ADKBG 47

2.5K 97 0
                                    

Rowan

Hindi ko inasahan na makikita ko si reign sa ganong sitwasyon.

Tuluyang nabasag ang puso ko ng malaman ko ang nangyari sakin.

She can't remember me even the things that we've shared together.

Ni pangalan ko o mukha ko ay hindi niya matandaan ng niyakap ko siya para akong nakayakap sa isang cactus na kapag mas dinidiinan ko ang kapit ay mas lalong tumutusok sakin at nag-iiwan ng napakaraming sugat.

"Rowan..." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mga mata ko.

Nasa apartment nako ni andy pansamantala ay dito ako nakatira.

Naikwento niya narin naman ang lahat kaya walang sense kung babalik pako sa condo dahil wala namang nakatira don

"Halika na kumain na tayo"

"Ikaw nalang wala akong gana"

"Rowan.." Hindi ko na siya pinansin at dumiretso nalang sa pansamantala kong kwarto.

Si andy palang pala ang nakakaalam na nakabalik nako mas pinili niya daw kasi na itago muna ko habang hindi pako lubusang magaling pero ngayon na okay nako plano ko ng lumantad muli.

Buo na talaga ang loob ko na lumantad sa lahat pero ng malaman ko ang nangyari kay reign bigla akong umatras at pinanghinaan ng loob.

Isa si reign sa naging biktima ng pagsabog sa mall at lahat ng yon ay kagagawan ni wilbert han.

Kaya naisip ko na kailangan ko munang alisin ang harang sa daan ko bago ako makapag patuloy sa paglalakad.

Ngayon ay umiisip narin ako ng plano kung paano ko sila didispatsyahin at ang pananatiling nawawala sa paningin ng iba ay siyang makakatulong sakin ng malaking.

Kung nakapatay ang ilaw ay wala kang makikitang anino, kung walang liwanag walang anino at para akong anino ngayon dahil walang nakakakita sakin kaya pwde kong gawin ang mga bagay na hindi ko natapos.

Pangako ko reign babalik ako. Babalikan kita kapag natapos na ang lahat ng to. Sisiguradihin kong babawiin kita sa kung sino man ang may planong kumuha sayo palayo sakin.

Nakatulog ako ng sobrang aga ng may mabigat na nararamdaman pero hindi ibig sabihin non ay nagising ako na nandito parin ang bigat sa dibdib ko.

Pinagpag ko na ang sarili kong kagustuhan kagabi kaya ngayon ay focus na muna ako sa dapat kong gawin. Ang hanapin at ikulong muli si wilbert han kasama na ng mga taong kasabwat niya.

"Kukuha ako ng impormasyon tungkol sa lugar kung saan siya ikinulong at kung sino ang head chief nila at involve na mga pulis. Sa ngayon mas makakabuti kung mas lalo mo pang mapapractice ang mga kakayahan mo lalu na ang lumaban ng walang armas kaya may tinawagan ako para makatulog sayo"

"Sino?" Takang tanong ko sakanya. May kumatok sa pinto kaya masugid niya naman itong pinapasok.

Iniluwal ng pinto ang pamilyar na babae. Ngiting lumapit sa gawi ko si andy kasama ang babaeng tutulong kuno sakin.

Tumayo ako para mapagmasdan siya ng buo. Familiar talaga siya sakin.

"Rowan si faye" ngiting pakilala ni Andy tumango lang ako habang nakatingin kay faye.

"Tss.grumaduate lang tayo naging ganyan nayan"

"Hehe pagpasensiyahan muna faye pano aalis nako ikaw nang bahala sakanya sana matulungan mo siyang mag improve"

Tss.pinagmumukha niya bakong mahina sa paningin ng iba?

"Of course kailan bako nabigo"

Tuluyan ng nagpaalam si andy kaya dalawa nalang kaming naiwan.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon