ADKBG 55

2.8K 106 5
                                    

Lady L

Naiwang nagtataka ang mga tao sa first floor ng rest house habang si reign naman ay napayuko nalang sapagkat ramdam niya ang pag-init ng pisngi siya

Hindi siya kinikilig sa sinabi ni rowan kundi naiinis siya dahil paki-ramdam niya ay may ginawa silang hindi kaaya-aya

Nag kiss lang naman sila kaya normal lang ito sakanya pero ng sabihin iyon ni rowan ay bumalik sa ala-ala niya ang mga nangyari.

Ang mabagal ngunit masarap nitong mga halik na kahit siya ay hindi niya alam kung bakit niya hinayaang mangyari

Gusto niya itong sigawan pero lalu lang magdududa ang mga kasama niya na may nangyari ngang kakaiba na hindi alam ng iba.

Lumipas ang gabi na hindi nakatulog si reign hanggang sa maisipan niyang bumaba para uminom ng tubig.

"Hindi ka pa tulog" muntik ng dumulas ang hawak niyang baso ng may bumulong sa likuran ng tenga niya.

Unti unti siyang lumingon hanggang sumalubong sakanya ang nag-iisang mukha na dahilan kung bakit hindi siya makatulog.

Lumakad ito sa ref at kumuha rin ng maiinom.

Nagtataka siya kung bakit hindi niya maalis ang tingin niya rito na kahit anong gawin niya ay nakatingin parin siya sa  bawat galaw nito.

Ano ba reign umayos ka nga

Napalunok ito ng makita niyang dilaan ni rowan ang kanyang mga basang labi.

Sana tubig nalang ako.

H*ck where do i get those words?!

Did i really said na sana tubig nalang ako?and f-ck! bakit ba kasi pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya?!

Ugh!i dont f*cking understand myself!

"Gusto mong uminom?" Napabalik si reign sa katinuan niya at isinuot muli ang mataray nitong mukha

"Mukha bang gusto kong uminom sa kagay nato?kita mo naman diba kakatapos ko lang uminom tapos aalukin moko tss hindi nag-iisip"

"Sorry po kamahalan ah, masyado ka kasing lutang sa kakatingin sakin. Tingin ko nga may binabalak kang masama sakin sa lagkit ng mga tingin mo. Siguro iniisip mo kung pano ka makakapasok sa kwarto ko para gahasain ako no? hmm..hindi mo naman kailangang gawin yon dahil handa naman akong ibigay ang sarili ko basta hilingin mo lang sakin^_-"

Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to

Lumapit si reign sa kinaroroonan ni rowan at tinutulan ito ng tinidor na nakuha niya sa kung saan.

"Kung meron man gagawa ng ganon bagay dito ikaw yon hindi ako!" Natawa si rowan sa naging reaksyon nito para kasing gigilitin siya nito ng buhay

"Oh bakit napaka defensive mo naman yata? may pa tinidor kanarin ngayon akala mo ba talagang masisindak moko gamit langyan?" Napaisip naman si reign

Oo nga naman ano bang magagawa nitong tinidor nato sakanya?dapat pala ay yung kutsilyo nalang ang pinulot ko

"Kinakausap mo nanaman ang sarili mo natatakot na tuloy ako na baka pagkatapos mong makuha ang gusto mo sakin ay bigla mo nalang akong patayin may pagkasadista ka pa naman" arte nito

"Ulitin mo nga yang sinabi mo!" Nanaggagalaiti na si reign sa inis.

Wala na talagang makakapagpadama ng nararamdaman niya ngayon kundi si rowan lang ang taong kinaiinisan niya ng buong puso at kaluluwa

"May pagkabingi rin pala ang sabi ko po baka patayin mo ko kapag nakuha muna ang gusto mo may pagkasadista kapa naman"

Talagang inulit pa ng gaga!

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon