ADKBG 41

2.7K 96 6
                                    

Lady L💚

Nagising si reign sa hindi pamilyar na lugar. Puri puti nasa langit nabako?.

"GIRL/REIGN!" nag-aalalang mukha ng dalawa.

"Avril...Zian..nasan ako?" Nilibot niya ang paningin niya sa buong kwarto.

"Nasa ospital ka ilang araw ka ng walang malay mabuti nalang at okay kana" nawala ang pangamba sa mga mukha nila.

"Bakit ako nandito?" Nagkatitigan naman ang dalawa at nagtataka naman si reign sa kinikilos nila.

"Hindi mo ba natatandaan?" Umiling ito.

"Girl na daganan ka ng malaking bato sa mall andon din kami pero may nagligtas samin na dalawang to pero ikaw naiwan don at ng balikan ka niya wala ka na daw malay, mabuti nalang at naisugod ka agad sa ospital" nakatingin lamang si reign sakanila habang ina-alala ang nangyari.

"Hindi ko matandaan" bigla namang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang doctor.

"Kamusta ka?"

"I'm okay doc" medyo may pagkaarte sa boses ni reign na bago sa dalawa.

"May naalala kaba sa mga nangyari sayo?"

"Hmm..nothing much basta ang huli kong naalala ay noong nag beach kami ng mga kaibigan ko"(chapter 1)

Lalung nagkatitigan ang dalawa. Maraming pumapasok na tanong sakani-kanilang utak kaya minabuti nalang nila na kausapin ang doctor.

"Doc anong nangyari sa kaibigan namin?" Zian asked.

"Nagkaron ang pasyente ng selective amnesia nawala ang mga ala-ala niya this past few months pero wag kayong mag-alala dahil babalik din ito maybe not now but soon kaya ang maipapayo ko lang ay hayaan niyong bumalik ang ala-ala niya ng kusa, huwag niyong pipilitin dahil maari lang itong makasama sakanya.mauuna nako marami pakong pasyenteng kailangang puntahan"

"Sige po doc thank you" nagkatitigan muli ang dalawa.

"Paano nato?" Hayag ni zian.

"I dont know pero ang sabi ng doctor babalik din naman ang ala-ala niya basta wag pipilitin"

"This past few months si rowan ang palagi niyang kasama ibig sabihin lamang nito...."

"Wala siyang kilalang rowan kundi tayo lang" dugtong ni avril dito.

Hindi nila alam kung ano pa ang susunod na mangyayari. Hindi parin sila makapaniwala na nawalan ng alala ala ang kanilang kaibigan at ang pinaka-importanteng tao pa talaga sa buhay niya ang nakalimutan niya.

Papasok na sana sila sa kwarto ni reign ng makita nila ang isang babae na papasok rin dito.

"Who are you?" Avril asked to the stranger.

"Uhm.. Hi.. I'm river ako yung tumulong sainyo"

"Ikaw yon?!" Nahihiya naman siyang tumango.

"Waahh ikaw pala yon!maraming salamat sa pagtulong mo samin ah.kung wala ka baka wala nadin kami ngayon" avril said.

"Ginawa ko lang naman ang tungkulin ko ahhmm..pwde naba akong pumasok sa loob? Gusto ko lang sanang masigurado na okay na siya" tumango ang dalawa.

Nagtaka si reign kung sino ang babaeng nasa harapan niya.

"Girl siya si river ang taong tumulong satin" ngiting pakilala nito.

"Hi.." Hindi maintindihan ni river kung bakit siya nahihiya rito.

"Hi, thank you for saving our precious life tatanawin ko tong malaking utang na loob sayo" umupo si river sa tabi nito.

"Walang anuman yon ginawa ko lang ang tungkulin ko kamusta kana pala okay naba ang pakiramdam mo?"

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon