ADKBG 70

3.5K 125 4
                                    

Reign

Inis na inis akong pinagmamasdan ang dagat sa harapan ko. Gustong gusto ko ng mag swimming pero yung isa ang sabi mamaya nalang daw kapag konti nalang ang tao.

Malay ko don kung ano nanaman ang ganap niya sa life. Wala tuloy akong choice kundi manood sa dalawa na sayang saya sa paglangoy.

"Tama nayang kakaemote mo diyan heto ice cream para mawala yang init ng ulo mo"

Pahablot ko itong kinuha sakanya. Muntik pang matapon buti nalang at naagapan niya kundi sayang.

"Reign.." Warning tone nito.

"Ano nanaman bang ginawa ko?" Mataray kong sabi dito.

Kita moto bumuntong hininga lang.

Umusog ako ng konti para makaupo siya sa tabi ko.

Yan tayo eh, pasimpleng galit pero may care naman.

Paki moba!

Nagfocus nalang ako sa kinakain ko kesa hayaan ang sarili ko na mainis.

Mahirap na baka maagang kumulubot ang balat ko.

Naramdaman kong tumayo ang katabi ko kaya hindi ko maiwasang mapalingon sakanya.

Akmang huhubarin niya ang shirt niya ng sitahin ko siya.

"Oy oy! Anong ginagawa mo ha!" Mataray na bulyaw ko rito.

Ako nga bawal maghubad dahil ayaw niya tapos siya basta basta nalang maghuhuban sa harapan ng maraming tao.

"Diba gusto mong maligo kaya halika na bago pa mag bago ang isip ko"

Sumilay naman ang saya sa mukha ko.

Yes! Makakaligo narin ako sa wakas!

"Ano pang hinihintay mo pasko halika na kung ayaw mong maupo nalang dito buong magdamag"

Ang sungit!

"Oo na"

Mabilis kong inalis ang shirt ko at ang green kong short sabay takbo papunta sa tubig.

Para akong bata na nakawala sa tiyahin niyang nagbabantay haha.

"Hey b*tches!" Sinaluhan ko ang dalawa sa parte ng dagat kung nasan sila.

"Mabuti naman at pinayagan ka na ng nanay mo haha" pang-aasar niya.

"Iba kasi ang charm ko gumagana kahit kanino^_-" inirapan ako nito.

Hindi ko maiwasang matawa sa naging reaksyon ng mukha niya.

Alam niya kasi na ako ang pinaka mahangin samin well lahat naman kasi ng sinasabi ko ay partly true lalu na sa part na sexy ako at malakas ang sex appeal ko.

Sabihin niyong hindi😡

"Halika na zian parang lumakas ang hangin dito gininaw tuloy ako" paghila niya kay zian paalis sa tubig.

"Hoy! Gaga ka talaga!" Kumaway lang ito sakin bago tuluyang naglakad patungo sa kinalalagyan ko kanina.

Nakakainis naman kung kailan andito ako doon naman sila umalis.Hmp!

Bahala na nga edi ako nalang mag-isa ang mag sswimming. Hindi naman nila dala ang tubig kaya makakapagswimming ako kahit wala sila no.

"Ahhh!" Tili ko ng bigla nalang may humawak sa binti ko.

Sinamaan ko ng tingin si rowan na ngayon ay tawa ng tawa.

"Masaya ka diyan ha" mataray kong sabi.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon