ADKBG 13

6.6K 265 11
                                    

Reign

Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan ni rowan. Oo andiyan siya parati sa tabi ko pinagmamaneho niya ko, binabantayan, sumasama kahit saan man ako mag punta pero hindi na kami nag-uusap o nag-aasaran manlang kagaya noon.

"War kayo girl?" Avril asked.

Andito nga pala kami sa violarama isang coffee shop na kakadiscover lang din namin.

Masarap ang pagkain kaya sure akong babalik kami dito.

Tumingin ako sakanila at tumango.

"Kaya naman pala wala ka sa mood" avril said.

"Ano ba kasi ginawa mo?" Zian asked.

Napansin yata niya na ayaw kong mag salita kaya tinap niya nalang ang balikat ko.

"Okay lang yan girl atleast kasama mo parin naman siya diba" tumango nalang ako.

Nalulungkot ako sa nangyari samin ni rowan. Ang akala ko kasi makikipag ayos siya sakin at hihingi ng sorry pero mali nanaman ang akala ko.

Kung sabagay si rowan yan at hindi yan marunong mag sorry kahit siya na ang may mali.

Hindi ko naman sinisisi sakanya ang lahat pero don naman talaga nag umpisa ang away naming to. Kung hindi lang sana niya pinangunahan ang disisyon ko hindi sana kami aabot sa ganito.

Para akong bumalik sa panahon kung saan una ko siyang nakilala. Ang mahirap lang ni asar hindi niya magawa, as in wala siyang sinasabi sakin kahit na ano.

Ilang beses nakong napapabuntong hininga dito. Umaasa ako na lalapit siya at hihingi ng sorry pero parang paulit ulit lang din akong nabibigo sa paghihintay.

"Ang lalim niyan girl ah, bakit hindi mo nalang kaya ikwento samin ang nangyari" avril said nag isip muna ako ng mabuti bago ko sinabi sakanila ang dahilan ng pag-aaway namin

"Woaah so love muna pala" pabulong na hayag ni avril.

"Yeah"

"Paano yan sa pinapakita niya ngayon parang hindi naman talaga siya sincere sa pag-amin niya sayo na gusto ka niya" Zian said.

"Tbh naisip ko narin yon eh na baka nadala lang siya ng pagkakataon at lungkot kaya niya nasabi sakin yon"

Halos madurog ang puso ko kapag naiisip kong nabigla lang siya sa sinabi niya.

Tinap ako ni avril sa balikat kaya napatingin ako sakanya.

"Girl makinig ka sakin ah, alam mong bago to sating lahat dahil hindi naman namin inaasahan na babaliko ka bigla pero sa tingin ko naman kay rowan mabait siyang tao at hindi niya kayang mag sinungaling sayo, siguro kagaya nga ng sinabi mo kanina, na baka natatakot lang siyang mas mapalapit sayo dahil baka masaktan lang ulit siya." Napaisip naman ako.

Yun nga ba ang dahilan? Natatakot nga lang ba siya?.

Tumingin ako sakanila at binigyan nila ako ng tipid na ngiti.

"Nasa sayo naman reign eh, basta kung saan ka don din kami" i was so overwhelmed kaya hindi ko naiwasan na yakapin sila.

"Thanks girls akala ko hindi niyo nako tatanggapin kapag nalaman niyo ang totoong ako" umiling sila at ngumiti.

"Were not here to judge, were here to be a good friend" nagyakapam ulit kami para na nga kaming timang dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Well sanay ako sa atensyon ng iba kaya hindi ako naiilang kahit ilang tao pa ang nakatingin samin

Kinatanghalian ay nagpaalam narin kami sa isat isa.

Ang tahimik sa kotse tanging busima lang sa labas ang naririnig ko.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon