NB : 17

2.1K 218 41
                                    

JAY

"Kuya Rhio," saad ko nang magawi ang tingin kina Mommy Queen at Mama Zia na bigla na lamang nawala kanina.

"Ha? Sino?" si Momma Jelly na agad tumabi sa akin.

I heard her gasped at nakita ko pa ang pagtakip niya sa kanyang bibig.

Kaya pala hindi namin mahanap si Kuya Rhio kung saan ito naging zombie ay tao na pala ito.

Tumagilid ang aking ulo at napapikit. Ibig-sabihin ay may nauna na talagang nakagawa ng vaccine. At siguro ay plano nito na gawing zombie ang lahat ng tao.

"What happened? Bakit may tama ka ng bala?" tanong ni Momma Jelly habang isinasakay sa likod ng truck si Kuya Rhio na hinang-hina.

Lumapit sa akin si Mommy Queen at sinenyasan akong hubarin ang teeshirt ko.

"Why?" takang tanong ko.

"Just do it." Pinanlakihan ako nito ng mata kaya walang salita na hinubad ko ang aking teeshirt.

Pinunit nito ang laylayan niyon at lumapit kay Kuya Rhio.

Ibinuhol nito sa tagiliran ni Kuya Rhio ang tela na nagpaigik dito.

"Hayaan mo na 'yan, Queen. Mamamatay rin naman 'yan," si Mama Zia na nakakunot ang noong nakatingin kay Kuya Rhio.

Saglit na nagmulat ng mata si Kuya Rhio.
"Oh tamo! Mumulat pa hinang-hina na nga!!" ani muli ni Mama Zia at sinipa sa paa si Kuya Rhio.

"A-Ang galing mo pa rin t-talaga manlambing," utal-utal na saad ni Kuya Rhio.

"Aba't! Anong lambing? Ikaw? Asa ka, baka sakalin pa kita riyan nang matuluyan ka na eh," asik nito at umalis sa likod ng truck. Dumiretso ito sa passenger seat habang may ibinubulong.

"Bumalik na lang muna tayo sa tinutuluyan natin. Tsaka na tayo bumalik dito kapag magaling na ang lalaking ito," saad ni Mommy Queen na tumayo na mula sa pagkakaluhod.

Iniwan na kami nito sa likod ng truck at sumakay na sa driver seat.

Isinara ko ang pinto nang marinig ang pag-ugong ng makina.

"P-Paano naging tao sina Z-Zia?" tanong ni Kuya Rhio.

"I don't know if you remember me, but I'm the kid before, I'm Jay," saad ko na mahinang tinanguan nito.

"Gumawa siya ng vaccine, Rhio. Ang galing 'no?" si Momma Jelly at nakangiting tumingin sa akin.

Napanguso ako upang itago ang ngiti.

"Baka anak namin 'yan nina Queen at Zia," dagdag pa nito at ginulo ang aking buhok.

"Momma!" angal ko at inayos ang aking buhok.

"Ay sus!" tukso nito at mahinang tumawa.

Si Kuya Rhio ay mukhang nakatulog na.

Nang magawi ang tingin ko sa dumudugo nitong tagiliran ay muli akong napaisip.

Bakit siya may tama ng bala?

NAIWAN si Mama Zia sa kwarto para bantayan si Kuya Rhio.

"Punyetang lalaki 'to. Pasakit sa buhay! Bakit ba ako pa magbabantay sa panget na 'to?"

Rinig naming reklamo nito sa loob ng kwarto. Umiling si Momma Jelly habang si Mommy Queen ay nakangisi.

"Is that the Rhio guy?" tanong ni Raphael nang maupo ako sa tabi nito. Si Theo ay nasa kabilang bahagi ng mesa.

"Yes, he's the one who saved Mama Zia's life," ani ko na nagpatawa nang pagak dito.

"Just wondering if they are close to each other," ani nito at tumango.

"Ex-boyfriend ni Zia yung kakambal ni Rhio. Kaya minsan hindi namin alam kung gakit ba talaga si Zia kay Rhio o hindi," si Momma Jelly.

Dumiretso ang likod ni Raphael at tila naging interesado ito.

"Ex-boyfriend? So that Rhio guy, looks like Zia's ex, because they're twins?" tanong nito na mukhang naninigurado.

"Yep!" si Momma Jelly na pinatunog pa ang labi.

"Ano? Buhay ka pa bang hayop ka? Huwag ka nang gumising punyeta ka."

Natawa kaming lahat nang marinig na naman ang boses ni Mama Zia.

Ganoon lang siya pero alam naming nag-aalala iyon kay Kuya Rhio.

"Hmm," si Mommy Queen na mahinang kinatok ang lamesa.

"Hindi ka ba kayo nagtataka kung bakit ganoon ang lagay nung lalaki? Kanina kasi nung nakita ko siya mukhang may tinataguan siya," ani nito.

"Sa tingin niyo ba galing ng building si Rhio?"

Natahimik kaming lahat nang marinig ang tanong ni Momma Jelly.

Nakatingin si Mommy Queen sa kanya at maya-maya pa ay pumitik ito sa ere.

"I get it!" ani nito at humarap kay Momma Jelly.

"Galing si Rhio sa building at posibleng tumakas siya. Kasi di'ba, pinapatay yung ibang zombie na nagiging tao, baka isa si Rhio sa mga zombie na naging tao tapos kailangang patayin," paliwanag ni Mommy Queen.

"Aha, tama. Pero ang malaking katanungan talaga rito, bakit nila pinapatay yung mga naging tao na di'ba?" tugon ni Momma Jelly.

Raphael tapped my shoulder kaya nilingon ko siya.

"Are they detectives?"

Natawa ako sa tanong nito.

"Nope. They just love guessing," saad ko.

"I'm hungry," si Theo na nakapangalumbaba. "I didn't do anything at all but I'm hungry," dagdag pa nito.

Naiiling na tumayo si Raphael at mukhang maghahanda ito ng makakain namin.

Napalingon kami sa kwarto nang lumabas doon si Mama Zia na sobrang haba ng nguso.

"Pahingi akong pagkain," ani nito at uupo na sana sa tabi ni Momma Jelly nang magawi ang tingin nito kay Mommy Queen.

Ininguso ni Mommy Queen ang kwarto kaya agad na dumiretso ng tayo si Mama Zia.

"Sabi ko nga, sa kwarto ako kakain," bulong nito at pumasok muli sa loob ng kwarto.

"Kasalanan mo 'tong tukmol ka!" si Mama Zia na mukhang si Kuya Rhio na naman ang binalingan ng inis.

"Sa lakas ng boses ni Zia malabong makapagpahinga nang maayos si Rhio," saad ni Momma Jelly.

"Thanks," saad ko nang ilapag ni Raphael ay isang mangkok ng corn beef. Ilang araw na ring delata ang ulam namin.

"I'll bring this to Zia," saad nito. May hawak itong isang plato na may nakalagay na corned tuna at corn beef.

"May gusto ka ba kay Zia?"

Napaawang ang labi naming lahat dahil sa tanong ni Mommy Queen.

Si Theo ay bahagya pang nasamid at binuntutan ng tawa.

"I don't like her. I just see my little sister to her," seryosong sagot nito na nagtikhim sa akin.

Nalimutan ko na may kapatid si Raphael na namatay noon. I only met his little sister once, but I remembered Mama Zia to her in instant. Now I understand why he's acting like he cares.

Nang hindi sumagot si Mommy Queen ay umalis na si Raphael at pumasok sa kwarto.

"His sister died because of ambush," si Theo na puno ng pagkain ang bibig.

"Her name si Kiria," dagdag nito matapos uminom ng tubig.

Tumahimik kami nang lumabas na si Raphael at naupo sa harap ng lamesa.

"Pengeng tubig!! Ano? Puro pambara lang walang pantulak?" sigaw ni Mama Zia mula sa loob.

Tatayo na sana ako nang mauna si Raphael.

"Let me," bulong nito kaya hinayaan ko na.

Nagbuntong hininga ako at pinagtuunan na lamang ng pansin ang pagkain.

~~
Don't forget to voteeee, thank youuu so muchhhh

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now