ADKBG 5

8.3K 363 55
                                    

Rowan

Nakamasid lang ako sa buong paligid ng bar habang nakaupo at tahimik na umiinom ng alak sa bar counter

Pinalayo nila ako sa tabi nila para daw makapagsaya naman sila.

Sinunod ko nalang kesa mag-away nanaman kami.

"Hey baby mind if you join me tonight?" Lingkis ng isang sexying babae sa braso ko at umupo pa sa kandungan ko.

"Sorry miss pero may kasama ako" palusot ko nalang.

Pabalang itong umalis kaya napailing nalang ako at ininom ang alak na inorder ko.

Sa sariling bulsa ko galing ang pera sa lahat ng mga binibili ko.

Hindi narin ako umaasa na ililibre ako ng spoiled brat kong amo dahil hindi mangyayari yon.

Napatingin ako sa gawi nila na ngayon ay nakikipag sayawan na sa dance floor kasama ang ibang mga lalake na pasimple na silang binabastos.

Bahala siya ginusto niya yan kaya panindigan niya.

"I margarita" hayag ko sa bartender na agad niya namang ibinigay.

Nakakamiss din pala ang mag bar. Simula kasi ng maging ganap akong pulis ay hindi nako uminom pa ng kung ano anong alak.

Nakakatikim parin ako pero hindi na kagaya noon dahil occasional nalang kami kung uminom.

Last na inom ko ng marami ay noong grumaduate ako sa kursong criminology. Nasa poder pako ni general ramirez ng mga panahon nayon kaya kasama din namin ang iba pang matataas na alagad ng batas.

Alam niyo naman na anak anakan ako ni general kaya lahit ayokong mag celebrate ng sobrang garbo ay ibinigay parin niya sakin.

Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko kay general para ampunin niya ako at papag-aralin ganong hindi naman namin siya kaano ano.

"Mukang lasing na ang kasama mo" napatingin ako sa bagong dating na babae sa tabi ko.

Nakasuot siya ng tank top at short shorts kaya kitang kita ang mahahaba at mapuputi niyang binti.

Kung babaero lang ako baka pinatulan ko na to pero wala sa isip ko na pumasok sa ganong gulo dahil mas masaya ang buhay kapag tahimik.

"Wala akong kasama" cold kong sagot.

Hindi ko siya kilala kaya ayokong makipag usap sakanya kahit na sobrang pamatay ang ganda niya.

Ngumisi siya at nag order ng alak.

"Nakita kong kasama mong dumating ang tatlong babaeng nasa dance floor kaya alam kong may kasama ka. Nagtataka lang ako dahil hindi ka sumama sakanila na sumayaw at magpaka wasted na parang walang inaalalang kahit na ano" napatingin ako sakanya at andon parin ang signature cold look ko.

"Wala akong panahon sa ganong bagay at walarin ako sa mood na makipag usapa kaya iwan mo nalang ako" mas lalong lumaki ang ngisi sa labi niya kaya nakaramdam ako ng konting inis.

"Yan ang gusto ko sa babae matapang" hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagmamasid sa buong paligid.

Naririnig ko parin ang pakikipag usap niya sakin pero hindi ako sumasagot kaya nagmumukha na siyang tanga sa paningin ng bartender.

Bakit ba napaka salaula ng spoiled brat nato nakikita na ngang minamanyak na sila ng mga hinayupak na lalakeng yon enjoy na enjoy pa.

"SPO1 Bonifacio" mabilis akong napalingon sa kinaroroonan niya ng marinig kong tawagin niya ang apilyido at ang rango ko.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon