ADKBG 44

2.4K 87 6
                                    

Selena

Mabilis akong tumungo sa kwarto ng makarinig ako ng isang ungol.

Nadatnan ko ang bababeng tinulungan ko na halatang na nanaginip.

Hindi parin siya nagigising simula ng makita namin siya ni inay sa may bangin, mabuti nalang at hindi sumabog ang sasakyang sinasakyan niya kung hindi ay baka patay na siya ngayon.

Wala akong ideya sa kung ano man ang napapanaginipan niya ngayon ngunit alam kong masakit iyon para sakanya dahil kahit natutulog siya ay hinahunting siya nito.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa kanyang mga mata at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.

"Kaya mo yan wag kang susuko kung ano man ang napapanaginipan mo ngayon sana'y makayanan mo ng magising kana at maihatid kana namin sa totoo mong mga magulang"

Lumabas nako ng kwarto ng malinisan ko na siya ng katawan.

Tumungo ako sa kusina at naghanda ng makakain para samin ni inay.

"Nay kain napo" ngiting salubong ko rito.

"Kamusta siya?" Ngumiti ako ng mapait rito.

Pinagsandok ko siya ng ulam at kanina bago tuluyang umupo.

"Nananaginip nanaman po siya at kagaya noon ay hindi parin siya nagigising" lungkot ang bumakas sa mukha ni inay.

"Sana lang ay magising na siya ng malaman na natin kung ano nga ba talaga ang nangyari sakanya. Maraming salamat nga pala anak at inaalagaan mo siya habang wala ako" ngumiti ako.

"Nay hindi niyo naman po kailangang humingi ng pasasalamat sakin. Simula ng makita natin siya sa bangin ay tumatak narin sa puso ko na gusto ko siyang tulungan at kagaya niya ay gusto koring maging mabuting tao. Gusto kong tumulong ng walang hinihinging kapalit mula sa iba kayo po kaya ni ita'y ang role model ko"

"Naku ikaw talagang bata ka kahit kailan napakagaling mong mambola" iling ni nanay.

Napa simangot ako.

"Hindi naman po ako nambobola inay eh, habang lumalaki po ako minumulat niyo ko sa kabutihan kaya ngayon ay ginagawa ko narin ang mga bagay na naituro niyo sakin. Pangako inay gagawin ko ang aking makakaya para maging proud kayo sakin ni tatay"

Ngumiti si inay at napapunas sa kanyang mata.

"Hindi kami nagkamali ng itay mo ng pagpapalaki sayo, basta anak lagi mong iisipin na andito lang ako palagi para sayo na kahit wala na ang itay mo ay igagapang ko parin ang iyong pag-aaral para lang makatapos ka"

Ako naman ang naluha ngayon.

Tumayo ako at niyakap si inay.

"Salamat inay pangako po magiging sucessful doctor ako someday"

Manggagamot ang mga magulang ko kaya habang lumalaki ako ay tumatataksa isip ko na gusto kong maging kagaya nila pero dahil nga hindi naman course ang pagiging manggagamot at doctor lang ang pinaka malapit kaya ito ang kinuha ko.

"Naku tama na nga yan at kumain na tayo" natawa naman ako dahil pareho kaming sumisinghot ni nanay.

"Ako na po nay" pagpresinta kong mag hugas.

"Salamat anak ah ako nalang muna ang titingin sa pasyente natin"

"Sige po nay" at tuluyan na itong nawala.

Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso nako sa kabilang kwarto upang ayusin ang higaan namin ni inay.

Dalawang kwarto lang ang meron kami sa bahay nato. Ang isa ay akin ang isa ay sakanila ni itay pero ng dumating ang babaeng tinulungan namin ay ibinigay ko na sakanya ang kwarto ko at dito nako natulog sa kwarto nina inay, wala narin naman si itay kaya kasya kami sa higaan.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon