ADKBG 15

7.2K 274 33
                                    

Reign

Nakamasid lang ako kay rowan habang busy siya sa pag eexercise niya.

Andito ako muli sa veranda. Hindi ko naman planong tignan siya kagaya noon aksidente lang talaga na saktong paglabas ko ay nasa labas din siya ginagawa ang mga nakahiligan niyang routine.

Pero aaminin ko kahit may tampo at inis ako sakanya dahil wala talaga siyang ginawa para magkaayos kami ay nandito parin ako tumitingin sakanya at pinapanood ang bawat galaw niya.

Ganito na yata talaga kalala ang tama ko na kahit tinamaan niya na ang puso ko at nagkalamat na ito hindi ko parin magawang ilayo ang pagtingin ko sa iba.

Hindi naman ako dating ganto sakanya lang talaga at ang malala pa wala namang kami kaya wala akong karapatang manumbat na nasasaktan nako.

Pwde ko namang ibuntong sa iba ang nararamdaman ko pero hindi ko talaga magawa,dahil ang hinahanap ng puso ko siya lang talaga.

Oo kabaliwan na nga tong nararamdaman ko, dahil masyado kong pinapaikot ang mundo ko sakanya kahit na lantaran na niya akong pinagtutulakan palayo.

Pero ano bang magagawa ko?kahit naman sabihin ko sa sarili ko na tigilan ko na tong kahibangan nato kung ayaw naman ng puso at isip ko may magagawa paba ako?

Ang isip ang nagpapagalaw sa tao maging ang puso ay kasama naron kaya kung ano ang pinagkasunduan nilang dalawa doon at doon ako papunta.

Ang ganda naman kasi talaga ng bwisit nato kaya kahit ganyan ang ugali niya paulit ulit ko paring sasabihin na totoo ang nararamdaman ko sakanya.

Naramdaman niya yatang may nakatingin sakanya kaya mabilis siyang sumulyap sa kinalalagyan ko, mabuti nalang at napayuko ako kung hindi baka nabisto niyang tinitignan ko siya at pinagnanasahan.

Well not exactly nasa pero may part nga ng utak ko na pinupuri siya kumbaga inaappreciate ang bigay ng dyos sakanya.

Hindi naman ganon kalakihan ang boobs niya pero alam na alam mong meron siya.

Mabilis akong gumapang papasok ng kwarto ko. Mahirap na at baka malaman niyang ako ang nagmamasid sakanya.

Dumiretso ako sa banyo at naligo.

Naabutan ko si yaya na naghahanda ng agahan. Umupo ako sa upuan ko at tinanaw ang ginagawa niya.

"Yaya nasan si dad?"

"Naku! Maam kanina pa po umalis nagmamadali nga po eh" sabay hapag niya ng fried rice.

Awe shizz ang sarap talaga ng amoy nito.

"Wala ba siyang sinabi kung saan siya pupunta?"

"Naku maam wala po" napatango nalang ako. Mukang ako nanaman mag isa ang kakain.

Hindi nga pala ako nag-iisa muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala ang body guard ko sa bahay.

Umupo ang bagong dating nasi rowan na ngayon ay nakaputing polo shirt lang at pantalon na kupas.

Saan naman kaya ang punta nito?porket sunday lalayas nanaman siya hmp! makikipag date nanaman siguro to.

Ibang klase talaga ako na nga itong nasa harapan niya sa iba parin siya nakatingin. Napaka unfair niya hindi ba?agree ba kayo?thumbs up nga.

Tumulyap siya sakin pero inirapan ko lang siya.

May tampo parin ako sakanya kaya karapatan kong mag inarte. Ah basta bahala siya sa buhay niya kung san siya pupunta basta ako may date din! Para same same nalang kaming dalawa.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon