ADKBG 38

2.8K 100 2
                                    

Reign

"Andy please let me go i need to find her please" kanina pako nagpupumiglas sa pagkakahawak niya.

Naiwan sa loob si rowan at hanggang ngayon ay hindi parin siya lumalabas.

Kausap siya ni Andy kanina pero bigla nalang namatay ang tawag kaya nakaramdam nako ng takot.

Andito na ang mga pulis at sinusuri na nila ang loob ng bar.

Matindi ang pagbabantay nila sa entrance kaya hindi kami makapasok ang tanging magagawa nalang namin ay maghintay.

"I'm sorry reign pero hindi kita hahayaang pumasok sa loob maging ikaw vaness hindi ko kayo pwdeng hayaan na pumasok don hanggat hindi pa natin nasisigurado na ayos na ang lahat"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasigaw nako sa galit.

"F*ck Andy kaibigan mo ang nasa loob kaya bakit hindi mo nalang ako pabayaan na hanapin siya!" Damn! mamatay nako sa pag-aalala dito!

"Look reign alam kong nag-aalala ka kay rowan at ganon din ako sakanya pero may protocol kami rito na bawal lumapit ang sinuman hanggat hindi natatapos ang pagiimbistiga ng mga pulis. Paano nalang kung totoo ngang may bomba sa loob hindi lang si rowan ang mapapahamak maging ikaw pwdeng mapahamak kung mag pupumilit ka, kaya please lang mag tiwala nalang tayo kay rowan pulis rin siya kagaya ko at alam kong alam niya ang gagawin sa ganitong sitwasyon kaya wag nakayong mag-alala pa" napasabunot ako sa buhok ko.

"Paano ako hindi mag-aalala! Fiance ko ang nasa loob! Narinig mo ba FIANCE KO! At kapag may nangyaring masama sakanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil wala manlang akong nagawa para iligtas siya"

"Girl tama nayan/Reign tama na" pagpapakalma sakin ng dalawa.

"Reign magtiwala nalang tayo sa mga pulis at kay rowan siguradong makakalabas din siya don" haplos ni zian sa braso ko.

"Tama si zian girl matalino si rowan kaya siguradong may pakulo nanaman ang isang yon.mabuti pa mag pahinga kana muna sa kotse hindi naman tayo aalis hihintayin nalang natin ang balita ng mga pulis kapag nakalabas na sila" nakatingin lang sila sakin wala nakong nagawa kundi pumayag nalang.

Umupo ako sa back seat ng kotse habang nakatanaw kay andy na nakikipag usap sa babaeng pinaghinalaan ko noon. Maganda nga talaga siya sa malapitan pero alam kong baliwala lang siya kay rowan dahil naramdaman ko sa mga tingin niya na totoo ang lahat ng sinabi niya noon.

Kinuha ko ang phone ko. Ako at si rowan ang wallpaper ko, unang picture namin itong dalawa kaya memorable talaga ito sakin.

"Baby please be okay...nandito lang ako sa labas hihintayin kita.."

--------------

Rowan

"Gisingin niyo nayan!"

Napasigaw ako sa lamig ng tubig na ibinuhos sa akin.

Tumambad sakin ang masayang mukha ni wilber han walang pagbabago duwag parin siya. Kahit noong hinahabol ko siya ay todo takbo lang ang ginawa niya puro mga tauhan niya lang ang pinalaban niya sakin palibhasa bahag ang buntot kaya nagtatago sa likod ng iba.

"Surprise haha masarap ba?" Ngisi niya habang pinaglalaruan ang baril sa kamay niya.

"Alam mo minsan naiisip ko kung pinatakas mo lang ako ng mga sandaling yon baka naging magkaibigan pa tayo pero hindi eh, hinuli mo parin ako, nagawa mo pa ngang sugatan ang gwapo kong mukh, kaya ngayon sayo ko naman gagawin ang ginawa mo sakin. boys bigyan niyo nga ng isa" biglang lumapit sakin ang dalawa niyang tauhan at walang ano ano'y sinuntok ako sa sikmura at panga.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon