ADKBG 7

8.1K 346 51
                                    

Reign

Isang linggo. Isang linggo nakong pagod sa pagtatrabaho sa kumpanya.

Yung trabahong madali lang sa paningin ng iba pero sakin hindi.

Sabado ngayon kaya wala akong trabaho and it means na rest day ko today!

Gusto kong lumabas kasama ng mga kaibigan ko pero sila naman ang busy.

Nagulat pa sila ng malaman nilang nagtatrabaho nako sa kumpanya kaya napapaisip narin daw sila kung tatanggapin nila ang offer ng magulang nila.

"Yaya si dad?" Tanong ko ng makarating ako ng kusina.

"Nasa garden po maam"

Hmm.mabuti nalang at nasa bahay pala siya ang akala ko ay may pasok siya ngayon.

"Eh si rowan?"

"Naku maam umalis po eh" sagot niya.

Binaba ko muna ang iniinom kong tubig bago muling magtanong.

"Saan daw pumunta?"

"Hindi po sinabi eh" tumango nalang ako at iniwan na siya sa kusina.

Saan nanaman kaya gumala ang isang yon? Sabado palang pero nawawala na siya ang alam ko linggo pa ang rest day niya kaya bakit siya umalis?wala tuloy akong kasama.

Sus miss mo lang eh

-_- paki mo ba!

Dumiretso nalang ako sa garden kesa makipagtalo sa utak ko.

Naabutan ko si dad na nagdidilig ng mga bulaklak na tanim pa ni mom.

Masaya kami noon pero nagbago noong nawala si mom. Natutong mag sugal at uminom ang dad ko. Hindi niya narin ako naihahatid sa school dahil palagi siyang tulog sa umaga.

Nagalit ako sakanya noong mga panahon nayon pero ng tumungtong nako sa tamang edad doon ko lang nalaman kung gano kahirap ang mawalan ng asawa.

Mawawalan ka ng katuwang sa buhay at pakiramdam mo ay namatay din ang kalahati ng katawan mo pero hindi don natatapos ang lahat dahil sa totoo lang kailangan nating mabuhay at magpatuloy para sa iba.

May nawala mang isang pinaka mahalaga sa buhay natin ay may pumalit naman na panibagong oportunidad para sa pagbabago at paghakbang sa panibagong pagkakataon.

"Dad^_^"

"Oh anak ikaw pala" pinatay niya ang host na hawak niya at lumapit sakin.

Hinalikan ko siya sa pisngi bago kami maglakad sa pinaka malapit naming mauupuan.

May tree house din ako dito sa garden pero hindi ko na masyadong napupuntahan dahil masyado nakong malaki para magkasya padon.

"Ang ganda diba? Wala paring kupas ang mga bulaklak na tanim ng mom mo kahit lumipas na ang taon" sabay tingin niya sa mga ito.

Napangiti nalang ako at tumango.

"Hindi naman po kukupas ang ganda ng mga bulalak na tanim ni mom kahit wala na siya dahil nandiyan kayo para alagaan sila" napangiti siya.

"Tama ka anak. Hindi narin buo ang araw ko kapag hindi ko sila nadidiligan. Siguro nasanay narin ako na alagaan sila at sila din ang naging daan para matuwid ko ang pagkakamali ko" tumingin sakin si dad at kitang kita ko sa mga mata niya ang luha at ang saya.

Niyakap ko siya sabay tingin sa mga bulaklak na minsan ng naging parte ng buhay ko at patuloy parin nagiging parte ng buhay namin ni dad.

"Bakit ka nga pala napunta dito may kailangan kaba?" Tanong niya ng maghiwalay na kami sa yakap.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon