NB : 36

2K 197 37
                                    

ZIA

Itinabi ko ang naiwan ng bruhang si Avery na pocket knife. Dadalhin ko ito kahit saan ako magpunta at kapag nakaharap ko ang bruhang iyon ay itatarak ko 'to sa mata niya.

Pero nagbibiro lang ako, siguro ay ako na mismo ang puputol ng daliri niya na hindi ginawa ni Queen noon.

Kung alam ko lang talaga na makakatakas ang bruhang sana ay pinilayan ko muna.

"Zia."

Nag-angat ako ng tingin at hindi na nagtaka nang makita si Queen sa aking likod.

Nandito kami sa harap ng tinutuluyan namin, may isang mahabang kahoy na upuan dito na si Theo ang gumawa.

Speaking of Theo, hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya kasi laging siya ang inuutusan ni Jay at Raphael.

Pero minsan natatawa rin ako kasi hindi siya makapalag. Katulad na lang ngayon, si Theo ngayon ay nililinis ang truck habang walang suot na pang-itaas.

Ang nag-utos dito ay.....

"Bakit ka ganyan makatingin?" tanong sa akin ni Queen at tinaasan ako ng kilay.

Umiling ako agad at ngumiti nang peke.

Si Queen, si Queen ang nag-utos kay Theo na linisin ang truck.

"Grabe, ang macho!! Tignan mo naman ang biceps!!"

Napaangat ang aking kilay nang makarinig ng hagikhikan.

"Ano 'yon?" tanong sa akin ni Queen.

Nagkibit balikat ako dahil kahit ako ay hindi alam kung saan nanggagaling ang hagikgikan.

"At ang abs mga inday, kumikinang!! Shit, kumuha nga kayo ng palaman! Libre na ang pandesal."

Nagkatinginan kami ni Queen dahil sa narinig.

"May mga malalanding nagpapantasya sa naglilinis na si Theo," turan ko na mahinang tinawanan ni Queen.

"Baka first time makakita ng macho," sagot nito.

Lumingon ako kay Theo at halos masuka ako sa itsura nito. "Macho? Saang banda anv macho riyan, Queen?" tanong ko habang nakalahad ang dalawang palad sa direksyon ni Theo.

"Ikaw, kahit kailan napakalaitera mo. Kahit macho yung tao o gwapo yung tao malamang ay itatanggi mo," ani nito at hinila ang dulo ng aking buhok kaya nalukot ang aking mukha.

"Nagsasabi ako nang totoo! Hindi ako namamachohan at nagagwapuhan diyan kay Theo," tugon ko at ngumuso.

"Eh kay Rhio?"

Bumalik sa normal ang mukha ko dahil sa binanggit ni Queen na pangalanan. Binalingan ko siya at nakita ako ang mapaglarong ngiti nito.

"Duh!" usal ko lang at tumalikod nang pwesto rito.

"Sus, umiiwas."

"Alam mo, mas maganda pa kung wala kang naaalala. Tahimik ka lang," saad ko na hindi humaharap dito, mahirap na.

"Kunwari ka pa, isa ka ring maharot eh."

Argh! Hindi ako maharot! Foods before Dudes kasi ako, aanhin ko 'yang si Rhio kung isa ring timawa iyon. Agawan pa ako sa pagkain 'pag nagkataon, hmp.

"Hindi ba huhubarin ni Theo ang jeans niya para mas gumanda ang view?" saad muli ng kung sino na nasundan din ng hagikhikan.

Tumayo ako at hinahanap ang kinapupwestuhan ng talanding babae.

Nameywang ako nang makitang nakasilip sa bintana sina Maze, Bell, Melissa at Cassy.

"HOY!!" malakas na sigaw ko.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें