NB : 49

1.9K 175 25
                                    

ZIA





"PUTANGINA!" sigaw ko nang sumulpot ang isang zombie sa aking harap.

Tatakbo na sana ako nang biglang tumawa ang zombie na nasa harap ko.

Tangina, zombie? Tumatawa?

Unti-unting nangunot ang aking noo nang mapagtantong pamilyar sa aking pandinig ang tawa na iyon.

"Bwiset ka!" sigaw ko at malakas na hinila ang buhok ni Rhio na siyang nagpapanggap na zombie.

"Muntikan na akong atakehin sa puso, punyeta ka!" ani ko habang nakasabunot sa buhok nito.

Hinawakan ni Rhio ang kamay ko at pilit na inaalis sa pagkakasabunot sa kanya.

"Aray ko! MAsakit!" reklamo nito na hindi ko pinansin.

Isang batok pa muna ang ginawa ko bago hinihingal na lumayo sa kanya.

Halos mag-init ang aking bunbunan nang muli itong tumawa.

"S-Sorry." Tumatawang saad nito.

Tumingala ako at nagbuga ng hangin para kalmahin ang sarili. Naiinis ako sa kanya. Akala ko ay nakain na siya ng zombie kaya wala siya rito, iyon pala ay nagpanggap itong zombie.

Pinanonood ko ito habang abala sa pagpupunas ng kanyang mukha.

"Ako na," saad ko at inagaw sa kamay niya ang wet wipes.

Hinawakan ko ang kanyang panga at iniharap ko sa akin ang kanyang mukha.

Mariin kong ipinunas sa mukha niya ang wet wipes.

"A-Aray," mahinang daing nito. Marahil ay nasasaktan sa pagkakariin ng punas ko.

Mas lalo ko pang diniinan ang pagpupunas sa mukha niya.

Buti nga sa'yong bwiset ka. Nag-alala ako punyeta.

"Okay na," ani ko at ibinato sa mukha niya nag wipes na ngayon ay iba na ang kulay dahil sa make-up na ginamit niya.

"Galit ka ba?"

Halos matawa ako nang pagak sa tanong ni Rhio.

Tinatanong pa ba iyon? Hindi pa ba halata sa kilos ko?

Hindi ako kumibo at basta na lamang ako tumayo mula sa pagkakaupo namin sa bench.

"Umuwi na tayo," ani ko at akma nang hahakbang nang hawakan nito ang aking braso.

"Sorry na," ani nito.

Nagbuntong hininga ako at pagharap ko sa kanya ay mahina kong sinapok ang kanyang mukha.

"Aray ko," arte nito na nagpairap sa akin.

Muli akong naupo sa tabi niya at nagkrus ng braso.

"Sa susunod na ulitin mo pa iyon sisipian kita papuntang pluto," turan ko.

Nakita kong inihaba nito ang nguso kaya napailing ako.

"Wala na kaya yung pluto," bubulong-bulong na ani nito.

Tinignan ko siya nang masama kaya mas lalong humaba ang kanyang nguso.

"Tigilan mo 'yang pagnguso-nguso mo baka hilahin ko 'yan," ani ko at iniamba ang kamay sa harap ng mukha niya.

"Pero yung totoo, anong naramdaman mo nung nakakita ka ulit ng zombie?"

Nawalan ako ng kibo sa tanong ni Rhio. Sasabihin ko ba sa kanya na siya agad ang naisip ko? Pero kapag sinabi koi yon ay paniguradong lalaki ang ulo ng tukmol na ito.

"W-Wala," ani ko at nakagat ang pang-ibabang labi.

Bakit ako nauutal? Si Rhio lang naman 'tong kausap ko.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now