ADKBG 51

2.5K 98 1
                                    

Rowan

Nakangiti akong pumasok sa bahay ng taong mahal ko dala ang isang bugkos ng bulaklak na ako pa mismo ang pumitas.

Seryoso talaga ako sa sinabi ko. Ako ang pumitas nito sa Hardin ng Cell flower dito matatagpuan ang ibat ibang uri ng bulaklak na buong pawis na inaalagaan ng owner nito.

Nagpakahirap pako na kausapin ang may ari para lang pagbigyan niyakong pumitas sa mga tanim niya. Tinayo niya yon para sa mga taong gustong maexperience ang ganda ng mga bulaklak bago ito pitasin at dalhin sa mga pamilihan.

Iba parin talaga ang bulaklak kapag nakikita mo ito ng masigla at namumukadkad pa anyway andito na pala siya

"Good morning^_^" mukang gulat na gulat siya ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang taray naman nito mabuti nalang at good mood ako ngayon.

"Bago ko sagutin ang tanong mo flowers for you^_^" napakunot siya ng noo.

"Alam mo hindi ako mahilig sa bulaklak pero hindi ako nagtataka kung bakit mo ko binibigyan niyan, halata naman kasi na mukha talaga akong dyosa na inaalayan ng magagandang bulaklak" bahagya akong natawa kaya matalim na tingin ang ibinigay niya sakin.

"Ehem..tama ka dyosa ka nga" nakalahad parin ang bulaklak na ibinibigay ko sakanya akala ko di niya kukunin pero kukuhanin din pala.

"Pinahirapan pako"

"Anong sabi mo?"

"Wala, wala akong sinabi no^_^" inirapan niya lang ako at tumungo na sa may dining.

Umupo ako sa tabi niya at dumating naman si Mr.Feliciano akala ko siya lang pero may asungot pala sa likuran niya.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at tumingin sakin ng seryoso. Alam kong pareho lang ang nararamdaman namin sa mga oras nato, kahit ako ayaw kong nandirito siya.

"Kumain na tayo" pinagsilbihan ko si reign kagaya ng ginagawa ko noon sakanya namiss ko narin to pero mas namiss ko siya.

"Hindi mo kailangang gawin yan dahil may mga kamay naman ako tss"

"Sorry pero gusto ko eh^_-" isang irap nanaman nataggap ko. Ang sungit pssh.

"Ano nga palang sadya mo rito iha?" Muntik pakong maubo sa pagtawag niya sakin ng iha.

"Mr.Feliciano don't be too formal parang hindi naman tayo magkakilala"

"Dad kilala mo ang bwisit nato?" Ouch bwisit daw

"Reign anak siya si rowan ang dati imean siya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao, tauhan siya ni general kagaya ni river" tumingin siya sakin at ngumiti lang ako.

Masyadong maganda ang view kaya dapat nating iappreciate

"So pulis karin pala" tumango ako. "Mabuti nalang at tinanggap ka akala ko kasi budol budol gang ka" rinig ko ang mahinang tawa ni river.

Tumawa kalang pasasaan pa at mapapalayas rin kita dito tss.

Humarap ako sakanya at sinigurado kong suot ko ang malaki ngunit mapang-asar na ngiti sa mukha ko.

"Alam mo kasi sa panahon ngayon hindi mo na alam ang totoo sa hindi, may mga taong disente kung manamit pero sila pa pala ang gumagawa ng mali, may mga tao naman na hindi kagandahan kung manamit pero magandahan naman ang mukha, kagaya ko maganda na mapagmahal pa kaya mag-ingat ka baka isang pulis na gaya ko ang humuli sayo at hindi na pakawalan pa^_-" diniinan ko talaga ang salitang disente sabay tingin kay river para lang alam niya kung sino ang original dito pero ang cheesy ko don f*ck!

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon