ADKBG 39

2.8K 101 5
                                    

Reign

Ilang araw nakong walang balita kay rowan.

Mabaliw baliw nako sa kakaisip kung nasan siya at anong nangyari sakanya.

Pagkatapos naming lumabas ng bar dahil sa sinasabi nilang bomba ay bigla namang may nagpaputok samin.

Akala ko mamatay nakami ng mga sandaling yon pero maswerte parin kami dahil hindi kami nasaktan sa nangyari.

Ang sabi ng mga pulis wala talagang bomba sa loob ng bar.

Tinanong ko kung may nakita silang babae pero ang sabi nila wala.

Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot.

Noong una okay pa ang phone niya pero lumipas ang ilang araw ay out of coverage na ito.

Araw araw akong pumupunta sa pulis station para makibalita.

Ang sabi nila hinahanap parin nila si rowan at hindi sila titigil hanggat hindi nila nalalaman kung ano nga ba talaga ang nangyari sakanya.

"Reign kain kana muna" hayag ni zian.

Madalas sila dito sa condo ko. Binabantayan nila ako kahit hindi naman kailangan para naman kasing may gagawin akong masama na hindi nila magugustuhan.

Umupo siya sa gilid ng kama ko.

"Reign alam kong nag-aalala ka kay rowan pero ilang araw ka ng walang maayos na kain paano nalang kung bumalik si rowan sigurado akong magagalit yon sayo" tipid akong ngumiti.

"Mas gusto ko pang magalit siya sakin kesa isipin na nawawala siya at may posibilidad na hindi na siya babalik" tumulo na ang mga luha ko.

Ang sakit..pakiramdam ko mag isa nalang ako...pakiramdam ko hindi na siya babalik pa sakin..

Pinatikim lang pala ako ng saya..pagkatapos ay babawiin lang din pala.

"Reign malakas at matalinong tao si rowan kaya sigurado ako na babalik siya satin kaya please kumain kana kung gusto mo tutulungan ka namin ni avril na pumunta sa presinto oara kumuha ng update basta kumain kalang" para naman akong batang nauto sa sinabi niya.

Ano pangabang ginawa ko, edi kumain ako. Gusto kong malaman kung ano na ang balita sa paghahanap nila sakanya kahit yon manlang ay maramdaman ko na may pag-asa pa.

Pagkatapos naming kumain ay naligo narin ako kaagad. Si avril ang nag ddrive habang nakaupo naman ako sa back seat at si zian sa front.

Bumaba kami sa pulis station saktong sakto at si Andy ang nasa front desk.

"Reign kayo pala bakit kayo naparito?" Bungad niya.

"May balita naba sa paghahanap kay rowan?" Naging seryoso naman ang mukha niya.

"Wala paring lead sa ngayon pero maya maya lang ay dadalhin na ang tape ng cctv sa bar para makakuha ng impormasyon"

Tama bakit hindi kaagad namin naisip ang cctv.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Dont worry reign mahahanap din natin si rowan. Alam kong malapit na kaya mag tiwala kalang"

"Salamat andy nagtitiwala ako sainyo alam kong ginagawa niyo ang lahat para mahanap niyo siya kaya salamat"

Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay nandiyan sila para palakasin ang loob ko.

Biglang may dumating na dalawa pang pulis. Sumaludo sila sa isat isa at ang isa sakanila ay may binigay na tape kay Andy.

"Ito naba yon?"

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon