ADKBG 8

8.1K 323 17
                                    

Reign

Pagmulat palang ng mga mata ko isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

Sobrang weird pero may part na parang normal nalang sakin ang lahat.

Nag babangayan kami, nag-uusap na parang wala lang. Ewan ang gulo ng mundo para saming dalawa.

Tinatanong ko siya kung ganon ba talaga siya sa lahat na palaging cold at walang emosyong pinapakita.

Ang sabi niya oo basta depende kung may kwenta ang kausap niya.

Like duhh ano ako walang kwentang kausap kaya hindi niya mailabas ang emosyon ng mukha niya.

Nakakagigil at the same time nakakakilig din lalu na kapag may lakad kami na kaming dalawa lang.

Humingi ako ng chance sakanya na baka pwdeng ayusin namin ang hindi namin pagkakaintindihan at ang sabi niya lang 'Okay'

Sinong hindi manggigigil sa salitang okay?! Kung pwde lang talagang sipain palabas ng bahay ang babaeng yon matagal ko ng ginawa.

Pagkatapos kong makapag ayos bumaba narin ako naabutan ko si dad kasama ang dyoso kong body guard na kumakain.

"Hello anak kain na" humalik ako sa pisngi ni dad bago umupo.

Nakita ko pa ang pag aangat ng tingin niya sakin pero inisnoban ko lang siya kaya nagkaron ng pagtataka sa mukha niya.

Maagang umalis si dad pagkatapos naming kumain.

Sangayon ako naman ang aalis at syempre kasama ko nanaman siya para na nga kaming mag girlfriend kung titignan dahil kung nasan ang isa nakasunod ang isa.

Pero parang malabo ang nasa isip ko dahil una may boyfriend ako pangalawa naiinis parin ako sakanya kahit nasa good terms na kami pangatlo kailangan ko pang siguraduhin kung totoo na nga ba tong nararamdaman ko sakanya at hindi basta basta infatuation lang.

Mabilis akong bumaba ng makarating na kami sa violagaza dito kami magkikita kita ng barkada dahil namiss na daw nilang kumain kaming tatlo ng magkakasama.

"Hey girl" bati ni avril sabay beso sakin.

"Am I late?" Umiling siya napansin kong wala pa si zian kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"Hindi kapa late dahil may mas late pa sayo hindi ko alam kung nasan na ang gagang yon pero ang sabi niya papunta nadaw siya" i nod my head at tumawag na ng waiter.

Fries and burger combo lang naman ang order ko dahil kakatapos ko lang ding kumain.

"Teka hindi naba natin siya hihintayin?"

"Nag order lang ako para habang naghihintay tayo may nakakain naman tayo" madali akong mainip kaya dapat palagi akong may pinagkakaabalahan.

"Pakibigay nalang sa kabilang table yung isa" tumango ang waiter at iniabot ang ipinapabigay ko sa dyosa kong body guard.

Nagtataka pa siya sa umpisa pero ng makita niya ang pagtango ko ay tumango nalang din ito at ngumiti.

"Para san yung ngiting yon ha?ayiee close naba kayo?"sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Ano kaba wag kang masyadong tsismosa baka marinig ka"

"Haha sus kailan pa nahiya ang isa reign felicano ha"

"Simula ng mapansin ko na mas pangit ka pala sa malapitan" napapout naman siya sa sinabi ko.

Sign of expression kolang naman yon. Sadyang ayaw ko lang kapag napapansin ng iba ang pagbabago sakin.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon