ADKBG 52

2.5K 103 2
                                    

Reign

Ngayon ang araw na aalis ako para mag bakasyon sa rest house namin sa batanes.

Kasama ko ang dalawa na nasa back seat habang ako naman nasa pasenger seat at ano pa nga ba?. Well talagang sumama ang rowan nato sakin.

Pwersahan kong sinama ang dalawa dahil ayokong makasama ang rowan nato ng solo pakiramdam ko kasi may masamang bagay siyang gagawin sakin.

Sa laking babae niya ba naman nayan sinong hindi mangangailangan ng back up.

"Matulog ka muna malayo pa tayo don baka mapagod ka agad pagdating natin" ngiting sulyap niya

Nakakaalibadbaran talaga ang mga ngiti niyang yan ang sarap lang burahin sa mundo😡

"No thanks kaya ko ang sarili ko" iiling iling naman siya.

"Okay sabi mo eh"

Kinuha ko nalang ang head set ko at inilagay ito sa tenga ko.

Ayoko ng marinig ang kung ano mang sasabihin niya dahil lalu lang akong nawawala sa mood.

Bakit ba kasi hinayaan siya ni dad na sumama sakin?kaya nga ako magbabakasyon para mag enjoy pero ng sinudgest ni dad na sasama siya parang pinagsakluban ng dagat ang lupa

"Hmm.ano ba bwisit naman!" Layo ko sa kamay niya tumatapik sa pisngi ko.

Kita ng natutulog yung tao eh bastos lang

"Ang akala ko ba kaya mo ang sarili mo"

O_o

Mabilis akong napamulat ng maramdaman ko ang mainit na hininga ng kung sino sa tenga ko.

Tinulak ko siya palayo at inayos ang sarili ko tatawa tawa naman siyang nakatingin sakin.

"Ikaw wala kang karapatang lumapit sakin!"

"Ano nanaman bang ginawa ko sayo?" Maang-maangan pa ang gaga

Tinignan ko ang mga kaibigan ko sa likod pero wala na ang mga ito.

Mga walangyang yon hindi manlang ako ginising. Humanda talaga sila sakin

Lumabas nako ng kotse dala ang malait kong bag dahil may mga gamit naman ako dito sa rest house

Lumapit ako kung saan siya nakatayo at dinuro duro siya.

"Tandaan mo wala kang karapatang lumapit sakin! Kapag ginawa mo pa yon uhm..ano nga ba? Ah basta malalagot ka sakin!"

Pagbabanta ba yon-_-

"Haha okay okay susubukan kong huwag kang lapitan" taas kamay niyang hayag.

"Wag mong subukan gawin mo!"

Umarte siyang nag-iisip sabay iling.

"Nah iniisip ko palang hindi ko na kaya, kaya kung ayaw mo pala akong lumalapit sayo edi ikaw mag adjust sige una nako^_-" naiwan akong mag-isa na parang timang na nirerehistro ang sinabi niya.

"Ugh!" pagpapadyak ko na ikinasira pa ng heels ko.

Owe F*ck!

Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito ng bahagya.

May blurred na image akong nakita isang babae na nakasuot ng office attire.. teka ako yun ah.. nasira ang heels niya kaya tinapon niya ito sa kung saan dala narin ng inis.

May dumampot nung heels pero bakit ganon? Mas blurry yung taong dumampot non?

"Reign okay kalang?" napamulat ako ng mata si zian.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon