ADKBG 59

2.7K 90 1
                                    

Reign

Ilang linggo na simula ng marinig ko ang kwento ni rowan kung bakit parang malapit siya sa buhay ko.

Hindi ako naniwala sa mga sinabi niya. Wala naman kasing rason para paniwalaan ko siya. Siguro nga nakasama ko siya ng ilang linggo pero hindi parin sapat yon para basta basta nalang ako maniwala sa mga sinasabi niya.

"Sawakas naman at nandito ka na akala namin nilamon kana ng daan" inirapan ko siya. Pinatong ko ang bag ko sa mesa at nag order narin ng makakain.

"Bakit nga pala nagpatawag ka ng emergency meet up?" Avril asked.

Hindi lang dapat sa iisang tao ako nagtatanong kung gusto ko talagang malaman ang lahat dapat magtanong din ako sa ibang pinagkakatiwalaan ko.

"May gusto akong malaman."

"Ano naman yon reign?" Zian asked.

"Gusto kong malaman kung totoo ba ang lahat ng sinabi ni rowan" naging seryoso ang mga mukha nila.

"Ano bang sinabi ni rowan sayo?" Biglang tanong ni avril. Kinwento ko ang lahat ng detalyeng sinabi ni rowan except sa making love/Sex nayon dahil kung totoo man yon well privacy na namin yong dalawa.

"At hindi ka naniwala?" Umiling ako.

Napabuntong hininga siya habang si zian napa inom nalang sa frappe niya.

"Ano bang sinasabi ng puso mo?"

"Ano namang kinalaman ng puso ko dito aber?" Napailing siya.

"Girl paano kung totoo ang sinabi niya sayo at hindi mo lang talaga maalala ang lahat kaya hindi mo alam kung anong paniniwalaan mo."

"Anong connect"

"Haist may pagkaboba karin pala" sinamaan ko siya ng tingin "joke lang. Anyways. Kung alam mo ang kasabihan ng lahat na 'kahit hindi makaalala ang isip ay hindi makakalimot ang puso' yun ang gusto kong iparating sayo ano ba ang naramdaman mo noong sinabi niya ang mga katagang yon?"

Ano nga ba?hmm.

"Masaya ang puso ko ng mga sandaling yon pakiramdam ko kasi napaka halaga kong tao na may isang tao palang nagmamahal sakin ng totoo ugh!IDK! Basta mahirap talagang paniwalaan ang mga sinabi niya. Like duh! Ako papatol sa isang babae! Dipa naman ako nahihibang no" umiling sila pareho. Hinawakan ni avril ang kamay ko na nasa mesa at tumingin sakin ng diretso na para bang napaka-importante ng sasabihin.

"Reign hindi porket babae si rowan ay hindi na niya kayang gawin ang ginagawa ng isang lalake. Minsan nga mas kaya pang gawin ng babae ang lahat kesa sa tunay na lalake, mas naiintindihan nila ang damdamin natin dahil mga babae din sila. Alam nila kung ano ang bagay na gusto at ayaw natin. Kaya wag mong bibigyan ng excuse ang pagiging babae nila dahil lang sa magulo mong feelings. Kung ako sayo hahanap nalang ako ng paraan para bumalik ang kung ano mang nawala bago pa siya ang mawala"

Siya ang mawala...

Si rowan mawawala sakin parang hindi yata kakayanin ng puso ko yon...

Mabait naman siya, maalaga at pinaramdam niya talaga sakin na totoo ang nararamdaman niya. Nandiyan siya lagi kahit na palagi niyarin akong inaasar kaya kung makikita kong ginagawa niya sa iba ang ginagawa niya sakin baka masampal ko ng wala sa oras ang babaeng gagawan niya ng ganon.

Akin lang si rowan! Akin lang ang baby ko!😡

"Eh..reign?"

"What?!" Napaatras sila sa biglaang pag sigaw ko maging ang mga tao sa coffee shop ay napatingin samin.

Sumigaw bako?

"Easy kalang girl ano bang iniisip mo at napapasigaw ka?" I shaked my head.

"Nothin"  F-ck talaga palang sumigaw ako.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon