ADKBG 54

2.5K 106 5
                                    

Rowan

"Anong nangyari?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Ikaw pala avril" bumaba ako ng hagdan na sinundan niya naman.

Binaba ko ang hinanda kong agahan para kay reign at tinapon ito sa basurahan.

"Oy! Bakit mo tinapon!" Gulat na gulat niyang sabi.

"Wala ng silbi yan lalu na kung busy ang kakain baka mapanis lang"

Alam kong bawal mag sayang ng pagkain pero wala nakong paki-alam don ang gusto ko lang makalayo muna dito.

"Rowan ano ba talagang problema?" Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa balikat ko

Inalis ko ito at inilagay ang maruming plato sa lababo

"Mabuti pa kayo na munang bahala dito kung lalabas kayo ng bahay para maligo isarado niya nalang ang pinto sa taas nalang ako papasok kung wala parin kayo kapag nakabalik nako"

"Ano bang sinasabi mo rowan?teka nga ano ba kasing nangyayari at nagkakaganyan ka? May ginawa nanaman ba si reign na hindi mo nagustuhan?" Tumingin ako sakanya ng diretso habang unti unting tumitikop ang mga kamao ko.

Gusto kong wasakin ang mga bagay na mahahawakan ko pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Hindi dapat ako nagpapaapekto ng todo sa mga nangyayari.

Kung gagawin ko yon lalu kolang papatunayan na panalo siya at talo ako.

Muli akong tumingin sakanya.

"Sundin mo nalang ang sasabihin ko avril gusto ko lang mag pahangin kahit sandali lang" at lumakad nako palabas ng kusina.

"Rowan^_^" bati ni zian pero hindi ko ito pinansin.

Naglakad ako palayo sa rest house at hinayaan ang mga paa kong dalhin ako kung saan niya gusto.

Nakakasalubong ko pa ang ibang mga residente dito na todo kung makangiti sakin

Wala ako sa mood na batiin sila kaya binilisan ko nalang ang paglalakad.

Kung noon friendly ako sakanila ngayon ay wala na muna akong paki-alam kung ano ang isipin nila

Sinubukan kong maging mabait at matutong makisama sa iba dahil yon ang naisip kong paraan para malaman ni reign na seryoso ako sakanya at hindi lang to basta laro lang.

Naging palangiti ako na hindi ko naman ginagawa noon.

Naging talkative din ako para lang suyuin siya pero hindi pa pala sapat ang mga salitang binibitawan ko para sakanya.

Ang sakit lang talaga sa dibdib dahil narinig ko pa sa sarili kong mga tenga na kausap niya ang taong labis kong kinapopootan

Papasok nako ng kwarto niya para ihatid ang breakfast na niluto ko para sakanua pero narinig ko ang usapan nilang dalawa

Rinig na rinig ko kung paano tumawa si reign na kailan man ay hindi ko narinig sakanya simula ng makabalik ako

Ang tanging narinig ko lang mula sakanya ay masasakit na salita na nagsasabing ayaw niya sakin at gusto niyang lumayo nako sakanya

Hindi naman ako ganito na mabilis masaktan sa sasabihin ng iba pero iba parin talaga kapag ang taong mahal muna ang nagbitaw ng mga katagang yon.

Tagos na tagos sa puso. Para akong isang puno na pinutulan ng ugat kaya tuluyan ng nawalan ng pagkakataon para mabuhay

Umupo ako sa dalampasigan ni hindi ko inalintana ang buhangin na kumapit na sa short ko basta ang alam ko gusto ko lang munang mag-isip isip

Palipasin ang sakit bago tumuloy ulit

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon