ADKBG 60

3.1K 115 7
                                    

Reign

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng matinding kirot dito.

Ginawa ko ang sinabi ni Avril pumunta ako sa lugar kung saan ang gusto niyang puntahan ko.

Unang kita ko palang sa sala ay kumirot na ang ulo ko pero ng makarating ako sa kwarto ay mas lalo itong kumirot.

Minulat ko ang mata ko at inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. May nakita akong anino ng dalawang tao masaya silang nagkukulitan. Hanggang sa umabot sila sa kama at doon nag kilitian.

Medyo blurry ang mga taong yon pero ang pagtili ng isang babae habang kinikiliti siya ng isa pa ay pamilyar na pamilyar sakin.

Nawala ang isang babae at ang isa nalang ang naiwan. Binuksan niya ang drawer at may kinuhang frame dito. Hindi ko makita kung sino ang nasa frame dahil likod lamang nito ang nakita ko.

Niyakap niya ang frame at napaupo nalamang sa sahig. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa nakikita ko.

Mukang may pinagdadaanan siyang napakabigat. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kwartong ito para akong may powers dahil nakikita ko ang nangyari noon sa kwarton to.

Sa sobrang curious ko sa frame na hawak niya ay tumayo ako at lumapit sa drawer kung saan kinuha ng babae ang larawan.

Binuksan ko ito at dahan dahang kinuha ang nakataob na frame. Kinakabahan ako para akong mag tatake ng board exam at natatakot na baka hindi ako pumasa sa magiging resulta.

Basta sobra akong kinakabahan para bang maraming magbabago kapag nakita ko kung sino man ang nasa frame na ito.

Tumibok ng napakabilis ang puso ko ng makita ko ang taong nasa frame.

"H-hindi....h-how? Is...is this really true?..."

It was me in the picture and I'm not alone I have somebody beside me.. It's.. It's her...

"But how? Paano ako napunta dito? At bakit kasama ko siya? Hindi ko siya kilala nagkakilala lang kami noong aksidente niyakong mabangga mall. Imposible namang nagkaron kami ng picture na ganito ng hindi ko alam ano ako sinapian ng ibang kaluluwa"

Ugh shizz!

Napahawak ako sa ulo ko dahil para itong pinipiga. Napapikit ako sa sobrang sakit. Nagflashback sakin ang lahat para akong bumalik sa nakaraan.

I saw rowan kissing someone. Idk who is that girl dahil nakatalikod siya sakin.

Nag iba nanaman ang place at nandon nanaman si rowan kasama ang isang babae at isang bata. Nasa mall sila at mukang masayang masaya sila kung titignan ay para silang isang pamilya.

Next place ay nasa bundok naman sila. Tumalon si rowan sa isang pool habang nakangiti namang nakatingin sakanya ang babae.

Lumapit siya rito at napanguso na parang nagtatampo. Binigyan siya ng tuwalya ng girl at tuluyan na silang nawala.

Napamulat ako at napahinga ng ilang beses para akong nalunod sa malalim na dagat.

"How did I forget the person who always makes me felt love? How did i forget the person who brings out the best in me?like how? She's my life, my oxygen kaya paano ko siya nagawang kalimutan ng ganon ganon nalang? Sa mga nakaraang araw na ginawa kong pagtataboy sakanya para akong sinasaksak ng ilang ulit. Hindi ko yon magagawa sakanya dahil mahal ko siya."

F-ck! My head hurts again.

"Reign! Wake up!" naramdaman ko nalang na umangat ang katawan ko mula sa sahig.

Binuhat ako ng taong pilit gumigising sakin kanina. Hindi ko alam kung sino siya dahil hindi ko maimulat ang mga mata ko ang tanging nararamdaman ko ay gusto kong matulog.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon