Special Chapter

5.4K 188 18
                                    

A/N: Dahil mahal ko kayo kaya heto ang special chapter para sa lahat. Sana may sumupport sakin kapag nag selfpublish ako thank you!

Reign

Ilang buwan na ang nakakaraan simula ng maisilang ko ang kambal namin ni rowan at simula ng umuwi ako ng bahay ay hindi na natahimik pa ang bahay namin.

Iyak dito at iyak doon, palit ng diaper dito palit ng diaper doon, basta kapag nagising ang isa siguradong damay ang isa.

Kaya magdamag kaming gising ni rowan para lang mabantayan sila. Hindi narin siya nakakapasok ng maaga sa trabaho dahil sa pag-aalaga samin.

Hands on parin siya sa pag-aalaga sakin kahit hindi nako buntis. I felt so lucky dahil hanggang ngayon ipinaparamdam niya parin na buntis man ako o hindi ay dapat niya akong alagaan.

Nakakabless lang dahil ginagampanan niya talaga ang pagaging asawa hindi katulad ng ibang tao na pagkatapos manganak ng asawa nila ay maghahanap na ng iba dahil nagbago na ang katawan nito.

Bakit ganon pagkatapos niyong makuha ang gusto niyo sa isang tao  ay basta basta niyo nalang sila iiwan o dikaya ipaparamdam sakanila na nagsasawa na kayo dahil hindi na sila kagaya noong una niyo silang nakilala.

Nakakaturn off ang mga taong may ganong mindset. Kahit ayaw mo silang i-judge ay majjudge mo sila dahil narin sa ipinapakita nila na nakakasakit na mismo sa sarili nilang partner.

Kaya guys tandaan niyo kapag nagmahal kayo ng babae mahalin niyo lang sila ng mahalin wag niyong iparamdam sakanila na hindi na sila kaaya-aya sainyong paningin. Iparamdam niyo na karapat dapat lamang silang mahalin at ituring na reyna.

"Aalis kana?"  Tumango naman ito.

"Nagbaon nako baby kaya wag ka ng mag-alala sakin uuwi rin ako kaagad pagkatapos ng duty ko si Ate Lisa na muna ang bahala sainyo ng mga bata" nalulungkot ako kapag umaalis siya pero anong magagawa ko hindi ko naman siya maaring pigilan dahil yon ang tungkulin niya.

Ngunit kapag lalabas siya ng bahay namin ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala, mag isip na baka may mangyari sakanya.

Mapanganib ang serbisyong pinangakuan niya ng katapatan kaya heto ako sinanay narin ang sarili sa mga bagay na maaring mangyari.

Kaya para sa lahat ng mag mamahal ng pulis ihanda niyo na ang puso niyo sa mga mangyayari.

Ihanda niyo ang sarili niyo na maghintay sa gabi para lang masiguradong nakauwi ang mahal niyo ng ligtas.

At ihanda niyo narin ang sarili niyo sa sakit kung sakalimang may hindi inaasahan na mangyayari.

Iba iba ang mga serbisyo na maaring tumatawag sa bawat tao at lahat ng yon ay may kaakibat na responsibilidad kaya saludo ako sa mga taong nagbubuwis ng buhay para lamang magampanan ang kanilang tungkulin.

Nawa'y maging ligtas ang bawat isa at walang karahasang mangyari sakanila.

At sana ganon din si Rowan, makabalik sana siya ng ligtas samin dahil marami na kaming naghihintay sakanya.

Bago siya tuluyang magpaalam niya hinalikan niya muna ang mga bata na kasalukuyang natutulag sakanilang crib.

Hinalikan niya rin ako sa noo bago tuluyang lumabas ng bahay.

Naiwan akong mag isa sa mesa kaya naisipan kong tawagin si Ate Lisa upang sumabay sakin

"Kain lang ng kain Ate Lisa ha, handa yan ng maam mo" alam kong madalas hindi sila magkasundo ni rowan.

Kaya madalas korin silang asarin na dalawa at kung makikita niyo lang ang mukha ni rowan talagang problemadong tao ang makikita niyo.

Sumasakit daw kasi ang ulo niya sa pakikipag usap kay Ate Lisa basta ang sabi niya lang napakahirap lebelan ng utak nito.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon