ADKBG 45

2.4K 83 1
                                    

Andy

Nagising ako sa malakas na katok na nagmumula sa pinto ng apartment ko.

Ang aga aga namang mambulabog nagbayad naman ako ng apartment lang month ah.

"Ito na nga po sandali lang!" Nagsuot ako ng tsinelas bago ako lumabas ng kwarto.

"Ano po ba kasi yon nagbayad naman ako ng balance ko ah" nanlaki ang mata ko ng makita ko ang taong hinahanap ko ilang linggo na ang nakakaraan.

"ROWAN!" niyakap ko siya ng napakahigpit.

Mabilis akong napakalas sa yakap sakanya ng narinig ko siyang dumaing.

"Hala sorry hindi ko sinasadya. Saan kaba nagpunta ha?!alam mo bang alalang alala ako sayo!"

"Papasukin mo muna kami"

"Kami may kasama kaba?" Umusog siya ng konti at doon ko nakita ang pamilyar na babae.

"Teka ikaw yung babaeng pinagtanungan ko hindi ba"

"Hehe hello po" tumingin ako kay rowan.

"Mamaya kana magtanong papasukin muna kami" ay oo nga pala.

Binuksan ko ang bukana ng pinto at pinapasok sila. Mabuti nalang at nakapag ligpit ako kagabi bago ako matulog.

"Gusto niyo ba ng juice or what?"

"Tubig nalang po" hayag ng babaeng kasama niya.

Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at nilagyan ito ng yelo.

"Ngayon sagutin mo ang tanong ko anong nangyari sayo bakit ngayon kalang bumalik at bakit napakarami mong sugat?" Tinignan niya lang ako ng flat na tingin.

Nga naman ano nga bang maasahan ko sa isang to.

"Ako nalang po ang sasagot" hayag ng babaeng kasama niya.

"Teka nga akala ko ba hindi mo siya kilala" hayag ko rito.

"Ahmm.sorry po kung hindi namin sinabi ni inay ang totoo gusto lang naman po naming makasigurado na okay siya"kung sabagay kung sakaling hindi ako ang nagtanong nayon at sinabi nila kung nasa si rowan baka napahamak na siya.

"Ngayon sabihin mo sakin ang lahat lahat" tumango siya.

"Ganito po kasi yon nakita namin siya sa bangin ni inay. Inalagaan namin siya ng ilang linggo at ng magising siya sinabi niya samin ang nangyari sakanya. Ang sabi niya kagagawan daw ito ng wilbert han na naipakulong niya noon, kinidnap siya at pinahirapan hanggang sa makatakas siya pero nalaglag nga ang sinasakyan niya sa bangit at doon na nagsimula ang pagtulong namin sakanya"

Halos sumabog ang utak ko sa impormasyong sinabi niya.

"Totoo ba yon rowan kaya kaba nawala noong gabi nayon?" She nod.

"Kaya naman pala bigla ka nalang nawala. so ibig sabihin pala nito ay si wilbert han ang lalakeng nagplano ng lahat ng to"

"Tama ka pero hindi ko muna iisipin ang gag*ng yon sa ngayon gusto ko munang balikan si reign" natigil naman ako.

Paano ko ba ipapaliwanag sakanya.

"Samahan moko sa condo gusto ko siyang makita" tumayo siya pero pinigilan ko siya.

"Hindi ito ang tamang panahon para mag kita kayo" sumama ang tingin niya.

Sorry rowan pero ayoko lang na masaktan ka.

"Kailangan mong magpahinga sa mga natamo mong yan siguradong mag-aalala lang si reign kapag nakita ka niyang ganyan. Hayaan mo munang magpahinga ang katawan mo at kapag naging okay kana doon natin siya pupuntahan" sana lang ay kumagad siya.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon