ADKBG 68

2.9K 124 6
                                    

Reign

Kanina pako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Kagabi pako nag-aalala kay rowan, sinubukan ko narin siyang tawagan pero hindi siya sumasagot mabuti nalang at nakausap ko si andy at sinabing kasama niya si rowan buong gabi.

"Reign. " napatayo ako mula sa pagkakaupo.

"Anong ginagawa mo dito Gabriel" matapang kong bungad sakanya.

Pagkatapos niyang ipull-out ang lahat ng meron sila sa kumpanyang ito dahil lang sa hindi ako pumayag sa gusto niya ay may kapal ng mukha pa siyang magpakita dito.

"Narinig kong nagkaron ng problema ang kumpanya niyo simula ng mawala kami, ngayon sabihin mo sakin tatanggapin mo ba ang alok kong kasal o hindi? Tandaan mo isang sabi ko lang mawawala na ang problema mo ngayon din mismo"

Ang yabang talaga ng isang to.

"Hindi ko kailangan ng tulong na mula sayo kaya kung pwde lang lumayas kana sa opisina ko" ngumisi siya.

"Bilib din naman talaga ako sainyong mga Feliciano kayo na nga itong ino-offer-an ng tulong kayo pa itong tumatanggi." Iling iling niya "Bibigyan kita muli ng isa pang pagkakataon para mamili, hahayaan mo bang bumagsak ang kumpanyang ito o magpapakasal ka sakin para maisalba natin to pareho."

Ako naman ang ngumisi ngayon. Humakbang ako palapit sa kinaroroonan niya at taas noo siyang hinarap.

"Kahit ilang pagkakataon pa ang ibigay mo sakin hindi ko yon tatanggapin. Mas mabuti ng bumagsak ang kumpanya kesa makasama ka" nag tiim ang panga niya.

Baka nakakalimutan niyong certified bitch dati ang kaharap niyo nagbago lang naman ako dahil sa isang tao.

"Ouch!" Daing ko ng pwersahan niyang hawakan ang braso ko.

Sobrang diin ng pagkakahawak niya para tuloy hindi na umaagos ang dugo ko sakatawan.

"Alam mo bang isa yan sa nagustuhan ko sayo, ang pagiging matapang mo ang bumubuhay sa pagkalalake ko. Mas nararamdaman ko ang thrill kapag nagpapakipot ka pero sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong makukuha na kita sa ayaw at sa gusto mo"

"Bitawan moko nasasaktan ako!"

Ibang iba ang Gabriel na nasa harap ko ngayon. Ang laki ng pinagbago niya, kung dati napaka masayahin niya at palaging nakangiti ngayon para siyang demonyong may walong sungay.

"Ano ba! Sabing bitawan moko!" Mabuti nalang at nakakuha ako ng lakas para itulak siya.

Nakangisi siya habang nakasalampak sa carpet dahan dahan siyang tumayo at nginitian ako ng nakakakilabot na ngiti.

"Magpakipot kalang hanggang gusto mo pero kapag asawa na kita sisiguraduhin kong makukuha ko ang lahat sayo kasama nayang tapang mo" hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko at ginawaran ko siya ng napakalakas na sampal.

"Kailanman ay hinding hindi moko makukuha! Mamatay munako bago ako magpakasal sa isang baliw na gaya mo!" Andon parin ang ngisi sa mga labi niya medyo namumula ang kanang pisngi niya dahil sa sampal ko.

Hindi ako nagsisisi dahil bagay langyon sakanya at kung bibigyan pako ng pagkakataon na sampalin siya baka 24times ko na itong ginawa.

Humakbang siya palapit sakin kaya naging sanhi ito ng pagatras ko. Sinapian na nga talaga siya ng masamang spirito.

"Oh bakit lumalayo ka?..ang tapang tapang mo kanina lang ah bakit ngayon parang natatakot kana sakin?" Sabay tawa niya pa.

Winaksi ko ng ilang ulit ang kamay niya ng akmang hahawakan ako nito.

"Pwde ba tumigil kana! Kapag hindi kapa lumabas ngayon ay ipakakaladkad na kita sa mga guard!" Banta ko.

"Go ahead ipatawag mo ang lahat ng guwardya sa building nato tignan nalang natin kung kaya nila akong pigilan sa gagawin ko" kinilabutan ako ng husto sa paraan ng pag ngiti niya.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon