay nabungaran nyang nakatayo si Blyther at tila naghihintay sa kanya. nakaharang ito sa kanyang dadaanan. Agad syang tumigil at mabilis na pinunasan ang mukha nya na tigmak ng hindi maampat ampat nyang luha.

"I'm sorry sa ginawa ko kanina, pasensya na kung hindi mo nagustuhan." Nagmamadaling wika ng lalaki na nakaharang sa dadaanan nya. Inakala nito na ikinagalit niya ang pagpapahid nito ng kanyang luha.

Natigilan si Zandreaj at hindi alam ang sasabihin.

"I promise I won't do that again, please balik ka na sa room." May pagsusumamo ang tono ni Blyther.

"No...I..." Magpapaliwanag sana si Zandreaj pero naalalang walang alam tungkol sa kanya ang mga kaklase. At wala syang balak ipaalam sa mga ito ano man ang pinagdadaanan nya. Pero sa mga pagkakataong ito ay gusto nyang umalis, tumambay sa lugar kung saan malayo sa classroom nya.

"I'm sorry but I have to go. It's not about what you did kanina." Sinubukan nya pa ring magpaliwanag sa kagustuhang makaalis na sa lugar na yun. Pero hindi umaalis si Blyther sa harapan ng kanyang Nmax. Kaya sinubukan niyang ipaleng ang manibela sa kanan para makadaan. Pero sa halip umiwas at magbigay daan ay hinawakan ni Blyther ang kaliwang manibela nya dahilan para masalikop nito ang kamay nya na nakahawak sa manibela. Sabay silang napatingin doon.

"Please," Pakiusap ni Blyther, isusumpa ako ng mga kaklase natin kapag hinayaan kitang umalis." Sahalip na bitawan ang kanyang kamay ay lalo pang humigpit ang kapit nito.

"You don't understand,..I have to go." Frustrated na ang tono at itsura ni Zandreaj.

"Look, I don't know why you're crying, but I won't let you drive like that. Besides I don't think the guard will allow you to go out. Hindi pa uwian. Bawal lumabas ang mga estudyante hangga't hindi uwian, unless may passes ka from our adviser. Hindi pa rin binibitawan ni Blyther ang kanyang kamay na nakahawak sa kaliwang manibela.

Bumagsak ang balikat ni Zandreaj nang marealize na malabo nga syang makalabas, maliban sa wala syang passes ay mukhang determinado si Blyther na wag syang paalisin sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay nya na nasasaktan na sya. Hindi niya naitago na mapangiwi dahil parang hindi napapansin ng lalaki na naiipit na ang kamay nya at nasasaktan na sya. Dali- dali naman syang binitiwan ni Blyther ng makita ang kanyang reaksyon.

"Please, let's go back there." You have nowhere to go for now, what ever it is that bothers you, wala man kaming maitulong o ano man, atleast just let us be around you and make you forget things while you can't go out yet." Hindi sumusuko sa pagkumbinsi sa kanya si Blyther.

Umiling si Zandreaj na hindi maitago ang frustration na nararamdaman na walang gustong gawin kundi ang makalayo sa lugar na yun agad-agad.  Napatingala si Zandreaj.
"I can't, I just can't go back there,..... I have to breath.." wika ng dalaga kasabay ng malalim na buntunghininga. Nasusufocate lalo ang pakiramdam nya sa presensya ni Blyther, itong masungit na biglang ang bait sa kanya.

Matagal siyang tinitigan ni Blyther bago muling nagsalita.

"Ok, I understand you really wanna go, but as I've said, it's impossible. Ganito na lang, come with me. I'll bring you in a place where you can be alone and breath for a while. Bigla itong umangkas sa kanya at inagaw ang manibela sabay paarangkada sa motor pabalik sa pinagkunan nya kanina. Inistand nito ang Nmax, hinugot ang susi at ibinulsa at inalalayan ang natulalang si Zandreaj na nanigas sa pagkakaupo nya habang nakakiskis ang sentido nya sa pisngi ni Blyther at halos yakap yakap siya nito habang nagdadrive kanina. It was almost just 30seconds but it felt like a long time. She even felt he smelled her hair. Napahawak sa buhok nya si Zandreaj pagkababa ng kanyang motor at napasunod nalang kay Blyther na hila-hila sya sa kamay.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now