NB : 3

2.3K 221 54
                                    

JAY

I woke up because of the feeling that someone is looking at me.

"Theo, you dumbass. Stop staring," inaantok na bulong ko at nagtakip ng mukha.

Lumipas ang ilang minuto ay ramdam ko pa rin ang tingin ni Theo sa akin.

Naiinis na bumangon ako at inalis ang unan na nakatakip sa aking mukha.

"I told you to stop-"

Hindi ko naituloy ang aking sinasabi nang makitang hindi si Theo ang nakatitig sa akin.

"Who are you?" kunot noong tanong ni Mommy Queen habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kaliwang braso niya.

Huh? M-Mommy Queen?

"I'm asking you, old man."

My eyes grew bigger when I realized that I am not dreaming.

"M-Mommy Queen," nauutal na saad ko at agad na bumaba sa kamang kinahihigaan ko.

I was about to hug her when she stopped my face using her right hand.

"What the heck? Mommy? I don't even have a boyfriend nor husband. Tapos tatawagin mo akong Mommy? Ano 'to? Nagkaanak ako nang hindi ko alam. Sino ka ba?"

It's the second time that she ask me who am I.

It means... "You don't remember anything?" mahinang anas ko.

Inalis niya ang kanyang kamay sa mukha ko at tiningnan ako nang masama.

"Anong 'you don't remember anything', wala akong amnesia. Sino ka ba? Sino kayo?" Lumingon ito at itinuro sina Raphael at Theo na natutulog pa rin. "At nasaan ako? I should be in the hospital doing rounds, pero nagising na lang ako na nandito," saad nito at muli akong hinarap.

I gulped when she showed me her famous glare na kinatatakutan ko kahit noong bata pa ako. When she glared at me, even at Momma Jelly and Mama Zia, we automatically behave like a dog.

"It's already year 2085," ani ko na nagpa-irap ng mata nito.

"I'm asking who are you, I didn't ask what year is it. Alam kong 2085 na nga— WHAT!?"

I immediately put my hands on my ears when she shouted.

"2085! Ano 'to? Natulog ako ng 2051 paggising ko 2085 na!" ani nito na nawala ang postura. "Pinaglololoko mo ba ako?!" galit na ani nito sa akin.

Napabuntong hininga ako at nag-isip ng paraan kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

I already expect that there's some side effects from the vaccine, but I didn't expect that it would be their memories. Yung alaala nila about sa zombie ay nabura.

"There's zombie outside," saad ko at itinuro ang malaking pinto na nahaharang ng mga cabinet at upuan.

"Zombie? Mukha ba akong nakikipagbiruan sa'yo?"

Napabuntong hininga ako dahil mukhang mahihirapan akong magpaliwanag kay Mommy Queen. Err, I think I should stop calling her Mommy. She looks younger than me. Parang hindi naging zombie.

"Come with me," saad ko at hinila ang kaliwang braso niya.

"Stop!"

Nahinto ako nang sumigaw siya.

"My left hand... I can't move it."

Napaawang ang aking labi at nabitawan ko ang kaliwang kamay niya.

"May iba ka pa bang nararamdaman?" tanong ko na hindi naitago ang pag-aalala sa boses.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora