ADKBG 36

3.6K 106 1
                                    

Reign

"Girl kwento ka naman ilang araw kalang nawala may pa sing sing kana"

Makalipas ang tatlong araw na pahinga namin ni rowan nakauwi narin kami sa wakas.

Pinagmamayabang ko narin sa dalawa kong kaibigan ang sing sing na bigay niya bakit ba sa masaya ako eh hmp!

"Oo nga naman reign hindi namin expect na may engagement na palang naganap kung hindi pa namin napanood sa social media" hayag naman ni zian.

Uminom muna ako ng coffe bago mag salita.

"Ano bang gusto niyong malaman eh mukang napanood niyo narin naman lahat" labo din ng mga to.

"Ano kaba syempre gusto naming malaman kung ano yung feeling noong lumuhod siya sa harapan mo, kung nag-isip ka ba muna bago ka nagsabi ng yes at ano yung feeling noong officially engaged na kayong dalawa!" May patili pang sabi ni avril medyo napatingin samin ang mga tao. I dont care masaya ako kaya walang paki-alamanan.

"Well of course nagulat ako sa umpisa pero noong nandiyan na lalu na itong sing sing nato doon ko mas nasabi na ready nakong mag pakasal at makasama siya forever bastasobrang saya lang sa pakiramdam, kaya kung gusto niyong maexperience hanap hanap narin kayo ng jowa" nangasim mukha nila.

"Past muna ako diyan reign haha" si zian

"Himala ayaw mo na?bakit dalang dala naba?" Tumango naman siya. I see.

Tumingin ako kay avril agad naman siyang umiling.

"Not a chance girl happy ako sa life kaya no need" ako naman ang napailing sakaniya.

Paano nalang kung dumating ang araw na wala na silang mahanap dahil sa kakaayaw nila ayoko namang tumandang dalaga ang mga friends ko.

"Pero maiba lang reign at wag mo sanang ikakagalit. Hindi ba uhmm.parang ang aga naman yata nito para sainyong dalawa..i mean you know bago bago palang kayo tapos ganito na agad hindi kaya nadadala lang kayo ng emosyon niyong dalawa?" Usal ni zian na medyo nag-aalinlangan pa sa bawat katagang binibitawan niya.

"Alam kong isa yan sa sasabihin niyo, tama naman kayo bago palang ang meron samin ni rowan hindi ito matutumbasan ng mga past relationship ko na umabot ng ilang taon pero wala naman sa tagal ng araw o buwan ang lahat diba?may mga tao na matagal ng nagsasama pero nag hihiwalay parin para sakin mas matimbang parin na willing kayong sumugal at magpatuloy kahit hindi pa masyadong mahaba ang pinagsamahan niyo, nasa sainyo naman yan diba wala naman sa panahon" convince ko sakanila.

Aware naman ako sa sinasabi nilang sa una lang masaya pero nasa sa tao parin talaga kung hanggang una lang sila.

Iba ang mga taong naniniwala don at iba kami ni rowan. Alam ko at ramdam ko na hindi lang to umpisa kundi hanggang dulo na.

Bulag lang ang mga taong naniniwala sa katagang yon. Sino ba ang humahawak ng tadhana mo hindi ba ikaw mismo kung hahayaan mong tangayin ka ng kung anong sinasabi ng iba talaga mawawala ka pero kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para hindi mangyari yon edi magagawa niyong magtagumpay kahit ilang beses kayong lumagapak.

"Kung sabagay agree din naman ako na nasa tao ang gawa basta I'm happy for you reign sana lang talaga forever nayan kahit walang forever haha"

"Hindi to forever zian but life time haha"

Nag kwentuhan lang kami hanggang sa maisipan naming mamasyal sa mall.

"Girl ito oh parang bet ko" pakita niya sa floral na dress.

"Hindi ba parang mag susummer getaway naman ang peg mo diyan avril"

"Ano kaba yun nga ang plano ko no kaya nga ako bumibili ng floral dress para kapag nag outing tayo ay ready nako waahh!"

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon