NB : 25

2.1K 213 52
                                    

ZIA

"Naririnig niyo ba 'yon?"

Nag-angat kami ng tingin dahil sa biglang sinabi ni Meteor.

Nakaturo ito sa itaas kaya tumingala ako. Ang tanging nakita ko lang ay kisame....

"May helicopter sa labas!!" sigaw ni Bell at biglang tumayo.

Parang isa itong inahing manok at ang mga sisiw ay nagsisunuran. Si Maze, Maizeleen, Melissa at Cassy. Ang tanging naiwan ay si Mori at Meteor na nakasunod lamang ang tingin sa limang umalis.

"First time ba nila makakakita ng helicopter?" tanong ni Meteor na tinawanan ko.

"Baka nalimutan nila kung anong itsura ng helicopter," sagot ni Mori.

Tumayo lamang kami nang lumabas ng kwarto si Raphael.

"They are here already," ani nito kay Jay na nasa likuran pala nito.

"Sinong nandito na?" inosenteng tanong ni Mori na sa akin nakatingin.

"Sundalo rin kasi 'yan si Raphael. Tapos humihingi siya ng tulong sa mga kasamahan niya para dalhan tayo ng supplies dito," paliwanag ko. Gusto ko mang magloko ng sagot kay Mori ay hindi ko magawa dahil masyado itong inosente.

Lumabas na rin kami matapos kong silipin si Queen na nasa loob ng kwarto at binabantayan si Jelly.

Paglagpas namin sa railings ay nagkakagulo sina Maze sa binabang kahon ng mga lalaking nakadamit pang-sundalo.

Napasimangot ako nang maalala ang mga sundalo na dapat ay magliligtas sa amin noon pero hindi dumating.

Kung mayroon man akong ipagpapasalamat noon kay Archer, iyon ay ang pagdating ng mga kasamahan nito. Kundi dumating ang mga iyon noon, malamang ay naging zombie rin si Jay at wala kami ngayon sa ganitong sitwasyon.

"Hoy, punyeta!!" biglang mura ko nang makita ang babaeng nasa loob ng helicopter. Medyo kulubot na ang balat nito pero hindi ako maaaring magkamali ng hinala.

"Agatha?!" sigaw ko sa pangalan nito kaya tumingin ito sa akin.

"Tangina...si Zia ka ba?" tanong nito na iba na ang tunog ng boses.

Sumakay ako ng helicopter at niyakap ito nang mahigpit.

"Shit!! Tangina, buhay ka pa pala!" bulong ko habang nakayakap dito.

"Tangina mo rin, bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ako lang ang tumanda!!"

Hindi ko alam kung nagrereklamo ba ito.

Malaki ang pasasalamat ko kay Agatha dahil siya ang nagbantay at nag-alaga kay Jay.

Hindi rin naman aabot sa puntong ito si Jay kung hindi dahil sa kanya.

"Bakit ka sumama?" tanong ko nang bumitaw kami sa isa't-isa.

"Eh kayo? Bakit hindi pa kayo umaalis dito?" tanong nito na nagpaseryoso ng aking mukha.

"Oo nga!" segunda ni Cassy. Nakatingin silang lahat sa amin.

"May helicopter naman pala na susundo sa atin? Bakit hindi pa tayo umalis? Mapapahamak lang tayo," si Maze.

"Walang aalis," matalim ang boses na saad ko.

"Walang pwedeng umalis hangga't hindi naayos ang lahat ng ito. Kaya bumalik si Jay rito ay para mabago ang tadhana ng Pilipinas. Kung kailang nasa kalagitnaan na kami ay tsaka pa ba kami aalis?" saad ko.

Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Jay ngunit hindi ko siya tinignan.

34 years ago ilan lamang kaming pinalad na mabuhay sa bansang puno ng zombies. At 30 years ago, dalawa lamang ang swerteng nakaligtas. At iyon ay si Jay at Agatha. Ngayong bumalik si Jay para iligtas kami ay hindi namin hahayaan na mauwi sa wala ang lahat ng pagod at hirap niya.

Aayusin namin ang bansang sinilangan at kinalakihan namin. Kung may kaya kaming gawin ay bakit hindi namin subukan. Kung kaya namin ay bakit kami tatalikod.

"Kung gusto niyo pwede na kayong sumama sa kanila," ani ko na nagpasinghap sa kanila.

"Joke lang," bawi ko at ngumiti.

"Gaga ka pa rin talaga," bulong sa akin ni Agatha.

"Ang chaka mo ngayon." Tumawa ako dahilang upang sumimangot ito at mas lalong kumulubot ang mukha.

"Nakunsumi ka ba kay Jay at ganyan ang mukha mo?" biro ko na inirapan nito.

Hindi naman halatang matanda si Agatha, pero may kulubot na ang balat nito. Marahil ay dahil sa edad.

"Hindi ah! Napakabait niyan ni Jay. Ni minsan hindi sumakit ulo ko riyan, pero kahit na ganoon ay pumuti pa rin ang bulbol ko," ani nito na sinundan ng tawa.

"Gaga ka!" Tumawa rin ako sa tinuran nito.

"Wala bang ibang lugar? Usap tayo?" bulong nito sa akin na mukhang ayaw talaga na may makarinig sa gusto niyang pag-usapan namin.

JAY

Sinundan ko ng tingin si Mama Zia at Ate Agatha nang umalis ang mga ito.

Nagkibit balikat na lamang ako at baka may naisip lang na kalokohan ang dalawa.

"Jay."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Mori na nahihirapang buhatin ang isang box.

"Let me," saad ko at ako na mismo ang nagbuhat sa box. "Iyon na lang ang ipasok mo," saad ko at ininguso ang medicine kit na nasa loob pa ng helicopter.

Lumingon ako kay Raphael na ngayon ay kinakausap ang mga buddy niya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

Gusto ko mang makinig ay hindi pwede dahil hindi naman ako parte ng sundalo.

Tatalikod na sana ako nang marinig ang isang pamilyar na apelyido.

"That's the former General Privacco."

Napalingon muli ako sa kanila at mukhang nahalata iyon ng isa sa buddy ni Raphael dahil tumahimik sila.

I just shrugged my shoulder at nagpasyang pumasok na sa loob.

"Pakidala na lang iyan kay Mommy Queen," ani ko kay Mori nang makapasok kami sa loob. Tumango lang ito at agad na sumunod.

Dumiretso ako sa kusina kung saan dinala ang iba pang box na may lamang food supplies. Naroon sina Maze na nag-aayos na rin.

Inilapag ko sa lamesa ang kahon na buhat ko at nang buksan iyon ay bumungad sa akin isang malaking bag.

Isinara ko agad ang kahon dahil alam ko na agad kung anong laman niyon. Hahayaan kong si Raphael na ang mag-ayos nito.

Ibinaba ko sa sahig ang box at inilagay sa ilalim ng lamesa.

"Aalis na raw sila!!" malakas na sigaw ni Mama Zia na kakapasok lang ng kusina.

Hindi na nito kasama si Ate Agatha at ako ay napupuno ng katanungan sa utak. Kung ano ba ang pinag-usapan nilang dalawa at kailangan nilang lumayo.

Sumunod ako rito nang lumabas ito.

Naipikit ko ang aking mata nang paglabas namin ay sobra-sobra ang hangin na dala ng helicopter dahil sa bilis ng ikot ng elesi nito.

"Take care, contact me when you reach the camp already," saad ni Raphael.

"Babye, Agatha!!" paalam ni Mama Zia at kumaway. "Huwag ka nang babalik, punyeta ka!!" Natatawang sigaw muli ni Mama Zia.

Dumila si Ate Agatha at ipinakita ang gitnang daliri.

"Mukha ka pa ring burat!!" ganting sigaw ni Ate Agatha bago tuluyang tumaas sa ere ang helicopter at lumipad palayo.

Narinig ko ang buntong hininga ni Mama Zia kaya nilingon ko siya.

"Naiiyak ako na ewan," saad nito at pekeng ngumiti. "Ang gulo-gulo," dagdag nito at tumalikod na.

Napahinto kaming lahat nang humahangos na lumabas si Mommy Queen.

"Si....Si Jelly!"



~~~

Ako rin nacu-curious kung ano pinag-usapan ni Agatha at Zia huhuhu. Don't forget to vote haaa! Thank youuu.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now