ADKBG 48

2.5K 99 1
                                    

Rowan

Panibagong umaga ang nagdaan ng wala si Andy.

Ang sabi niya humahanap parin siya ng information tungkol sa mga nakadistino sa lugar kung saan nakulong si wilbert pero hanggang ngayon ay wala parin siyang ibinibigay na update.

Sabay kaming kumakain mapa umaga man o gabi. Nag tatanong din ako ng mga bagay bagay na ginawa niya noong nawawala ako at ang palagi niya lang sinasabi niya hinahanap niyako sa lahat ng lugar pero nahihirapan lang siya dahil walang bagay na pwdeng matrace sakin para mahanap niya.

Pinipilit kong iwaksi ang sinasabi ni faye pero minsan pumapasok parin ito sa isip ko.

Pero hindi talaga pwde dahil alam ko at nararamdaman ko na hindi si Andy ang tinutukoy niya pero kung hindi si andy yon sino?eh siya lang naman ang kaibigan ko.

Naputol ang pag-iisip ko ng pumihit ang doorknob ng pinto. Nagtago ako sa likod ng sofa dahil baka ibang tao ang papasok pero ng makita kong si andy iyon ay lumabas din ako kaagad.

"Mabuti nalang at hindi ka umalis. Kasama ko nga pala si faye andito siya para tulungan tayo"

"Hello rowan:)" tumango lang ako.

Umupo kami sa sopa binigyan muna ng juice ni andy si faye bago umupo sa tabi ko.

May dala siyang mga papel na hindi ko alam kung para saan.

"As you can see nahanap ko na ang mga pinapahanap mo rowan:) at andito si faye dahil mas mapapadali ang trabaho natin para malaman kung sino ang nagpalaya kay wilbert han"

"Pano siya makakatulong?"

"Simple lang dahil isa siya sa mga taong nakadistino sa pinagkulungan ni wilbert han" inabot niya sakin ang iilang papel

"Nakalista diyan ang mga pangalan ng mga pulis na mismong nagbabantay sa mga selda"

In-scan ko ang buong list.

SPO3 Martines ****
SPO3 Andrada-***
SPO2********
SPO2******
SPO1 Carlos River
SPO1 Pangilinan Aila
SPO1 Aborsyo Faye
SPO1*******

kasama pala talaga silang tatlo dito..

"Ito naman ang pinaka list kung saan sila naka asign. Si Carlor at Pangilinan ang nakaasign na mag bantay sa mismong labas. Si faye naman ang nasa pinaka loob sumunod si Andrada na nasa pangalawang bartulina habang ang iba ay nasa desk at mga incoming calls na kailangang respondihan"

Napatingin ako ng mabuti kay faye. Nasa loob siya ibig sabihin maaaring siya o may alam lang siya. Agh!nakakalito

"Wag mokong tignan na parang may kasalanan ako maaring nasa pinaka loob ako nakaasign pero isipin morin ang babaeng pulis ay hindi nakakapasok fully accessed sa bartulina ng mga lalake kaya imposibleng ako tss."

"Hindi ko sinabing ikaw pero kung may alam ka sabihin muna ng matapos nato at hindi nakami mahirapan pa"

Alam kong may alam siya base narin sa mga sinabi niya kahapon.

Binaba niya ang papel at dumikwatro.

"Sasabihin ko ang lahat ng nalalaman ko pero hindi dapat ito makarating sa iba dahil mataas ang mga  taong kinakabangga natin" seryoso niyang sabi.

"Deal pero wait lang" tayo ni andy. Sinara niya lang pala ang mga hintana.

"Okay game" nakapaikot kaming tatlo nakabukas parin ang tv para kung may nakikinig man sa labas ay hindi magiginv malinaw ang maririnig niya.

"Napapansin ko na iba ang kinikilos ng mga lalakeng pulis sa bawat labas nila sa selda kung nasaan si wilbert han. Hindi normal na minu-minuto sila pumapasok para rumonda kaya doon palang nakaramdam nako ng kakaiba si Andrada ang madalas na pumasok sa selda nakikita kong nakikipag palit siya ng pwesto sa ibang polis na nakadistino sa loob na hindi naman dapat pero hindi ko yon pinansin dahil mahirap mag bintang"

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon