ADKBG 67

2.8K 99 8
                                    

Rowan

Kakalabas ko lang ng flower shop dala ang bulaklak na binili ko para kay reign.

Gusto kong bumawi sakanya dahil sa nangyari. Ganon naman talaga diba kapag hindi humihingi ng sorry ang partner mo ikaw nalang ang hihingi dahil ayaw mong tumatagal ang away niyong dalawa.

Maturity ang tawag don.

"Good morning boss" nakangiting bati sakin ng mga guard.

Sa tagal kong pulis halos lahat ng mga guardiya dito sa lugar namin kilala ko na. Ako ang madalas na humaharap sa mga concern nila lalu na kapag may mga matitigas na ulo na intruder. Ang sarap lang bugbugin alam niyo yon.

"Morning"

Tumuloy nako sa elevator. Pasara na sana ito ng may kamay na sumulpot.

Taena  akala ko kamay ni luffy

"Hey!" Halos lumukot ang mukha ko ng makilala ang taong may ari ng kamay nayon.

Si claire.

Business partner narin ba siya ni Mr.Feliciano kaya siya napapadalas dito sa kumpanya?

"Ang aga aga lukot kaagad yang mukha mo."

"Paanong hindi lulukot nakita kita" nagfake laugh siya at may pahampas pa.

-_-

Fc teh

"Comedian kaba?" She asked.

"Hindi, clown kaba?" I asked back

"Hindi, pero bakit? Siguro dahil napapasaya kita kapag nakikita moko no" kindat niya.

Grrr stephen queen.

"Kamukha mo kasi sila mag make up" I said. Sakto namang bumukas ang elevator sa floor ni reign kaya lumabas nako.

"BALIW KANA!" Napangisi ako sa isinigaw niya.

"Mas baliw ka wag kang papakabog!" Balik na sigaw ko sabay tawa.

Saktong sumara ang elevator kaya hindi na siya nakalabas pa.

Haha.LT si ateng.

"Ma'am kayo pala!" napakunot ang noo ko.

"Gulat na gulat ka"  Napatayo pa kasi ito ng makita ako.

"Huh? Hindi ma'am!" Napamake face ako.

Hindi nga halatang hindi siya gulat sakin. Napaka hyper niyang sumagot.

"Andiyan ba si reign?" Pag-iiba ko ng tanong.

Napansin kong parang hindi siya mapakali at medyo lumilikot ang mga mata niya.

Para siyang criminal na may pinagtatakpan na ewan.

"Ah..eh..o-opo p-pero--"

"Anong pero?pwde bang ayusin mo yang dila mo" napalunok siya.

"Sorry ma'am sumasakit po kasi ang tyan ko eh. Sorry talaga ma'am ah" kinilatis ko siya kung totoo nga bang masakit ang tyan niya.

Hm..sa tingin ko naman ay nagsasabi siya ng totoo.

"Sige na mag banyo kana baka dito pa lumabas yan, papasok nalang ako sa loob"

"Teka ma'am sandali!" Kumunot nanaman ang noo ko ng harangan niya ko.

"Ano nanaman ba? Akala ko ba masakit ang tyan mo."

"O-opo ma'am pero kasi ma'am kailangan ko ng tulong niyo, b-baka po kasi di ako makaabot sa banyo sobrang sakit na talaga ma'am..." Namilipit na nga ito sa sakit.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon