ADKBG 64

3.3K 112 4
                                    

Lady L

Patapos na ang bakbakan ng makarating ang grupo nina general.

Noong una ay ayaw pang maniwala ng mga ito sa dalang ibedensiya ni faye ngunit ng mapagtagpi tagpi na nila ang lahat doon lang nila napagtanto na nasa kampo nila ang kalaban.

Hindi makapaniwala si general na sa maling tao pa siya nagbigay ng tiwala.  Hindi niya lubos maisip na ang isa sa pinaka magaling na tao sa distrito niya ay siyang tumulong sa bigating kriminal para makatakas.

Nalulungkot siya dahil nalagasan na naman sila ng kasapi ngunit ang mas nakakalungkot dahil kaparehong pulis pa nila ang naging sanhi ng kanilang katapusan.

Kagaya ng mga kaganapan sa ibang sulok ng mundo na kapwa tao at kapwa pilipino ang kusang nagpapatayan para lamang sa kapangyarihan at sariling pinaniniwalaan.

"Faye!" Sigaw ng matapang na pulis na si Andy ng makalabas na sila sa building na kanina lang ay muntik na silang ilibing ng buhay.

Nagkaharap silang tatlo, walang kibo si rowan ngunit mapapansin mong masaya narin ito dahil tapos na ang laban para sakanya.

Ito na ang simula para samin..

"Mabuti nalang at hindi kayo natuluyan na dalawa" natawa naman si Andy.

"Kamuntik na kaming paglamayan pero magaling kasi partner ko kaya wala silang panama samin" napairap si Faye sa kayabangan nito.

Inalis naman ni rowan ang pagkakaakbay ni Andy sakanyang balikat.

"Umayos ka mabigat ang kamay mo" napapout naman ito kaya si faye naman ang natawa.

"Teka nga pala kanina pa kita tinatawag sa earpiece ko pero bakit hindi ka manlang nagreresponse ha?! Wag mong sabihing isa karin sakanila kaya bigla ka nalang nawala ng kailangan ka namin" nagpamaywang ito.

"Excuse me lang pero hindi lang kayo ang may kinalaban no. May sumugod din sa SUV na kinalalagyan ko malay ko ba na natunugan pala nila ako don sa labas"

"Natunugan ka?" tanong ni rowan na ikinatango niya.

"Mukang alam na nila ang mangyayari sa una palang. Nalaman ko na ilang araw naring nawawala ang dalawa kaya malakas ang kutob ko na natunugan din nila ang plano natin" napaisip si rowan.

Ang ibig sabihin pala nito ay hindi aksidente na magkita kita kami sa loob ng kwartong yon. Nakaplano ang lahat at kung hindi namin sila naunahan ay baka kami naman ang pinaglalamayan.

"Kaya naman pala bigla nalang sumulpot ang dalawang yon sa loob. Ang akala ko pa naman naisahan na natin sila pero mukang magaling parin silang magtago"

Tama ang sinabi ni Andy nagawa talagang itago ng dalawa ang katotohanan sa lahat. Kita niyo naman na nagawa nilang mag pretent na hindi sila kasabwat ni wilbert han kaya maging si general ay nagawa nilang linlangin.

"Ibang klase ang team work ng dalawang yon, magaling silang bumuo ng plano kahit noong nasa kabilang distrito pa kami. Malapit din sila sa mga head namin dahil wala silang operasyon na hindi nalulutas ngunit nasayang lang ang lahat ng yon ng piliin nila ang maling landas"

Lahat sila ay nalulungkot sa kinahinatnan ng dalawa. Masama marahil ang pakikitungo nila sa bawat isa ngunit hindi parin mababali ng panahon ang pagkakaibigan nila noon.

Inakbayan ni Andy ang dalawa kamuntik pa silang mapasubsob sa sahig dahil pareho silang hindi ready sa ginawa nito.

"F-ck Andy!"

"Hehe sorry faye✌ pero wag na sana kayong malungkot pa hindi naman natin ginusto na makabanggaan sila. Sa isang laban hindi pwdeng walang mawala na isa dahil kung hindi mawawala ang isa walang mananalo hindi ba"

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon