ADKBG 10

8.2K 310 22
                                    

Reign

Naiinis ako!. Kanina pako naglalakad pabalik balik dito sa opisina ko.

Tama kayo may sarili nakong opisina. Tapos na ang trabaho ko bilang photocopy girl at ngayon may sarili nakong opisana at isa narin ako sa tinatawag nilang tunay na may ari nitong kumpanya.

President ako ng kumpanya pero si dad parin ang CEO magiging CEO palang ako kapag nag retired nasi dad.

Anyway like i was saying naiinis ako! Naiinis ako dahil ilang araw na akong inaasar ng bwisit na babaeng yon.

Narinig niya nga ang confession ko sakanya kaya ngayon ay inaasar niya ako na parang wala ng bukas.

Kapag mag-isa nalang kami bigla bigla nalang siyang lalapit sakin at gagawa ng moves na hindi ko inaasahan.

Nagkaron narin siya ng lakas ng loob para hawakan ako sa bewang kailan niya man gusto.

Kitang kita ko kung paano siya nag eenjoy sa ginagawa niyang pang-aasar sakin kaya bawat oras na nakikita ko siya ay gusto kong basagin ang mukha niya.

Pero kapag naaalala ko na pulis siya hindi ko na natutuloy dahil baka maging sanhi payon para maipakulong niyako.

Speaking off...

"Lunch?" Sabay baba niya ng dala niyang tupperware.

Napataas ang kilay ko at umarteng naiinis sakanya kahit deep inside ay nagdidiwang ang sarili ko dahil kasama ko siya.

"Kanino galing yan?baka may lason yan" umirap siya at binuksan na ang mga tupperware na dala niya.

Sumambulat sakin ang mabangong amoy ng baboy kaya natakam naman ako bigla pero hindi ko pinahalata.

Ano ba tyan wag muna ngayon!pakipot muna tayo.

"Tss. I cooked this"

"Owe anong meron at nagluto ka? Siguro may lason ngayan no" tinignan niya naman ako ng seryoso ay seryoso naman pala lagi ang mukha ng babaeng to.

"Tss.kung ayaw mong kumain edi wag pasalamat ka at pinagluto pa kita sarili ko nga hindi ko maipagluto"

"What did you say?"

"Tss.wala" akmang kukuhanin niya ang mga tupperware na dala niya ng pigilan ko siya.

"Hep hep san mo dadalhin yan akala ko ba niluto mo yan" natigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin.

"Oo niluto ko pero hindi ko sinabing niluto ko para sayo. Ayaw mo diba edi akin nalang pakipot kapa" bulong niya pero rinig ko naman.

Pinigilan ko ang kamay niya ng akmang kukunin niya ang mga tupperware. F*ck the electricity again.

"Inilahad mo sa mesa ko ang mga niluto mo tapos ngayon babawiin mo nagpapatawa kaba?"

"Mukha bakong nagpapatawa?" Inirapan ko siya at inilayo ang kamay niya sa mga to.

"Leave everything here nilapag moto dito kaya akin na lahat ng to kung gusto mong kumuha then sumabay ka sakin" napangisi naman siya.

Halikan kita diyan eh ng maalis yang ngisi sa mukha mo bwisit!

"Gusto mo pala akong makasabay kumain sinabi mo nalang sana" confident na sabi niya.

"Wow in your dreams rowan" i said at tumalikod na sakanya para mag hugas ng kamay.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin lalu na at inihanda niya pa talaga ang mga yon para sakin well even though hindi niya aminin na para sakin talaga lahat ng yon kahit alam ko naman ay kinikilig parina ako.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon