ADKBG 33

4.3K 137 2
                                    

Reign

Sa sobrang lamig parang hindi ko na kayang mag lakad. Madaling araw palang ay iniwan na namin ang first site para mag lakad.

Medyo malamig narin dito dahil pataas na kami ng pataas. Andon parin naman ang excitement pero naninigas na talaga ang paa ko sa lamig.

"Love okay kalang?" Tumango ako kahit ang totoo ay babagsak nako anytime.

Hinawakan niyako sa bewang at inalalayan ako. Mabuti nalang at nandito siya.

Magkakasunod lang kaming lahat na naglalakad si green nandon kasama ang mga kaibigan niya. Nameet narin namin ang isat isa bago umalis sa site and i want to know them more.

Kalog kasi ang mga kaibigan niya kaya napaka sarap kasama. Namiss ko tuloy ang dalawang gaga.

Muntik nakong madulas mabuti nalang at nakasupporta sakin ang baby ko.

"Kaya pa?" Natatawa akong tumango.

Imbis na mainis ay natatawa nalang ako sa sarili ko. Ako itong nag yaya pero ako pa itong unang bumibigay.

"Kumapit ka sa batok ko para maalalayan kita ng mabuti" ginawa ko ang sinabi niya.

Nahihiya nako sa baby ko dahil parang nagiging pabigat pako sakanya. Diko tuloy maiwasang hindi maiyak.

"Bakit ka umiiyak?anong problema may masakit ba sayo ha?sabihin mo sakin" nag-aalala niyang turan. Umiling lang ako.

Lalong humigpit ang hawak niya sa bewang ko kaya as lalo kong naramdaman na pinoprotektahan niyako at ayaw niyang may mangyaring masama sakin. Sweet baby.

"Baby dikaba nabibigatan sakin?" Out of the blueng tanong ko.

"No" direktang sagot niya. habang nakatingin parin siya ng diretso.

Hindi mo talaga mababakas sa mukha niya ang pagod pero alam ko pagod narin siya. Halos siya lang naman ang nag-asikaso ng mga gamit namin kanina pati ang pagliligpit ng tent siya rin. Gusto ko siyang tulungan pero ang sabi niya umupo nalang daw ako at painitin ang sarili ko sa tabi ng apoy.

Nakaramdam narin kasi ako ng pamamanhid sa kamay kaya mas hindi niyako pinayagan na tulungan siya.

Lalu tuloy akong naiiyak kung nakikita lang ako ng iba ngayon iisipin nila para akong bata.

"Ssh.tama na, hindi naman ako nabibigatan o napapagod alam mo naman na sanay ako sa ganitong bagay, mas matindi pa nga ang ginagawa namin dito noon. Kaya wag ka ng mag isip ng kung ano ano love okay?basta humawak kalang sakin para hindi ka madulas"

I'm so f*cking proud of her kahit na anong paraan nakukuhanan niya ng lusot.

Kumapit nalang ako sakanya ng mas mahigpit hanggang sa unti-unti na naming nararating ang destinasyon namin.

"KONTI NALANG GUYS MALAPIT LAPIT NARIN TAYO PWDE NA KAYONG MAG PAHINGA PAGKARATING NATIN DON!"

Nag hiyawan naman ang lahat pati ako napahiyaw din dahil malapit na kami sa pupuntahan namin.

Excited nakong matulog sa malambot at mainit na kama kasama syempre ang baby ko.

Ilang hakbang pa mula saaming paglalakad ay narating na namin ang mumunting paraiso sa tuktok ng bundok.

"Napakaganda..." Napakaraming ilang ang nakapaligid sa buong lugar. Parang siyang resort kung titignan pero hindi nagtataasang building ang nakatayo kundi parang maliliit na kubo pero hindi gawa sa kawayan ah kundi sa bato talaga.

Pumasok kami sa loob ang akala ko sa labas lang maganda pero mas maganda pala dito sa loob. Nag mukang hotel de luna ang loob nito na kahit hindi ganon kalakihan sa labas ay sobrang laki naman sa loob.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon